Kabanata Isa

12 1 0
                                    

Lumaki akong di nagkaroon ng masayang pamilya. Buo nga ang aming pamilya pero di mo naman ito matatawag na MASAYA. Kung ako tatanungin kung alin ang magnda buong pamilya o wasak na pamilya dun nalang ako sa pamilyang buo at masaya sabi ko sayo magulo ako buo padin pipiliin wait correction MASAYANG PAMILYA.

Pamilya daw ang kahinaan ng isang tao kasi sila ang una mong matatakbuhan, pero baliktad yata kase kaibigan ang una mong matatakbuhan sa oras nagkaproblema. Why? Kase di lahat ng Anak ay open sa kanilang magulang. Minsan sila pa ang nagiging dahilan kung bakit maraming kabataan ang depress sa magulang.

Buti meron akong kaibigan sa oras na may problema ako siya ang una kong matatakbuhan. Si A-jean lang kaklase ko simula't Elementary hanggang highschool.

"Ano Iniisip mo tulala ka masyado?" Tanong niya.

Natigilan ako di ko napansin nandyan na siya masyado na pala akong tulala.

"H-Hmm iniisip kolang na lilipat na pala ako sa susunod na pasukan." Malungkot na sabi ko.

Yes. First time kong titira sa probinsya ng tatay ko, diko alam kung ano ang magiging buhay doon tsk bahala na.

"Anong plano mo tuloy ka ba?" Nag-alalang sabi niya.

"Oo try ko lang naman minsan lang ako tumira dun titingnan ko kung ano pinagkaiba ng buhay ko dito at buhay ko roon." Masayang sabi ko para di siya mag-alala pa.

Mas gugustuhin ko naman dito tumira kaysa sa probinsya pero desisyon ito ng magulang ko na kailangan sundin tyaka di pako nasa legal age baka palayasin nako nun.

"O-Okay susuportahan ko nalang kung saan ka masaya. Basta't magiingat ka lang dun huwag kang magpapaloko.. lagi mo tatandaan dito sa manila ikaw ang nanguuto kaya wag na wag ka dun magpapauto naintindihan mo." Natatawang sabi niya. Umirap lang ako sa kanya at tumawa na din kahit papano gumaan ang loob ko.

"Tskk kambal anim na buwan pa dito ako sa summer kaya sulitin na natin to atyaka babalik naman ako kala monaman magtatagal ako duh city is my life... kaya enjoy lang muna natin 'to para pag alis ko di ako umalis ng malungkot." I said.

" oh siya tara na pasok na tayo nagdadrama nanaman tayo..Aishhh!! Late nanaman tayo sa unang subject natin nays ang bilis ng oras kasalanan mo ito." Naiinis na sabi niya pero tumawa nadin ng nakita lang ako na tumatawa.

Tssk sisihin pa ako gusto din naman style mo bulok...

Tumayo na din ako at sumunod na sa kanya. Maraming nagsasabi na mas maganda sa manila magaral kaysa sa probinsya. Well depende naman sa nakasanayan mo.

Gusto ko den kase maranasan na buong araw ang pasukan dito kase sa manila limit lang may whole day class kung meron man na event or etc. Basta sa manila halfday lang katulad ng klase ko masaya din naman siya. Pero isa sa dahilan sa probinsya ang gusto ko whole day class.

Malapit na ako sa room ng makita ko si Alwin ang pinagkakabaliwan ko simula Grade 7.

Ex ko na siya isa rin sa dahilan bakit gustong-gusto ko ng lumipat ng maiwasan siya at makalimutan siya.

Tiningnan ako ng masama ng aking pinakamamahal kong kaibigan. Bat ang sama ng tingin mo? Parang kakainin mona ako.

"Anong tingin yan kung nakakapatay lang yan kanina pako nakabulagta dito." Biro sa kanya at tinawanan siya.

Ngunit imbis na tumawa siya naiinis yata siya. Binibiro lang ayaw sakyan ts kj nito.

"Kung nag Move-on kana lang, alam ko kahit di mo sabihin sakin isa din siya sa dahilan kung bakit ka lilipat arghhh!!" Inis na sabi niya at iniiwan nako.

Kahit nakikita nila na masaya ako sa labas di nila nakikita kung gaano kadurog ang puso ko sa loob na pilit molang pinapasaya para makita kanilang masaya at walang problema.

Natigilan ako at natulala  sa kanyang sinabi . Ngumiti lang ako sa kawalan ang mahinang bumulong .

Sino di makakamove-on he's my first love, he's my first kiss, he's my everything
And...

Siya ang unang lalaking sumira ng tiwala at pagkatao ko katulad siya ng tatay ko... sasaktan din pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You Until the EndWhere stories live. Discover now