*1*

255 4 1
                                    

“Hay nakuuu! First day of classes tapos late kayo?! Ano ba yan! Bat ba kayo late?!”  

By the way, I’m Diane Hernandez. Ito ang first day ng first semester ng first year ko as a college student. :D

“Hahaha.”

Napatingin ako sa likod ko. Andun kasi yung tumawa.

Boom! Nakatingin din sya sakin. Bakit naman sya tumatawa habang nakatingin sakin? Hmp!

“Ganyan ka ba talaga, Miss?” Sya, na nakangiti pa rin. Yung ngiti na… uhhh… pano ba? Na parang nang-aasar? Oo! Parang ganun ata!

Napa-O_O na lang ako. Ano bang problema nitong lalaking to? At sino sya para tanungin ako ng ganun? Oo nga at 2 feet away lang sya sakin but still, hindi kami close. K. Ang corny ko. Pero oo, hindi talaga kami close kaya wag nya kong matanong-tanong  kung ganito ba talaga ako.

Inirapan ko sya at tumingin na lang ulit sa white board sa harapan.

“Hey Miss, ang suplada mo naman.”

-__________- Ano daaaaaw?! Suplada daw ako? Excuse me! Hindi porke’t hindi ko sya sinagot sa wirdo nyang tanong e suplada na ko. It’s just that, I don’t talk to strangers. :P Chos.

“Huy Miss.” Sabay poke.

Dafaq? Ano to, facebook?! Bakit nya ko pino-poke?!

“Miss.” Poke ulit.

“Ano baaaaa?! Ano bang problema mo ha?! Sino ka ba para tanungin ako kung ganito ba talaga ako lagi?!” Naiinis na ko. Poke kasi sya ng poke. Nakikiliti ako.

“Hahaha.” Dafaq?! Tinawanan lang ako?!

“Poke ka ng poke tapos nung pinansin ka na, tinawanan mo lang ako?! Ang kapal mooo! Sino ka ba, ha!?”

“Ikaw talaga. Kunwari nagagalit ka. Yun pala, gusto mo lang malaman kung sino ako.” Sabay kindat.

O________________O Ang kapal nyaaaaaa!

“Sige na nga. Para hindi ka na parang baliw dyan na tinatanong kung bakit late ang imaginary friends mo, ako na lang friend mo. I’m Ron Chua.” Kindat part 2.

Leche. Leche. Lecheeeeeeeeee!

“Hoy! Hindi imaginary ang friends ko! May friends talaga ako. Wala pa lang sila dito kasi nga, late sila! At wala akong pakealam kung sino ka!”

At as usual, tinawanan nya lang ako. Grrrrrrrrrr!

Makapag-earphones nga. Makikinig na lang ako ng music para di ko marinig yung mapang-asar nyang tawa.

Pinopoke nya pa rin ako pero pinilit kong wag na lang syang pansinin kahit nakikiliti ako. Aantayin ko na lang sina AJ, Faye at Eymard.

Ron Chua.

Ron Chua.

Ron Chua.

Ano ba yaaaaaan?! Bakit paulit-ulit sa isip ko yang lecheng pangalan na yan!?

“Good morning, class. I am Professor Julian Pagkalinawan and I will be your professor in Creative Writing 10.”

Creative Writing? Ha? Creative writing ba ang class ko ngayon? :O Wala naman akong creative writing class this sem ah? :O

Tiningnan ko ang form 5 ko. Dun nakalagay ang list ng subjects ko pati time slot at room.

Tuesday-Thursday 10-11:30. Filipino40. CAL420.

Tama naman ah? 10 naman ngayon. Nasa CAL420 naman a---

Ha?! CAL420?! Akala ko 240! Halaaaaaaaaaa. Kelangan ko makaalis dito. Nakakahiya. Nasa maling classroom pala ako. :O Baka nasa room na yung prof namin. Oh noes!

“Tabi tayo ha.” Si asungot.

Tsss. Pano ko makakalabas ng room nang hindi napapansin ni Sir! Dumagdag pa tong gwapo, este, kwagong Ron na to! Halaaaaa. First day of classes tapos ganito?! T_____T May birthmark siguro sa pwet tong Ron na to at nahawahan ako ng kamalasan nya. 

Ang badtrip lang ng first subject ng first day ng first sem ng first year ko sa college! T_T

Either way, I'm losing you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon