Prologue

698 15 9
                                    

Two years of unrequited love.

Ilang buwan akong nagdiet para mas maging sexy at mapansin nya.

Pasimple akong sumasabay sa NBS pag bumibili sya ng libro kahit hindi naman talaga ako palabasa.

Dahil nabalitaan kong turn on daw sa lalaki pag musically-inclined, nag-aral akong maggitara.

Nagkocommute ako papuntang school kahit may kotse ako, para lang makasabay sya.

Lahat na, ginawa ko pero anong napala ko? Wala!

Para sa kanya, isa lang akong simpleng kaibigan.

At ayoko na. Sawa na ko. Pagod na pagod na ko. Sa sobrang dami ng ipinagbago ko para sa kanya, hindi ko na ngayon makilala ang totoong ako.

Gusto ko nang umalis at kalimutan sya.

Pero kaya ko nga bang iwan sya ngayong sinasabi nya na…

“Iniwan na nya ako, Diane. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko sya. Hindi ko kaya na wala sya. Tulungan mo ko. Tulungan mo ko para mapabalik sya sakin. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sakin. Utang na loob, hindi ko kaya pag wala sya.”

Ano ang pipiliin ko?

Ang umiwas para wag na kong lalong masaktan?

O tulungan silang magkabalikan ng kapatid ko, para wag syang masaktan?

_____________________________________________________

A/N:

Okay lang po ba yung prologue? Okay lang yung plot? Comment kayo para alam ko at mas mapaganda ko yung updates ha :D

Vote. Comment. Be a fan. <3

Either way, I'm losing you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon