1

177 22 18
                                    

Sabi nila, kapag wala ka raw crush, abnormal ka.

Mabuti na lang, may crush ako.

Pebrero 14, 2015.

Inangat ko ang dalawa kong kamay upang mag-inat. Kakagising ko lang, dapat talaga tanghali pa ako magigising kung hindi ko lang naramdaman ang init mula sa sinag ng araw sa balat ko.

Kinusot ko ang mata ko at syempre, tinanggal na rin ang muta. Tumayo na ako at gumayak. Paglabas ko ng banyo, dumeretso na ako sa hapag at nakita ko si Mama na naghahanda na ng pagkain. Lumapit ako sa kanya sabay halik sa pisngi.

"Good morning, Ma!" masiglang ani ko. Ngumiti naman si Mama sa'kin ngunit pagbaba ko pa lang, ramdam ko na agad na may mali.

Hindi naabot ng ngiti niya ang kanyang mga mata. It must be something.

Hindi ganito si Mama. Siya na yata ang pinaka-positibong tao sa lahat. Masiyahin. She's the best woman I've ever encountered in my life.

Pinahid niya ang nangingilid niyang luha. Inabot niya ang kamay ko, naramdaman ko ang lambot at init ng kamay niya na talaga namang nakakapagpakalma ng sistema.

"Pasensya na, anak," she, then, moisten her soft lips, "'Yong Papa mo kasi, no'ng isang buwan pa raw nakauwi pero hindi pa rin umuuwi dito."

Hindi agad ako nakapagsalita. Alam ko namang napapadalas sila mag-away, lalo na no'ng nakaraang taon na nandito pa si papa. Muntik na nga silang maghiwalay. Good thing, my mother never let it happened.

"B-bakit daw, Ma? Nakausap mo na ba si Papa?" If curiosity killed the cat, buti na lang hindi ako pusa.

"Sabi ng kasamahan ng Papa mo, do'n raw siya tumutuloy sa pinsan niya." she breathe heavily, "Kaya bilisan mo, uuwi na ngayon ang Papa niyo. Kakatawag lang sa'kin ngayong umaga."

Ngumiti na lang ako kahit na hindi ko alam kung sang-ayon ba ako sa gagawing pagdating ni Papa dito sa bahay.

Sabi ko na e. Sabi ko na.

Narinig ko ang tunog ng doorbell. Binilisan ko ang pagsuklay ng buhok ko, dali-dali ko ring sinuot ang tsinelas ko at patakbong bumaba.

"Papa!" rinig kong salubong ng kapatid kong si Jazer. Mas matanda siya sa'kin ng isang taon.

Bahagya akong napangiti nang makita kong yakap-yakap ni Jazer si Papa. Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Mama sa tabi ko at yumakap na rin sa kakarating na si Papa.

Mukha akong kontrabida't loner. Kaya kahit ayaw ko, lumapit na rin ako at yumakap.

"Aba, tumangkad ka na yata, Cassirene?" bati sa'kin ni Papa. Kingina, gan'yan ba ang tamang pagbati? "Jaz, pakibitbit muna itong mga bag sa itaas."

"Hon, halika, bilis. Nagluto kami ni Irene ng paborito mo!"

Chaka ni Mama. Kanina lang e mangiyak-ngiyak dahil hindi dito dumeresto si Papa sa'min no'ng bumaba siyang barko tapos ngayon, nagsisimula na naman siya sa korni nilang endearment.

Maghihiwalay din naman, che!

That afternoon had passed well. We talked about random things but the topic why my Papa went home after a month he finished his contract was never opened.

Alas otso na ng gabi, lahat kami ay nasa kani-kan'yang kwarto na. Kanina pa rin ako nagpapaikot-ikot sa kama ko pero hindi man lang ako magawang dalawin ng antok.

Sa sobrang yamot ko, tumayo ako at nagdesisyong magtimpla na lang ng gatas.

Kahit na takot na takot akong bumaba. Mahirap na, ghosts are everywhere pero ung mga nanggo-ghost, hindi mo alam kung kailan dumating at kailan mawawala. Char.

I stepped out of my room and immediately walk for the sake of my not-so-loud-screams whenever I'm hearing such unknown sounds.

Malapit na ako sa hagdan nang mapatalon ako sa gulat. Dahan-dahan akong tumingin sa kwarto nila Mama, nakarinig kasi ako ng malakas na pagkabagsak ng hindi ko alam kung anong bagay 'yon.

Sinilip ko ang bintana nila. Buti na lang at hinahangin ang kurtina nito kaya nakita ko silang magkaharap at animo'y nagtatalo.

"Putangina, John Mark! Anong karapatan mong lokohin ako kahit na alam mong wala akong tinira para sa sarili ko at ibigay sayo ang lahat?!" I swear, hindi ganito ang Mama ko. Hindi siya 'to.

Unless, Papa pulled the trigger.

"Sabihin mo sa'kin, JM. May pagkukulang ba ako? Anong kulang?"

Napayuko ako dahil ramdam kong tutulo na ang luha ko. Ang pait, sakit at hinanakit sa boses ni Mama ay hindi nakalagpas sa pandinig ko. Lalong-lalo na sa puso ko.

"Hindi ka nagkulang, Hannah. You're more than enough. Sorry, hindi lang talaga ako nakuntento."

And that's it. Hinarap ko ang pinto at pinihit ang doorknob. Kita ko ang gulat na nakaguhit sa mga mukha nila. It's not hidden on their faces. Clearly visible. Very transparent. Guess, it wasn't the voices in the turned on televison.

"Ma, sorry..." there and then, I cried.

Because it's my fault.

____

Errors ahead, if you've seen mistake(s), you can comment it down and I'll correct it right away. Salamat sa pagbabasa! I appreciate y'all a lot<3

Unexpected ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon