KABANATA XI

89 63 14
                                    

PAGHIHIGANTI

Jimuels PoV

Hindi ko na ipagkakaila ngunit malaking sugat ang iniwan ni Chlea sa akin noong hindi niya binigyan ng halaga ang pagmamahal na inialay ko sa kanya.

Ngunit sa kabila ng lahat, ayaw ko siyang paghigantihan na gaya ng mga pangyayari sa mga teleserye. Kapag ipinaghiganti ko ang lahat ng nagyari sa amin, wala nang saysay lahat ng nangyari.

Ngunit hindi naman lahat ng paghihiganti ay masama, nakadepende ito kung paano ka gaganti. Kaya nagpasya akong tulungan ang nanay ni Chlea para makaganti nang mabuti sa kaniya.

●●●●●

Pinagmamasdan ko ang mukha ni Chlea mula sa labas ng salamin na siyang nakatakip sa ibabaw ng kaniyang magandang silid.

Bagaman wala na siyang kakayahang huminga, kumilos, magsalita at ngumiti, maganda pa rin siya dahil sa kaniyang walang katulad na katangian.

Ang ikinakalungkot ko lamang ay ang kaniyang kabiguan upang pagmasdan ang kaniyang mga anak sa kanilang paglaki.

"Tita. Kailan po natin ihahatid si Chlea?" Tanong ko nang mapasulyap ako sa nanay ni Chlea na tila wala sa kaniyang sariling nakatayo, bitbit si Claire na kasalukuyang nakaidlip sa pagitan ng kaniyang mga braso.

"Kahit sa makalawa nalang iho, para masilayan din naman ng mga kamag-anak namin ang bangkay niya." Sagot nito at biglang lumapit sa akin upang sabay naming masulyapan si Chlea.

"Alam mo iho, nagsisisi rin akong hindi ko napagsabihan si Chlea noon. Naging abala ako sa pagkayod dahil wala na rin ang kaniyang ama na dapat na kumakayod para sa amin." Tuloy niyang sabi at halatang nangilid ang kaniyang mga luha habang nakatitig sa kaniyang nag-iisang anak.

Bigla kong idinampi ang kanang kamay ko sa kaniyang balikat upang pahupain ang umaapaw niyang mga luha.

"Hindi niyo naman po kasalanan yun tita e, kung bakit napahamak si Chlea sa pinili niyang buhay." Sagot ko habang hinahagod ang mga kamay ko sa kaniyang balikat.

Nagkalat ang mga tinig ng mga taong nagbigay ng dalamhati para kay Chlea. Hindi maikakailang napakadalisay ng kaniyang katangian kaya nagdagsaan ang mga taong gustong sumulyap sa kaniyang huling mga araw ng pamamalagi ditto sa lupa.

Naroon ang kaniyang mga naging kaibigan noong nasa sekondarya pa lamang kami. Naroon ang mga pinsan niyang lagi niyang kasa-kasama noon nang mapadpad ako sa Cavite para surpresahin siya sa kaniyang kaarawan.

Naroon din ang mga nakilala kong officemates niya mula sa pinagtatrabahuhan niyang kumpanya noon sa Maynila na nagpakilalang  naging karamay rin niya noong nagiging malungkot siya dahil sa mga ginagawa ng kaniyang asawa.

"Alam mo Jimuel, kung ikaw siguro ang napangasawa ng anak ko, hindi siguro ito mangyayari sa kaniya.” Biglang sabi ng ina ni Chlea habang nag-aayos kaming dalawa sa kusina ng ipapameryenda sa mga nakikilamay.

"Ah...eh, hindi naman po siguro." Nakangisi kong sagot habang tinitingnan ko ang aking ginagawa.

"Totoo iho. Hindi ko nga rin alam kung ano ang nakita niya kay Jess at ipinako niya ang sarili niya sa kaniya." Sabi pa niya at bahagyang hinahagod ang mga kamay nito sa kaniyang mga mata habang nakatutok sa kaniyang inaayos.

"Hindi ko naman kasi siya kailangang pigilan sa mga gusto niya dahil yun naman ang gusto niya. Kaya sinuportahan ko na lang siya para sa ikasisiya niya." Pero bago pa man maituloy ng kaniyang ina ang sasabihin ang nagsalita ako.

"Parehas naman po pala tayo ng inisip tita." Sabi ko habang ngumingiting nakatutok din sa ginagawa ko at naaninag kong tumingin sa akin ang ina niya.

"Hinayaan ko na lang po kasi siya noon dahil alam kong yun ang makakapagpasaya sa kaniya. Pero hindi ko naman po kasi alam na ganito ang magyayari para nadagit ko sana siya kay Jess dati." Pabirong sabi ko at nagkangitian na lamang kami ng kaniyang ina bago kami tumungong dalawa para ibigay ang mga pagkain ng mga bisita.

Napakabilis ng panahon ngunit napakabilis ding naisauli ni Chlea ang kaniyang hiram na buhay sa Panginoon.

Kaya naman, napakahalagang iniingatan at pinapahalagahan natin ang buhay na mayroon tayo ngayon. Ika nga ng Diyos, ingatan dapat natin ang ating sarili at iingatan din niya tayo.

PAGHIHIGANTI

Wasn't Enough #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon