Vanessa's POV
In another life,
I would be your girl
We keep full of promises
be us against the world~Nagising ako ng mag ring ang phone ko. Favorite ko 'yang The One that got away ni Katy Perry. Ang ganda kase ng lyrics. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko bago kuhanin ang phone ko. Tinignan ko ito ng nakakunot ang noo. Bakit tumatawag si April? Sinagot ko ang tawag nya.
"Oh" sabi ko pagkasagot ng tawag. Umunat-unat pa ako.
"Sorry siz, kagigising mo palang yata" natatawang sabi nya sa kabilang linya.
"Ginising mo kaya ako" iritable kong sabi na lalo nyang ikinatawa.
"Oh sya, ito na nga may chika ako sayo" dinig sa boses nya ang pag excite.
"Ano nanaman yang chika mo? Tapos na school year ah? May nag break ba ulit?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Ganon kasi palagi ang chika nya. Palaging tungkol sa mga nag break doon sa school. Tsismosa talaga.
"Hindi! Break talaga? Yon agad na sa isip mo?! Ha?!" Sigaw nya.
"Eh bakit? Palagi naman kasing yon ang topic ng chika mo! Kahit itanong mo pa kay Minny!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Gaga ka! Charot lang talaga yung chika chuchuness na sinabi ko HAHAHAHAHA! Tumawag lang ako para sabihin na gagala tayong tatlo nila Minny! Ginising ko lang talaga ang diwa mo kasi alam kong mahilig ka sa mga chika 'no!"paliwanag nya. Gagang 'to!
"Oh sya, oo na" sabi ko nalang.
"Wag ka ng mag inarte dyan! Wala ka namang magagawa e! HAHAHAHA! Oh sige na! Byeee!" Huling sabi nya bago ibinaba ang tawag.
WAAAAAAAAH TINATAMAD AKO.
Matutulog pa sana ako kaso biglang nag ring ang phone ko.
From: April_cute
"Maligo ka na, maya-maya lang andyan na kami labyuuuu!"
Basa ko sa text message ni April. Kahit kailan talagaaaaa. Si April at Minny ay high school friends ko. Simula noon ay sila lang naging kaibigan ko hindi kase ako pala-kaibigan. Laking pasalamat ko talaga na sila ang unang um-approach sakin.
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Sinalubong ako ni Tita Madi na nag hahanda ng almusal. Si Tita Madi ay kapatid ni Mama. Sya ang kasama kong lumaki kasi ang sabi nya ay namatay daw sa car accident ang mag magulang ko noong sanggol pa lang ako.
"Oh, ang aga mo yata nagising?" tanong ni Tita Madi.
"Tumawag po kasi si April na gagala daw kami kasama si Minny. Ahm, mag papaalam po sana ako" dirediretso kong sabi.
"Ah ganon ba? Oh sige sige, pinapayagan na kita. Since ilang araw din kayong hindi nagkita" naka ngiti nyang sabi sa akin. Yes namaaaaan!
"Salamat Tita!" Sabi ko at saka umupo para kumain. Pag katapos ay naligo na ako kasi baka dumating na sina April at Minny. Nagbibihis ako ng sumigaw si Tita Madi.
"Vanessa! Andito na ang mga kaibigan mo!"
"Teka lang po!" Sigaw ko pabalik. Nag madali akong nag bihis at lumabas ng kwarto. Nakita ko silang dalawa na nakaupo. Nakangiti na parang mga tanga. Umalis sa sala si Tita Madi at pumunta sa kwarto nya.
"Siz, na-miss kitaaa!" Sigaw ni April. Si April Valdez ang pinaka maingay sa amin. Maganda at matalino kaso nga lang, chismosa. Itong isa naman ay si Minth Niffa Cruz, Minny for short. Maganda rin sya ngunit may pag ka seryoso at malamig kung tumingin ang mga mata pero sya ang pinaka mahina ang loob, iyakin kumbaga. Syempre ako naman. Ako si Vanessa Jermaine Ramos. I don't use my second name 'Jermaine' coz it sounds too girly. Okay na ako sa Vanessa since marami namang nagamit ng name na yon. Mukha naman akong tao, ako yung pinaka tamad sa aming tatlo. Maingay din naman ako pero hindi kasing ingay ni April.
"Vanessa ano ba? Kanina ka pa tulala" sabi ni Minny sabay yugyog sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanila kaya naglakad na kami ulit. Nandito kami sa mall. Naisipan naming manood ng sine kaya pumila na si April para bumili ng ticket kami naman ni Minny ay bumili ng popcorn.
"Kuya gusto ko popcorn!" Rinig kong sigaw nong bata sa lalaking kasama nya. Tinignan ko muna si Minny, nang makita kong bumibili na sya ay binalik ko sa lalaki ang tingin ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Antagal kong nakatulala sa lalaking 'yon. Bumalik ako sa huwisyo ng kalabitin ako ni Minny. Napatingin ako sa kanya at saka ibinaling ang paningin ko sa lalaki doon ngunit wala na sya. Nag tungo na kami ni Minny sa loob at nakita naman naming naghihintay si April sa gilid. Naiinip na yata.
"Saan ba kayo galing? Bakit antagal nyo?" iritang sabi ni April.
"Eh ito kasing si Van, nakatulala. Lutang yata" natatawang sabi ni Minny. Dumiretso na kami sa loob at humanap ng pwesto. Matiwasay kaming nanonood nang biglang...
"Waaaaah! Tumakbo ka naaa! Bilisan mo!" Sumigaw si April. Bigla namang nag 'ssshhh' yung mag tao. Sinalpakan ko naman ng Popcorn si April para manahimik. Nanonood kasi kami ng Horror movie. Natapos ang palabas at nagsilabas na ang mga tao pero nakaupo pa din kami. Ayaw naming makipagsiksikan.
"Natatawa talaga ako kay April HAHAHAHAHA" pangunguna ko.
"Oo nga! Ang ingay-ingay! Napagalitan tuloy HAHAHAHA" Pag gatong naman ni Minny.
"Eh pano ba naman kase! Ang tanga ng bida! Alam nang may saltik yung may ari ng bahay na yon e pumasok pa den!" Naiinis na sabi ni April. Pfft dalang-dala ng palabas si gaga.
Pag tapos sa sinehan ay lumabas na kami ng mall. Pumunta kami sa may park. Andaming bata na nag lalaro. Ang cute nilang tignan. Naupo kami sa may bench nang may lumapit sa aming bata.
"Hello po mga ate, ang gaganda nyo po hihi" sabi nya sabay takbo. Problema non? Buti nalang at cute ka nako.
"Mga siz, Hindi nag sisinungaling ang mga bata" sabi ni April sabay hair flip. May saltik na den yata 'to.
"Grabe ang hangin naman dito" sarcastic na sabi ni Minny. Sinamaan naman sya ng tingin ni April. Pffft.
Bumalik yung bata na may kasamang lalaki.
-_-
Yung lalaki sa sinehan.
o_o
Sya yung bata na kasama nung lalaki kanina???
O_O
What the heck?
YOU ARE READING
Until we meet again
RomanceThere's no way I should be like this but I keep going back to those times. In the place where you used to be. Tell me what to do. I don't know what to do. Your love is just a memory.