Typo/grammatical errors aheadAlmost 3 years na since nung nakipagbreak ako sa kanya. Yeah, minabuti kong tapusin na ang relasyon namin. Sa kagaguhan ko ilang araw bago ang anniversary namin doon ko tinapos ang lahat. Naalala ko pa sabi niya hindi pa daw un official kasi ako lang naman nakipag break
(Flashback)
“Ayoko na, Theon. Hindi na to magwowork” sabi ko sa kanya habang kumakaen kami sa Jollibee. Inaya ko kasi siya at sabi ko may sasabihin ako
“Hindi. Hindi tayo magbbreak Sunny. Mahal mo pa ako diba? Sabihin mo mahal mo ko” sabi niya habang nagingilid ang mga luha nito.
HInawakan niya mga kamay ko, pinakiramdaman ko pero wala na talaga. Wala na yung dating init. Init na naraaramdaman ko sa tuwing hinahawakan niya ako.
“Pagod na ko” tanging salitang nasagot ko
“Saan ka napagod? Sa akin? Magbabago na ako wag ka lang umalis. Wag mo akong iwan” pagmamakaawa niya sa akin
“Ayoko na, Theon. Matagal ko na sanang gustong sabihin sa iyo. Sinubukan ko, alam kong ramdam mong lumalamig na. Kaya sinubukan ko pero naging bato ung puso. Ayaw na niya. Ayoko ng mas masaktan ka pag pinatagal pa naten to”sabi ko sabay tanggal ng kamay niyang nakahawak.
Tama naging bato na talaga yung puso ko. Bigla na lang paggising ko isang umaga. Nawala ang lahat, ung pagmamahal ko sa kanya. Para akong nagka-amnesia na diko mapaliwanag.
“Pleaseeee, promise makikinig na ako sayo. Hindi na ako magiging tamad aayusin ko na yung sarili ko. Please magstay ka sakin please” muli nitong pagmamakaawa pero yung puso ko wala talagang nararamdaman.
“Kailangan nating mag-grow Theon. Masyado na tayong dependent sa isat-isa. Masyado na tayong kalmado na naandyan tayo lagi. Pakiramdam ko muli na naman akong naligaw. Bumalik ako sa umpisa kung ano ako nung nakilala mo ako” nakayukong sabi ko
“Pwede naman tayo mag-grow na magkasama diba? Pwede naman un diba? Tutulungan naten yung isat-isa” muling pakiusap niya
“Ayoko na please” tumayo ako at lumabas
Sadyang good timing si tadhana at biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ni Theon
“Pleasee don’t leave me. I love you so much Sunny!”
“Please let me go Theon” umiiyak na sabi ko
Halos ilang minuto kami sa ilalim ng bumubuhos na ulan. Walang imikan tanging patak ng ulan at mga hikbi namin ang naririnig. Unti-unti kong naramdamang binitawan ni Theon ang kamay ko
Walang lingon-lingong tinakbo ko ang ulan at sumakay sa sasakyan ko.After that incident, nagchachat at text pa din siya nung una sinasagot ko pa. Patuloy siyang nakikiusap pero ewan ko. Wala na talaga. As in wala na. Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok puso ko. Para akong namatay.
Dumating ako sa point ng buhay ko na wala akong kinakausap maski pamilya ko o mga kaibigan ko. Umiwas ako sa mundo, hinanap ko ang sarili ko. Mga isang buwan ang lumipas nagkaroon ang ng lakas loob na buksan ang account ko at doon nakita kong may ka in a relationship status siya. Well, sa totoo lang masakit. Tangina nasaktan ako. Sinubukan kong buksan account niya at laking gulat ko ng magopen un. So hindi pa din niya pinalitan ung password niya. At doon ko nakita ung sweet messages nila. Ang saya saya nila. Si Arianne nga pala ung naging jowa niya, isa sa mga barkada namin. Nabasa ko na hindi siya iniwan nito nung mga panahong iniwan ko siya. Nakaramdam nalang ako ng paninikip ng dibdib ko at nagdilim ang paligid.(End of flashback)
Doon namin nalaman na may sakit ako sa puso. Pero kakaiba ito dahil habang humihina ang tibok nito unti unti itong hindi nakakaramdam. Nagsisimula ng humina ang tibok ng puso ko.
Hindi ko pinaalam sa kanya at kung kanino mang kakilala namin. Basta mutual friends namin walang nakakaalam. Nangako ang pamilya kong di nila sasabihin basta papayag akong magpagamot sa Amerika.
At ilang buwan nga ang nakalipas wala hindi pa din nila malunasan ang sakit ko. Halos minsan para na akong lantang gulay. Minsan nasusuka na ako sa dami ng gamot na pinapainom sa akin.
Sobrang bilis ng pangyayare, unti unti ng humihina ang katawan ko kaya nakiusap ako kila mama na bumalik na ako sa Pilipinas dahil wala na din naman akong lunas.
YOU ARE READING
Letting You Go
Short StorySa relasyon minsan dadating ang araw na kailangan mo ng bumitaw Pinili ni Sunny na bitawan si Theon dahil sa tingin niya ito ang makakabuti sa kanila. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana Maghihilom paba ang sakit na dulot ng nakaraan?