Chapter ONE

33 1 0
                                    

R18+

First day of school nanaman, nakakatamad pumasok pero kawawa naman yung mga estudyanteng pumapasok lang para makita ako diba? Kaya papasok ako. Naligo  na ako at ginawa ang lahat ng morning rituals ko bago bumaba sa kusina para kumain. Ako nalang ang nandito, siguro ay pumasok na sa trabaho ang mga magulang ko. Inihanda na ni Manay ang pagkain kaya nag simula na akong kumain.

*kring kring*

"Umm?" Sagot ko sa caller.

"Hoy babaeng maattitude bilisan mong gumayak, nandito na ko sa school wooooooh daming fafa" si Justine iyon, kaibigan ko at babae sya okay?

"I'll be there in a minute" binaba ko na agad ang phone at tinapos agad ang pagkain.

Kinuha na ng driver ang bag ko kaya't sumakay na ako sa kotse. Actually kotse ko to, pag di ko prefer mag drive, nagpapadrive ako papuntang school then aabutan ko ng pang commute ang driver pauwi ng bahay. Nang maka park na sa school ay ganon na nga ang ginawa ko. Kinuha ko na ang bag ko, agad naman akong sinalubong ni Justine at Anneia saka ibinida sa akin ang mga kuha nilang pictures sa mga fafa na sinasabi nya. Habang naglalakad kami ay nasa akin ang atensyon ng lahat. Sa kasamaang palad ay may isang babaeng bumunggo sa akin. Tumapon-- TINAPON nya ang hawak nitong juice sa damit ko. Natahimik ang lahat dahil doon, ang paningin ko naman ay nasa ibaba lang. Unti unting umangat ang aking paningin sa babae na ngayon ay nakahalukipkip at tila nagmamalaki pa sa akin, nakangisi ito ng maabot ng aking paningin ang mukha nito. Napangisi rin ako ng maalala kung sino ito.

"You freak! Why did you do that to her?" Sigaw ni Anneia sa babaeng nasa harap ko.

"Oh bakit ikaw ang galit? Hindi naman ikaw ang tinapunan ko" nakangising sambit muli ng babae. Hinawi naman ako ni Justine sa likuran nila ni Anneia at sila ang nakikipagsagutan sa babae.

"She's our friend! Bobita ka ba? Palibhasa wala kang kaibigan" sabi ni Justine sa babae.

"Coz I can stand by my own. Hindi tulad ng kaibigan nyo na kailangan pa kayo dahil duwag sya at mahina" namintig ang aking pandinig sa sinabi nito. Naikuyom ko ang palad ko dahil doon. Humarap pa ito sa mga tao at tumalikod sa direksyon namin bago muling nagsalita. "Sinasabi ko na nga ba e, matapang lang sya kapag may kasama dahil ang totoo, duwag sya. Hinahangaan nyo yung babaeng to dahil sa pagiging totoo? Hahahaha kapit lang naman sya sa mga kilalang tao"

Yeah right. Mga kilalang tao ang mga kaibigan ko. Anak ng governor at ng vice governor ang mga ito. Habang ako, anak ng demonyo. I didn't say na demonyo ang mga magulang ko, what I mean is, ako mismo ay anak ng demonyo at ang ginagawa ng babaeng to... Ay pagpapamamatay. Sya iyong babaeng nakaagaw ng atensyon ko sa social media. Akmang susugod ang mga kaibigan ko nang harangin ko ito. Nasa mga tao pa rin ang paningin ng babae kaya't dahan dahan akong lumapit sa likuran nito. Halos maduling naman ito nang humarap sa akin dahil sa lapit ng aking mukha sa kanya. Nginisihan ko ito bago muling lumayo. Nang makalagpas kami rito ay muli itong nagsalita. "Yun lang ba ang kaya mo? Hahahaha scary h---"

Hinarap ko ito at sinapak dahilan para bumulagta ito sa sahig. Hinimas ko naman ang kamao ko dahil sa lakas ng pwersang ibinigay ko rito. "Huwag na huwag mo kong susubukan Ara, baka mapadali ang buhay mo" iniwan ko na ang mga ito maging ang mga kaibigan ko. Dahil sa inis ay nagpa umuna na akong pumunta sa room at nagkabit ng airpods para makinig ng music, bawas inis din.

"Ms. Lazaro, may problema ba?" Tanong ng Prof nang makita ako.

"Madami, gusto mo bigyan kita?" Sagot ko rito dahil naiinis pa rin ako. Umiling na lamang ito bago umalis sa harapan ko.

Taming Bitch Virgin (Ms. Attitude #2)Where stories live. Discover now