Simula

26 1 0
                                    

Mula noong nawala ang ninang ko marami ang nag-iba. Katulad nalang ng ugali ko ngayon "rebelde" for short.

Si ninang kase ang tumayo bilang pangalawang ina sa akin. Siya ang nagmahal sa 'kin, Siya ang nagpuna ng lahat ng pagkukulang ng aking magulang.

Si Ninang lang....

Masakit pa dun noong namatay siya sa harapan ko. Parang tumigil ang aking mundo  na kaisa-isang tao nanatili at nagmahal sakin ng lubos iniwan pa 'ko.

"Okay lang yan mas malungkot ang ninang mo kapag pinabayaan mong lamunin ang galit ang iyong puso." Sabi ng kababat kong kaibigan na si Jenny.

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Tama siya, siya ang nagturo sakin na huwag magtanim ng galit sa magulang. Napakamabuti tao ng ninang ko bat siya pa ang kinuha.

Isang taon na din simula nang namatay siya hindi ako nakadalo sa kanyang first death anniversary dahil kailangan kongmagbakasyon sa Tito ko.

"Diyan kana ba talaga mag-aaral?" Tanong ni A-jean.

"Diko alam... pero gusto ko kase ang bait nila tinuring akong prinsesa qng tito ko." Masayang sabi ko.

Pagtapos namin mag-usap ni A-jean ay pumunta ako sa labas ng bahay at tumingin sa langit at ngumiti. Nawala  man ang isang tao malapit sakin  atleast may  dumating naman.

"Hindi ka diyan mag-aaral manahimik ka dito!!!" Galit na sabi ni papa.

Kaya di nagtagal nilayo ako sa kanila walang contact walang-wala.

"Ang tigas ng ulo mo lumalaki ka ng paurong!" Sigaw ni papa habang hinahampas ako ng kaniyang pamalo wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak.

Grade 7 ako ng iwan ako ng ninang ko Grade 8 ako ng nilayo sa tito ko. Diko alam kung sino pa ba ang balak nilang ilayo sa akin 'wag lang ang kaibigan ko baka diko na talaga ito kayanin.

Malaking tanong sakin kung bakit ang daya ng mundo dalawa na ang taong nilalayo sa akin mga mahahalagang tao sa buhay ko. Minsan mapapaisip nalang ako siguro malas ako o malas talaga ako.

"Alam mo ang saya ko kase di moko iniwan andyang ka parati nakikinig sa mga problema ko." Malungkot na sabi ko.

Agad niya naman akong niyakap ang sarap sa feeling na meron parin nagsstay kahit sobrang gulo ng buhay ko. Sobrang hirap siguro kapag dumating ang point na iwan niya den ako.

"Anong klaseng boyfriend ako kung hahayaan kitang maging malungkot andito lang ako, kami ng mga kaibigan mo sa oras na kailangan mo ng masasandalan. Huwag mong sarilihin ang iyong problema handa kaming makinig bukas ang aming tenga para pakinggan ka, bukas din ang aming kamay para mayakap ka at andito lang kami hinding-hindi ka namin iiwanan." Sabi niya at nagpaiyak sakin ng sobra.

"I love you.." mahinang sabi ko.

Dito lang yata ako naging swerte ang magkaroon ng boyfriend at magkaroon ng maraming kaibigan.

I Love You Until the EndWhere stories live. Discover now