Chapter 1

4 0 0
                                    

Odette

Ngayon ang araw ng aking alis papuntang Maynila, andito ako sa kwarto ko chenecheck kung nadala ko ba lahat ng kakailanganin ko.

Nang matapos ako ay tumayo na ako at pumunta sa baba para maligo nandun kasi yung banyo namin, habang naliligo ay hindi ko maiwasang mapaluha, kasi ito na yung araw kung kailan ay lalayo ako sa pamilya ko, ito na yung araw na magsisimula ako ng panibagong ako at ito na yung araw na sisimulan ko, para mapatunayan ko ang aking sarili.

Pinahid ko ang nga luhang tumulo sa akin at ngumiti, kakayanin ko ito.

Nang lumabas ako ay nakita ko si mama sa kusina, nang mapansin niya ako ay ngumiti siya sakin na ikinagulat ko, ito kasi yung unang beses na ngumiti siya sa akin, ngumiti na lang ako pabalik at nagtungo na ako sa kwarto ko. Nagsuot lang ako ng simpleng pantalon at puting damit, ito kasi yung susuotin ko papuntang Maynila, habang sinisipat ko ang sarili ko sa salamin ay bumukas ang pinto at iniluwa nun si mama. Umiwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ang mata ko sa salamin.

"Ma, ano pong kailangan niyo?" sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"Anak" garalgal ang malambing niyang boses habang sinasabi niya yung salitang matagal ko ng ninanais na marinig mula sa kanya, hindi ko maiwasang mamuo yung mga luha ko at yumuko, dahil sa wakas tinawag niya akong anak, ang saya saya ko, kung kelan aalis na ako tsaka ko lang maririnig ang salitang yun.

Nang hindi ako sumagot ay yinakap niya ako patalikod, dun na nagsipatakan ang luha ko at humagulhol. "Anak, patawarin mo si mama, hindi ako naging mabuting ina sayo, sainyo. Patawarin mo ako kung ganun ang naging pakikitungo ko sayo sa loob ng maraming taon kasi hindi ko maiwasan na masaktan kapag nakikita kita anak, kamukhang kamukha mo ang tatay mo anak, ang lalaking sumira sa buhay ko 'nak, patawarin mo si mama" umiiyak niyang saad sakin, humarap ako sa kanya at ginantihan siya ng yakap.

"Ma, tanggap ko naman po yun eh, ang hindi ko lang matanggap yung iparamdam niyo sa akin na hindi ako nag eexist sa mga mata niyo, hindi ko tanggap na hindi niyo ako itinuring na anak. Mahal na mahal ko kayo ma kayo ni papa at ng mga kapatid ko."

" Anak huwag mong isipin na hindi kita itinuring na anak, pinipigilan ko lang yung sarili ko anak kasi nasasaktan ako, kapag lalapit na ako sayo nakikita ko ang lalaking yun, kaya imbes na lapitan ka ay lalayo ako kasi ayaw kung bumalik yung mga ala-alang matagal ko ng kinalimutan" niyakap ko na lang siya ng mahigpit at tinignan ang oras sa relo ko, ng mapagtatanto kung mag aalas otso na ay humiwalay na ako sa yakap at inayos ang sarili ko.

"Ma, aalis na po ako, pinapatawad ko na po kayo ma, hindi naman pwede na umalis na lang ako ng may sama ng loob sa inyo, maraming salamat ma at maayos na tayong dalawa, mahal na mahal ko po kayo." nginitian ko si mama bago pumunta sa kama ko at kinuha ang maleta ko at isang sling bag. Sinamahan ako ni mama hanggang sa labas at nakita ko dun sa Jane na naghihintay at may nakaparada naring tricycle para sa pagpunta ko sa sakayan ng bus.

" Bebs! " ani niya sabay yakap sakin, niyakap ko rin siya ng mahigpit pabalik. Tinulungan niya ako sa mga dala ko at sinakay naman nung tricycle driver ung maleta ko sa taas ng sasakyan.

"Ma alis na po ako, ipagpaalam niyo na lang po ako kay papa, pakisabi na rin kila Amor at Lance na umalis na ako ma, alam mo naman ma na ayaw ko makita nila akong umalis baka hindi na ako tumuloy." namuo bigla yung luha ko kaya tumingala muna ako para pawalahin yung mga luha ko tsaka binigyan ng tingin si mama.

" Ma paalam muna, makakaasa kayo ma na papadlhan ko kayo ng pera ni papa para may maigastos din kayo dito sa bahay, at alagaan niyo yung sarili niyo ni papa, mahal na mahal ko kayo ma" niyakap ko si mama ng mahigpit na yakap, ang ganda pala sa pakiramdam na yakapin ang sarili mong ina sa unang pagkakataon.

Humiwalay na ako kay mama tsaka siya binigyan ng ngiti at pumunta na sa tricycle kung saan naghihintay si Jane. Umandar na ang tricycle, binigyan ko ng sulyap ang aming munting tahanan sa huling pagkakataon tsaka itinuon ang mata ko sa kalsada. Hinawakan naman ni Jane ang kamay ko tsaka ako binigyan ng ngiti.

Nandito na kami sa may plaza malapit na kami sa may highway kung saan maghihibtay ako ng sasakyan papuntang Maynila. Nang makarating ako sa sakayan ay agad akong bumaba ganun din si Jane at binaba naman ni manong yung mga gamit ko at inilagay sa gilid, binigyan ko naman si manong ng pamasahe ko bago ko bigyan ng pansin si Jane.

"Bebs, mamimiss kita" yan nanaman yung mga luha ko eh, si Jane talaga napaka iyakin, pinunasan ko yung mga luha ko tsaka hinawakan sa magkabilang pisngi si Jane.

"Mamimiss din kita bebs, magchachat naman tayo eh, gusto mo araw araw pa kaya wag ka na umiyak diyan mukha ka na tuloy basang sisiw diyan Haha." pinapatawa ko lang si bebs.

"Nakakabwisit ka talaga, oh ayan na pala yung bus maghanda ka na bebs, yung jacket mo ihanda mo na kasi malamig sa bus. Tsaka nagdala ka ba kahit maliit na unan lang baka makatulog ka sa bus at yung plastic kubg sakali man na hindi ka sanay bumiyahe at magsuka ka" napaka maalaga talaga ni Jane yan yung gusto ko sa kanya eh, minsan parang mas naging nanay pa siya sakin kesa kay mama.

"Oo, nadala ko lahat pero yung plastic Haha, sanay na ako bumiyahe bebs hindi na ako mahihilo, wag ka mag-alala. Mag iingat ka bebs huh?, mamimiss kita, Labyu" tsaka ko siya hinalikan sa pisngi, ganun din yung ginawa niya sa akin bago ako sumakay sa bus, sinulyapan ko siya sa huling pagkakataon tsaka kumaway.
Ito na ang simula kung kelan ako tatayo sa sarili ko ng mga paa, yung wala sila papa na nasa tabi ko, kung kelan ko babaguhin ang sarili ko, kung dati isa lang ako mahinang tao ngayon ipapangako ko na babalik akong isang malakas na tao at tatanggapin ko ang lahat ng hamon na   darating sa buhay ko.

Sumakay ako sa gitna ng bus, ayaw ko kasi sa likod masyadong magalaw at nakakahilo, nilagay muna ng konduktor yung maleta ko sa lagayan ng mga bagahe sa baba, ngayon ang dala ko na lang ay ang aking sling bag at isang backpack kung saan nakalagay lahat ng importanteng bagay, tulad na lamang ng mga papeles ko, at pera.

Lumipas ang dalawang oras at nakarating na kami sa stop over dito sa may Dao, bumaba ang ilan para bumili ng makakain sa karenderya dito sa Dao, ako naman nilabas ko lang ang baon ko tsaka kumain, patapos na akong kumain ng dumating na ang mga pasahero, uminom ako ng tubig tsaka tinago ang baunan ko. Umandar ulit ang bus at nasa kahabaan na NLEX, diko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising na lang ako nung ginising ako ng katabi ko na nadito na daw kami sa Manila.

Bumaba na ako at sumalubong sakin ang hangin ng Maynila, hindi man ito kasing presko ng hangin sa probinsya, at ang mga ingay ng mga sasakyan at ng mga taong nandito sa gilid. Kinuha ko na lang ang maleta ko sa may konduktor dahil nailabas na pala lahat ng mga bagahe. Tinignan ko ang relo ko 5 na pala ng gabi umalis ako sa bahay ng 11 tagal din pala ng byahe at nakakangalay, ng mag green na ang traffic lights kung saan pwede ng lumakad ang mga tao sa pedestrian lane. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa may Pinyahan street.

Nagtatanong tanong ako dun kung saan ang malapit na boarding house, habang naglalakad ako ay may nakabanggaan akong babae.

"Naku miss pasensya na, diko kasi namalayan na may makakabangga na ako medyo malalim din kasi ang iniisip pasensya na talaga" ngumiti lang siya sa akin at napatingin sa mga dala dala ko.

"Naku ayos lang, ba't pala dala mo mga gamit mo? San ka galing?" nginitian ko lang din siya, mukha naman siyang mabait eh, at mukhang matutulungan niya din ako sa paghahanap ng matitirhan.

"Galing kasi akong probinsya, naghahanap ako ng matutuluyan, may alam ka bang boarding house dito na naghahanap ng mag uupa?"

"Nakuuu, sakto naghahanap din ako ng makakasama ko sa apartment ko ayos lang ba na ikaw na lang ang kasama ko dun, 7k kasi ang upa bawat buwan, pero malaki na rin yun at kasya sa ating dalawa may dalawa rin yung kwarto" buti na lang at nakabanggaan ko siya hindi na ako mahihirapan sa paghahanap ng matutuluyan.

"Ayos lang saan ba yun?, at ako nga pal si Odette ikaw?"

"Macy" sabay kamay sakin "dyan lng naman sa may kanto dyan sa kamyas yung pangatlong kanto, likha na mukhang pagod ka sa byahe" saka niya kinuha yung backpack ko at nauna ng naglalakad. Nakarating na kami sa may apartment niya at maganda nga iyon.

________-

Brightest star in the universeWhere stories live. Discover now