Prologue

4 0 0
                                    

Odette POV

Bata palang ako pinangarap ko na na makita ang isa sa pinakahinahangaan kung tao at yun ay si Bright Grayson Smith. Halos ka edad ko lng siya magmula nung mag start siya bilang isang singer ay nakuha niya agad ang atensyon ko, sa totoo lang wala akong pake dati sa mga ganyan kasi nga isa png akong normal na tao, wala akong pakialam sa paligid ko, ni wala nga akong kaibigan na marami ih, may isa lang akong kaibigan at yun ay si Jane. Actually dahil kay Jane nakilala ko si Bright, panu ba naman eh adik na adik yan sa banda nila Bright eh. At yun ay ang Brightest Star Band o mas kilala bilang BTSB.

Lagi kong pinapanood ang mga TV shows nila, mga concert sa iba't ibang bansa through YouTube o kaya facebook wala naman kasi akong pera para panoorin sila, actually may concert sila ngayon sa Manila gustong gusto ko talaga pumunta kaso wala akong pampamasahe at wala din akong pera pambili ng ticket, mahirap lang kasi kami, magsasaka si papa samantalang si mama naman ay nasa bahay lang para alagaan ung dalawa ko pang kapatid.

Panganay ako sa aming magkakapatid, 21 na ako at ang sumunod sa akin ay 10 at ang bunso naman ay nasa 5 years old pa lamang. Gustong gusto ko ng tumulong sa pamilya ko tutal naman graduate na ako ng kolehiyo.

Kasi gusto ko na malaman nila mama na may mapapatunayan din ako sa buhay, gusto kung malaman nila na hindi porket mahirap lang kami hindi ko na maaabot ang pangarap ko sa buhay, yun naman kasi ang tingin nila sa akin ih. Tingin nila wala akong silbi. Aaminin ko naman na sa aming tatlng magkakapatid iba ang turing nila sa akin, ewan ko ba minsan napapaiyak na lang ako sa isang silid,kasi hindi ko rin kaya pag nag breakdown ako, lalo na pag galing akong school tapos ang dami daming ginagawa pagod na pagod pa ako. Hindi ko maiwasan na bumuhos lahat ng sama ng loob ko, pero tinatago ko yun sa kanila kasi ayaw kung isipin nilang mahina akong tao. Tanggap ko naman na anak lang ako ni mama sa isang pagkakamali pero bakit ganun. Bakit hindi niya ako ituring na anak kasi sa kanya din naman ako nanggaling eh, sakanya ako lumabas, at siya yung ina ko.

Hayy, tama na nga sa drama, basta sa sarili ko alam kung kaya ko at may mapapatunayan ako.

Sa katunayan nga ih, bukas makalawa ay aalis na ako papuntang Maynila, pinaghirapan ko yung pera na gagastusin ko sa pamasahe pa lang, may ipon naman ako sa pag papart time job ko pero hindi gaanong malaki, sakto lang para sa unang buwan ko sa Maynila, may nakatabi na rin para sa tutuluyan kung bahay kung may mahanap man ako pagdating ko roon.

Pupunta ako ngayon kila Jane, kasi nga concert ngayon ng iniidolo ko at makikinood ako sa cellphone ni Jane kasi live sila, meron naman akong cellphone kaso nga lang walang load, nag iipon pa kasi ako, malapit na ako sa bahay nila at tanaw ko na siya sa may silong ng mangga hawak hawak ang cellphone niya, sabi ko kasi hintayin niya ako bago kami manood, haha.

"Jane!" agad naman siyang lumingon sa pwesto ko at dali daling tumakbo papunta sakin tsaka ako dinamba ng yakap, muntik pa tuloy kaming matumba, napaka talaga ng babaeng to.

"Kanina pa kita hinihintay, nag start na silaaa!, ang gwapo talaga ni Luukkeee!" with matching hampas pa ng kamay yan ah, kawawa talaga ako sa babaeng to pag kinikilig, mukhang ihahanda ko nanaman yung braso at likod ko nito ah, haha.

"Bilisan mo kung ganun ng mapanood ko rin si Bright" diko maiwasang ma excite at kiligin, sinindi naman agad ni Jane yung cp niya at sinearch agad sa YouTube yubg BTSB at nang mahanap na niya ay hinila na niya ako sa may duyan kasi dun malakas yung signal.

Habang pinapanood ko si Bright hindi ko maiwasang mapangiti at the same time maluha sa kapag tinitignan ko yung mga fans nila na nandun na nanonood. Minsan napapaisip ako, bakit yung iba, isang sabi lang nila andyan agad, isang hiling lang nandyan na, bakit sila may supportive na mga magulang, bakit yung iba may mga magaganda ng trabaho at nagagawa na nila lahat ng gusto nila, at ang pinakahuli bakit hindi ako pinanganak na mayaman?, hindi naman sa isinusumbat ko yung antas ng buhay namin kasi masaya at buong puso kung tanggap yun, hindi ko lang maintindihan eh.

Yung ibang mayayaman, nagwawaldas lang ng pera, sorry sa words pero yun yung nakikita ko eh, samantalang kaming mahihirap, kelangan kumayod ng kumayod para lang makakain ng tatlong beses sa isang araw, para makapag aral at para mabuhay.

Diko namamalayan na tumulo na pala yung luha ko at dun lang napatingin sakin si Jane.

"Ayos ka lang ba beb?" nginitian ko lang siya at tumango.

"Haha, ang gwapo kasi ni Bright gusto ko siyang makita eh at mapanood na kumanta" palusot ko sa kanya pero isa din naman yun sa dahilan kung bakit ako umiiyak eh.

Pinagpatuloy na lang namin ang panonood hanggang sa matapos at magpaalam ang banda.

Si Luke ang gusto ni Jane kasi dahil sa galing nitong mag drum, drummer ng banda, Si Waze naman ang guitarist nila, si Spencer naman ay pianist, si Serge na rapper nila at second voice ng banda, at si Bright na vocalist at tumatayong leader ng banda.

Kahit sino mapapahanga sa galing nila lalo na sa boses ni Bright, magaganda naman talaga ang boses nilang lahat eh, kaso nga lang may kanya kanya silang role.

"Bebs, aalis ka na pala sa susunod na araw" napatibgin naman ako kay Jane ng bigla siyang magsalita.

"Oo bebs, wala naman akong magagawa eh, kelangan kung patunayan ang sarili ko at gusto kung tumayo sa sarili kung mga paa. At para tulungan na din yung mga kapatid ko para sa pagpapa aral nila, alam mo naman na hindi sapat yung kinikita ni papa sa sakahan kaya wala akong choice kundi ang tumulong." umiwas na lang siya ng tingin sakin pero hindi nakaiwas sakin yung pamumuo ng luha niya.

" Oh?, bakit ka umiiyak may problema ka ba? " nag aalala ako kasi unang beses to na makita ko siya ganyan, kilala ko siya bilang isang happy go lucky na tao kaya hindi ako sanay.

"Wala, mamimiss lang kasi kita, kung pede lang akong sumama sayo eh, kaso wala namang maiiwan dito sa bahay, susunod na lang siguro ako sayo dun kapag okay na lahat." niyakap ko naman siya agad, si tita kasi ay nasa ibang bansa para magtrabaho, si tito naman ay matagal ng wala, nambabae, yun din ang dahilan kaya nakipagsapalaran si tita sa pagiging OFW sa ibang bansa para kay Jane.

" Wag kang mag-alala, maayos din ang lahat andito ako, pag maayos ayos na ako sa Maynila sasabihin ko sayo at ng maihanap din kita ng trabaho."

"Salamat bebs ah?, mahal na mahal kita buti na lang at nandyan ka" nginitian ko lang siya at niyakap.

Humiwalay ako sa yakap naming dalawa tsaka tumayo "Osya, alis na ako at aayusin ko pa yung gamit ko"

"Sige bebs, punta na lang ako dun bukas, sasamahan kita hanggang sa terminal ng bus." tumango lang ako at nagpaalam na sa kanya.

Ako nga Pala si Odette Cziah Sanggala, handa ka na ba na pumasok sa mundo ko?.

_________________

3rd story ko poo, please vote, comment and please support.

Thank youuu 😊😘

Brightest star in the universeWhere stories live. Discover now