8

29 7 28
                                    

Nangilid ang luha ko. Buong lakas kong tinignan sa mata si Mama. I'm tired of this set-up. I need to confront her right now.

"M-marami na ho kasi akong p-pinagdadaanan, Ma.." I was about to speak again when she pushed my shoulder a little.

"Oh, bakit? Awang-awa ka na naman ba sa sarili mo? At beer?! Beer ba ang solusyon sa problema, ha!?" This is why I hate arguing with her. Yet, still, she has a point to fight with.

I bit my lip, bow my head down to surrender and show my respect, "Inaamin ko po na mali ako do'n at kaya ko naman pong hindi na ulitin 'yon, Ma." pinahid ko ang luhang nasa pisngi ko, "Pero, M-ma, ikaw..? Hanggang kailan ka po magiging ganyan? Hanggang kailan ho kayo magpapakalunod sa lungkot dahil sa pag-iwan sa'tin ni Papa?" I creased my forehead.

Tinalikuran niya ako at gumawi na sa kusina. I followed her ngunit nang makita ko siya, nadurog ang puso ko.

H-her eyes.. is the saddest pair I've ever seen. She must be really in pain.

"Anak," tumingin siya sa'kin matapos uminom ng tubig, "Alam mo ba kung gaano kasakit ang maloko at maiwanan ng asawa?" nanginginig ang kamay niyang humawak ng mahigpit sa baso, "Ilang taon kaming lumaban, n-nagmahalan.. t-tapos sa isang iglap, mawawala lang siya sa'kin? Sa'tin ung papa mo, anak. Sa'kin. Akin lang ung asawa ko e. B-bakit sa iba masaya?"

Halos mapatid ang litid ko sa kakapigil umiyak. Kailangan ni Mama ng taong masasandalan ngayon. After several years, this is the first time she gave up. Naglakas ng loob na magsalita at umiyak sa harap ko.

Itaga mo sa balun-balunan mo 'to, Pa. You'll never be genuinely happy without Mama. Without.. us.

___

Lumabas ako para bumili ng kape sa tindahan. Alas kwatro na ng umaga at gutom na gutom na ako.

Oo, gutom na gutom na gutom. Actually, nahihilo na rin ako sa sobrang pagkagutom. Char.

Sanay kasi ako na pagkatapos kong kumain ay kakain ulit ako. Kaya eto ako, tababoy na. HAHAHA! Nag-iyakan pa kasi kami ni Mama hanggang sa nakatulog na lang kami pareho. Langya kasi ni Papa e. Joke.

Malapit na ako sa tindahan nang matanaw ko si Marc. Likod pa lang, ulam na. Ah, este, alam ko nang siya 'yon.

Nakatalikod siya sa gawi ko samantalang si Amber naman ay nakaupo sa harap niya kaya naman ito ang nakapansin sa'kin. Malapad ang ngiti niya, halos patakbong lumapit sa'kin.

"Ate Cassirene!" she kissed my left cheek, "Oo nga pala, magkapitbahay kayo ni Josiah. May bibilhin ka ba?" Malamang, alangan tatambay lang ako sa tindahan, 'di ba?

"G-good morning." bati ko. "Ang aga pa ah. Buti pinayagan ka ni Tita na pumunta nang ganito kaaga kila Josiah?" Ang aga naman kasi maglandian. Sakit sa mata. Chos.

Josiah pulled her waist and made her sat on the bench near us. I called Aling Puring and told her my needs. While she was busy searching for it, I faced these two kiddos.

"Ah, ate," tumikhim siya, "N-nagsabi ako kay Mama na magssleepover ako kila Josiah." Sinungaling.

Kinuha ko ang kape at gatas na inabot ni Aling Puring, I thanked her after giving her my payment. I seriously looked at them. Since Amber can't look straightly to my eyes, she, instead, looked at her feet.

"Alam ba talaga ng Mama mo na kila Josiah ka pupunta?" I looked like a strict mom when I placed my hands on my waist. "Alam ba niyang.. may boyfriend kana? Amber, masyado ka pang bata!"

Nanliit ang mata ni Josiah, sinipa niya pa ako sa binti bago ako gaguhin, "E, ano naman? Tangina, ang aga, Irene, oh. Hayaan mo na kami," nag-iwas siya ng tingin, "Ang importante, legal kami kay Mama. Hindi ko naman papabayaan 'tong kaibigan mo. Palibhasa wala kang jowa kaya ka ganyan. Tss."

Wala talaga akong jowa. Jinowa mo 'yang kaibigan ko e!

Hindi ko pinansin ang pagsabat ni Josiah. Matiim kong tinitigan ang maamong mukha ni Amber. "Mag-iingat ka." Pag ikaw nabuntis, ewan ko na lang talaga.

Her mom is very strict. Hindi ko nga alam kung pa'no 'to nakatakas. She seems like enjoying the moment today. Walang kaso sa'kin. Kaibigan ko pa rin siya at alam ko na naman ang mangyayari pag-uwi niya sa kanila. Ayokong pumasok na naman siya nang may bangas sa mukha.

Naglakad na ako palayo sa kanila. Nang makauwi ako sa bahay, agad kong tinimpla ang gatas at kape. Nagbanyo muna ako habang nag-iinit pa ng tubig. Umupo agad ako sa trono at manginig-nginig pa. "Wooh, shet. Sarap."

Nang matapos ako ay nagkwentuhan kami ni Mama. Nagthrowback kami kahit hindi Thursday. Lol.

"'Nak, 'di ba crush mo 'yon si Josh?"

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya nahampas ko ung braso niya. "Weh!? Pa'no mo nalaman, Ma?!"

Sandali pang nagsalubong ang kilay niya at binatukan ako, "Makahampas ka ah!" ganti niya, "Oo kaya. No'ng nandito nga siya no'ng nakaraan, nagtatatalon ka pa sa kwarto mo sa kilig."

Nahuli pa nga.

Inilingan ko naman siya at pagak na tumawa, "M-may girlfriend na 'yon, Ma."

Natawa pa siya sa'kin at nagsalita. Tae, mama ko ba talaga 'to? "Talaga? Sino? Mas maganda ka ba?"

Binangga ng balikat ko ang braso ni Mama, "Na-wow mali mo 'ko do'n, Ma, ah. Hindi ako maganda, remember?"

Tinaas niya ang kanang kilay niya, "Sino may sabi?"

"May iba ka pa po bang nakikita? Syempre, Ma, ako."

"Nge. Buti alam mo." natatawang sabi niya.

At ayon, tuwang-tuwa nga ho siya sa kanyang kalokohan. Hay nako.

"Pero 'nak, ito seryoso. Akala ko talaga ikaw gusto no'n e."

Luh, si Mama. Paasa amp.

"Kasi kapag nandyan ka sa paligid niya, halos 'di na niya alisin ung paningin niya sayo." chika niya.

"Boom, icha pank!" tumawa pa ako ng malakas.

Mama stared at me for a couple of seconds and asked me, "Sakit?"

Dahan-dahan akong tumango. "Wala, Ma, e. Minahal ko agad."

____

Errors ahead. Thank you for reading, sweets! Take care, ily!



Unexpected ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon