*2*

186 2 1
                                    

Nandito na ko sa canteen ngayon. Hinihintay ang mga walanghiya kong kaibigan. Aba’t ang mga gaga! Di man lang kasi nagtaka na wala pa ako sa room kanina e alam naman nila na ayaw na ayaw kong malelate!

Di na ko nakapasok sa first subject ko. Di ako makaalis kanina kasi ginugulo na naman ako ng Ron na yun. Kahit nagkaclass! Walang galang sa prof. Leche ka talaga,Ron! Badteeeeeeeerp!

Speaking of the devil. >_____< Nakita ko sya sa may pinto. Sana naman hindi nya ko makita! Baka bwisitin na naman ako nito.

Yumuko na lang ako at nagkunwaring nagtetext.

“Hi!”

Hindi sya sakin nag-hi. Hindi sya sakin nag-hi. Lord, please, hindi sya sakin nag-hi.

“Miss Suplada” Sabay poke.

Okay. Sakin sya nag-hi. Nakakainiiiiiiiiiiiiiiiiiis!

“May kasama ka?”

“Mer ---“

“Ah, buti wala. Pasabay ha?” At umupo na sya sa harapan ko. K. What the hell was that? I was about to say “meron”. Grrrrrrrrr.

“Hmm. Excuse me Mister pero may nakaupo na dyan.” Mataray kong sabi. Super naiinis talaga ako sa kanya.

“Eh? Wala naman akong nakita. Kung sino ka mang invisible chuva ka na naupuan ko, pasensya na.” At nagsign of the cross sya.

K. I admit. Napangiti ako sa ginawa nya. Para syang bata. Ang cute nya.

“Uuuuy! Ngumingiti rin pala ang mga suplada! Siguro, crush mo ko no! Ikaw talaga, kaya mo pala tinanong kanina ang pangalan ko, kasi ---“

Hindi na nya itinuloy ang sinasabi nya dahil sinamaan ko sya ng tingin. Yung sobrang sama. Tipong nagsasabing “sige, ituloy mo yang sasabihin mo at di ka na aabutan ng umaga”.  Did I just say he’s cute?! Noooooo! Definitely not! Grrrr!

“Maganda ka pa rin kahit nakakatakot ka. Order na tayo.”

Hindi na ko nakapagreact. Bigla nya na lang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patayo. At ngayon, hawak nya pa rin to habang naglalakad kami.

O__________O

Gusto kong hilahin yung kamay ko pero di ko magawa. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi masyadong malambot yung kamay nya? Parang ang sarap sa pakiramdam na hawak nya yung kamay ko.

Wala akong pakealam kung makabangga man ako ng tao. Kasi naman, sa kamay lang namin ako nakatingin. Napatingin ako sa kanya. Yung tingin na parang nagtatanong. Ngumiti lang sya at binitawan ang kamay ko. Akala ko yun na yun. Pero bigla nyang hinawakan ulit at inayos ang mga daliri namin hanggang magkaholding hands na kami. As in holding hands ng mga magjowa.

“Nagbblush ka. Ang cute mo.” At pinisil nya ang pisngi ko gamit ang isa nya pang kamay. Ewan ko pero feeling ko, mas lalo akong nagblush --- kung totoo man na nagbblush na nga ako nun.

“Anong gusto mo? Libre na kita. Tutal, inasar naman kita kanina. Pambawi ba.”

“Hmmm…” Hindi ako makapagsalita. Hindi pa rin ako makamoveon sa fact na nakikipagholding hands ako sa lalaking di ko kilala. Okay, sya si Ron Chua pero yun lang ang alam ko sa kanya. Ni hindi nya pa nga alam pangalan ko e.

“Alam kong gwapo ako. Pero wag mo naman ako titigan masyado. Ano ngang gusto mo? Iorder mo na.”

Okay na sana e. Kaso niyabangan na naman ako. Tssssss!

“Spicy chicken po. Tsaka pork adobo. Tsaka chicken curry. Tsaka eto. At eto. At eto rin po. Tapos apat po na rice. Apat din na iced tea na large.” Tiningnan ko si Ron. HAHAHA! Hindi maipinta yung muka! Haha!

“May problema?” Sabi ko.

“Ha… Ah eh…”

“Di ba sabi mo babawi ka? Yan gusto kong orderin. Ayaw mo na bang bumawi? Wala ka pala e. Ate, wag na ---“

“Hindi, hindi. Nagulat lang ako. Ang takaw mo pala. Okay lang, sexy ka pa rin naman. Sige Ate, yun po. Yung akin naman, beef steak at one and a half na rice at large iced tea.”

Napatulala ako. Ewan ko kung san ako mas nabigla. Kung dahil ba willing syang bayaran lahat ng inorder ko, o yung sinabi nya na sexy ako. Sexy pala ako. :”> Sabi rin ng iba. Pero parang iba pag sya yung nagsabi. :D

“Nagwapuhan ka na naman sakin.”

“Tse!” Shet! Nahuli na naman nya kong nakatingin sa kanya. >_< Hinila ko yung kamay ko na hawak nya pa rin at kunwari e babalik na sa upuan pero mas hinigpitan nya yung hawak.

“Ate, table 27 lang kami ha.” Sabi nya, tapos bumalik na kami sa table namin. Nang magkahawak-kamay pa rin. :O

Pagdating sa table… Wala lang… Nakatingin lang sya sakin. Ako, wala lang. Patingin-tingin kung saan. Busy-busyhan. And by the way, hawak ng dalawa nyang kamay ang isa kong kamay. Nakapatong sa table. O.o

Hilahin ko na ba kamay ko? Eh? Parang ayaw ko… :P

“Bes!”

Omy! Nagulat ako! Seryoso. Bigla na lang sumulpot sa likod ko. At yan, nahila ko na ang kamay ko. Baka makita nya e. Badtrip naman oh. Nag-eenjoy pa yung kamay ko e. :P

“Ayyy… May kasama ka pala.” Kunwari nalungkot si Faye pero nang nakita nyang lalaki ang kasama ko, nag-iba yung facial expression nya.

At dahil best friend ko na yan simula nung nasa tyan pa kami ng mga mama namin, alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng tingin nyang yan. That’s her oh-my-god-magkakaboyfriend-ka-na look.

 And from nowhere, biglang nagsulputan ang dalawa ko pang bffs – sina Eymard and AJ. Mga kaibigan ko nga tong mga to. Tulad-tulad sila ng  tingin e.

“Ron. AJ. Eymard. Faye.” Tinatamad akong magpakilala. Or… tinatamad akong mag-explain sa mga kaibigan ko kung bat kasama ko si Ron. Sa sarili ko nga, di ko maexplain. Sa kanila pa kaya? :P

Sakto naman. Bago nila ako paulanan ng mga nang-iintrigang tanong, dumating na yung order namin.

“Oh ayan. Iniorder ko na kayo. Libre ko yan. Pasasalamat sa pangwawalanghiya nyo sakin kanina.”

At tinawanan lang ako. Pati si Ron, tumawa. Nagets na nya siguro na kaya apat ang inorder ko e para saming apat. Okay lang naman sa kanya di ba? Bwahahahaha. :P

Ayun. Nagkainan lang kami at nagtawanan. Kwentuhan ng kung anu-ano. Kinwento nila yung nangyari sa first subject na dapat e kaklase nila ako pero naligaw nga ako at napapunta sa class nina Ron.

Nung malapit na mag-1, nagpaalam na kaming apat kay Ron. May class kasi kami ng 1.

“Uy sige ha! Salamat sa libre.” Sabi ko, at patakbo na kaming lumabas ng canteen.

“Ah teka miss suplada! Anong name mo?”

Nakalabas na sina AJ, Faye at Eymard. Kelangan ko na ring magmadali.

Tumingin ako sa kanya.

At kumindat ;)

Tapos tumakbo na ulit ako palabas. Tinawag nya ulit akong miss suplada pero di na ko lumingon. Mabuti na yung di nya alam kung sinong gumastos ng 400+ nya. At di na rin naman nya ko makikita dahil di na ko maliligaw sa class nya next time di ba? :P

PS. Narealize kong cute nga sya. Medyo mahangin lang. Pero cute nga sya. :P

PSS. Kelan nya kaya ulit mahahawakan kamay ko? Chos.

PSSS. Ang landi-landi ko ba? :D Kasi namaaan. Cute talaga sya! Ayun sya oh! Nasa kanan! :D

_______________________________________________

A/N: Okay lang po ba? :D Comment kayo ha? Also, votes are very much appreciated! :D

Either way, I'm losing you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon