Khaleesi Pov.
Lakad lang ako ng lakad lang sa forest na ito. Nakakaramdam na rin ako ng antok dahil hindi pa ako nakakatulog
Ilang sandali ay may nakita akong isang malaking puno kaya naisipan kong maupo muna doon para magpahinga
Minabuti ko na ring matulog muna doon
______
Nagising nalang ako ng maramdaman kong maayos na ang pinag hihigaan ko
Kaya unti unti ko namang iniangat ang tingin ko at nakita kong nasa isang maliit na kubo na ako
"Nathalia?? Ian, Mark nandyan ba kayo??" sigaw ko
Bigla namang may pumasok na lalaki na hindi pamilyar sa akin, gwapo ito, matangkad at maputi
"Ah miss ok kalang ba?" tanong nito pati boses gwapo
"Nasan ako? Nasan yung mga kasama ko" sunod sunod kong tanong
"Nakita kasi kita sa ilalim ng puno wala kang kasama kaya dinala kita dito" paliwanag nito
"T-taga rito ka?" tanong ko
"Ah hindi may mga kasama ako dito nag camping kasi kami para sa activity namin" saad nito
"You mean sa Antonio University karin nag aaral?" tanong ko
"Yup! Ikaw?" tanong nito
"Ah oo dun din ako, gaya nyo nag cacamping lang din kami" sabi ko
"Ah,nasaan sila bat mag isa ka?" tanong nito
"Ah hindi ko alam eh, Naligaw kasi ako kagabi hindi ko alam kung saan ako pumunta" sabi ko
"Ah ganon ba sigurado hinahanap kana nila" saad nito
"Pwede mo ba akong tulungan makabalik?" tanong ko
"Ah sure, pero saang part ba yung pinuntahan nyo?" tanong nito
"Ewan ko madilim na kasi ehh kaya hindi ko masyadong natandaan" sabi ko
"Ok ganto nalang hanapin nalang natin I'm sure makikita rin natin ang mga kasama mo" sabi nito
"Salamat ang bait mo naman" nakangiting saad ko at tumayo na sa hinihigaan ko
" Tara" Aya ko
Nagsimula na kaming mag lakad at malayo layo narin ang napunta namin hanggang sa madaanan namin yung may baba kagabi nung pinrank ako ni Ian
"Sandali! Dito ko sila huling nakita eh, Malapit na tayo" masaya kong saad
"Sige taraaa" sabi nito
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa pwesto namin nila Nathalia pero wala sila doon
"Teka bakit gamit lang ang nandito" sabi ko
"Oo nga noh sigurado hinahanap ka nila" saad nito
Ian Pov.
Pabalik na kami sa pwesto dahil hindi parin namin mahanap si Khaleesi
"Baka naman nakabalik nayun" saad ni Sofia
"Oo nga baka pagdating nya wala tayo dun" sabi naman ni hazel
"Tara bumalik na muna tayo" pag aaya ni Mark
Hindi nagtagal ay nakabalik na kami at kitang kita ko si Khaleesi na nakaupo roon at may kasamang lalaki na hindi pamilyar sa akin
YOU ARE READING
WHEN Mr. Sungit MEET Ms. Kulit
РазноеNakilala mo siya bilang isang makulit na tao. Ngunit nawala na yun at napalitan na ng pag ka masungit ulad mo Siya ay makulit at ikaw na masungit Pero nagbago ang lahat naging SIYA NA MASUNGIT AT IKAW NA MAKULIT Then kaya pala nawala ang kakulitan...