2

77 19 18
                                    


"Anong ibig mong sabihin?"

Binasa ko ang nanunuyong labi ko sa kaba. Nangingilid ang luhang tinignan ko si Papa. Ang basa kong kamay ay unti-unting kumuyom.

"Alam ko pong umuwi si Papa last month, Ma," I honestly told her, "Pero hindi rin po ako sigurado. Nalaman ko po 'yon no'ng maistalk ko ung second account niya. Ayoko pong sabihin sayo agad hanggat hindi ako sigurado. Ayoko pong.. magkahiwalay kayo nang dahil sa maling akala ko pero pinagsisisihan kong tinago ko po 'yon sayo, Ma," I glared at the man in front of me, "Niloloko po tayo ni Papa. May relasyon sila ni Tita Belle. S-sila ng pinsan niya.."

Napaupo si Mama, lubos siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Maski rin naman ako. Pilit kong sinisiksik sa utak ko na hindi 'yon totoo. Na mali ang sinasabi ng isip ko. Hindi 'yon pwede, they're cousins for everyone's sake!

Lumapit ako kay Mama, nilagpasan ang nakatayong bulto ng tatay ko.

Tatay. Dapat pa ba siyang ituring na tatay matapos niyang lokohin ang mama ko, ang pamilya namin, kaming lahat!?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ako sa galit. Tinignan ko ulit siya, sa isip ko, gusto ko siyang sapakin.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Mama. Napakasakit sa'kin marinig ang bawat hikbing kumakawala sa bibig niya.

Simula sa oras na 'to, pinapangako kong hindi na maloloko ang mama ko. Ang pamilya ko.

_____

"Irene, bumaba ka nga muna! Lintek na, puro ka cellphone!"

I sighed upon hearing her loud voice. Magmula no'ng gabing 'yon, kinabukasan, hindi na namin muling nakita ni anino ni Papa. And for me and my brother, it's okay. It was more than okay, actually.

Pero hindi kay Mama.

Nagsimulang magbago ang ugali niya. Nawala na 'yong dating siya. She became worse each day. Iritado, laging nakabulyaw. Siya na ata ang pinaka-negang tao na nakilala ko.

Nawala lang si Papa, nawala na rin siya sa sarili niya. I guess, she loves Papa so much to the point that she can't live her life the same as before anymore.

We can't blame her and we never did.

"Ano ka ba, Mare! Baka busy si Irene, ayos lang. Hintayin na lang siguro namin umuwi si Paul━ ah este Pauline," rinig kong tanggi ni Ate Marlyn.

"Wala 'yang ginagawa! Wala naman 'yan ginawa maghapon kundi humilata!" napahawak pa ito sa kanyang sentido, "Ireneee━!"

"Andito na po." I softly said and sat beside her.

I looked at the woman who's standing in front of me. I greeted her and asked, "May kailangan po ba kayo?" I smiled.

I respect everyone whose young and specially someone who's older than me. But this woman... is such a user. Matapos makuha ang kailangan sa'min, ichichismis niya kami sa iba.

What the hell was that, right?!

Plastik siyang ngumiti sa'kin at nagsalita, "Pwede bang paki-videohan si Josiah? Umalis kasi ang kuya niya, kaya sana matulungan mo muna siya. Alam mo naman, pasahan na rin ng grades nila this week at isa daw 'yon requirements ba 'yon, Hannah?" she tilted her head and look to my mother who's busy drinking her hot cup of coffee, "Pwede ba?"

Sorry po, but it's a no.

Lihim kong tinitigan si Mama pero iniwas lang niya ang kanyang tingin at pumasok sa kusina. Mahina akong napabuntong-hininga bago tumayo at tumango sa ginang.

"Sige po."

"Sige, pumunta ka na sa bahay! 'Ando'n na siya, hinihintay ka. Salamat, Irene!"

Ngumiti ako bilang sagot. Hindi na ako nagpaalam kay Mama dahil kaharap lang naman ng bahay namin ang bahay nila Ate Marlyn.

Marahan kong pinihit ang doorknob at naglakad papunta sa kusina, since hindi ko siya nakita sa sala.

Naabutan kong nakayuko ang gwapo't mistisong binata. Akala mo naman e talagang masipag at subsob sa pag-aaral kung makayuko. Tss.

"Amina 'yong camera, bilisan mo, may ginagawa ako."

Nanlalaki ang mata niyang napatingin sa'kin, napaurong siya sabay tayo. Echosera, akala mo 'di niya expected na pupunta ako.

Dinampot niya ang camera na nasa ibabaw ng kanilang lamesa at naglakad sa papunta sa'kin. He handed me the camera, "Atat. Bakit, ano bang pinagkakaabalahan mo?"

Inirapan ko siya, padabog na kinuha ang camera niya, "Bakit, ikaw ano rin bang ginagawa mo!? At 'wag mo nga ako lokohin, lalo na ang Mama mo! Alan kong alam mong magset-up ng camera at videohan 'yang sarili mo, ba't hindi mo gawin?! Istorbo!" tinalikuran ko siya't naglakad papunta sa sala.

Napansin kong hindi siya nakasunod sa'kin kaya nilingon ko ito, "Tatanga na lang ba tayo d'yan? Sabing may ginagawa ako e!"

"Eto na, eto na! Chill! Highblood masyado! Kaya ang pangit mo e." Ang kumag, walang hiyang tumawa ng tumawa. Hinampas ko siya ng unan at naupo na sa upuan, malamang.

Kinuha niya ang isang silya. Umupo siya, pwinesto ang gitara sa kanyang hita at ang daliri sa strings nito. Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin kong nakatitig na pala siya sa'kin.

Tumikhim ako, taas ang kilay na hinarap siya, "Tinititig mo d'yan?"

Humagalpak ulit ng tawa ang gago. Pinalo-palopa ang kanyang hita't dinuro-duro ako.

"Sa camera ako nakatitig! Ano, vivideohan mo ba ako o hindi?" Akala mo kinagwapo niya ang ginawang pagkindat sa'kin.

Inayos ko ang camera niya at tinutok sa pagmumukha niya. "One.. two, three." I clicked the record button and stared where his physique invaded the whole screen.

He strummed the guitar smoothly and sang "Bakit Nga Ba". Walang kamuwang-muwang akong napahawak sa dibdib ko, hindi ko magawang ikalma ang mabilis na pagtibok nito.

Oh, puso. Ano na naman 'to? Please lang, don't tell me, crush mo pa rin siya? Duh. Please, stop.

Muli kong tinignan ang screen, nagulat ako dahil titig na titig siya dito. Nakagat ko ang labi ko. Ewan ba pero ramdam na ramdam ko ung kanta. Muntik ko nang isipin na para sa'kin 'yon. Feeler alert.

"Hoy!"

"Ay, mahal kita!" hinampas ko siya, Gago, ba't ka ba nanggugulat!?"

Ngumisi lang ito at ginulo ang buhok ko, "Hindi kita ginulat. Busy ka lang talaga sa pagtitig sa'kin." tumaas ang dalawang sulok ng labi niya. Grabe. Napakagwapo ng ngiting 'yan. "Salamat, miss. Sa uulitin..."

____

Errors ahead, if you've seen mistake(s), you can comment it down and I'll correct it right away. Salamat sa pagbabasa! I appreciate y'all a lot<3

Unexpected ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon