Simula

828 30 31
                                    

Mahalagang Paalala

Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Hindi ito naisulat sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang lahat ng  mga tauhan  pangyayari, at 'iilang' lugar  ay mga produkto lamang ng aking imahinasyon o ginamit sa isang kathang-isip na paraan. Ang anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, nabubuhay o namatay, o aktwal na mga kaganapan ay sadyang nagkakasabay.

Payapa ang gabi noon,nagningningan ang mga tala sa langit. Nagsisilbing ilaw ang liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binata't dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasyahan ng magkasintahan na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakita ang dalaga na nakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-abot niyang iyon, ang bangkang kanilang sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binata ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan siyang makaahon.

"Paz sigueme! Paz, sigueme!" Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako. Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng binata ay "Paz sig!" Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa pangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang "Pasig" o Ilog Pasig.

"And that's the story of Ilog Pasig River..." Garrick, my boyfriend explained to me.

"Totoo ba iyon?"

"Alam mo yung 'alamat' diba? Totoo ba iyon? Bobo naman neto." umirap siya at tiyaka sinubo ang fries na dala dala niya.

Bumuntong-hininga ako at inilibot ang tingin sa paligid na nagdudulot sa akin ng isang pamilyar na pakiramdam. I find this place very interesting.

"Ano bobo? Gusto mo sampal?" this man is getting into my nerves again, never naging sweet sa akin.

"Ha? bobo-o ng buhay ko." He said then hugged me at the back.

"Eh bakit mo ba sinasabi yung alamat ng Pasig? Iyon na ba yung slm mo sakin?"

"Slm?"

"Sweet long message."

Tumawa siya at pinitik ako sa noo, "Ang arte mo."

"Ano 'to?" sabi ko at hinablot ang hawak niyang frame na may nakabalot na papel. Kanina pa ako nagtataka dahil mukhang wala siyang balak ipakita sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paint, My Love [ On-Hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon