Chapter 4

6 0 0
                                    


Puti.
Tanginging puting Ulap lang ang nakikita ko.
Nakakaramdam ako ng paghampas ng alon sa aking mga paa. Bahagya akong kumurap kung tama ba ang nakikita ko, bahagya ko ding ginalaw ang mga kamay ko.

Napangiti ako dahil nakumpirma kong buhay pa ako, ang akala ko ay katapusan ko na.

Muli akong pumikit ng makarinig ako ng kaluskos mula sa tubig, muli akong nag pangap na walang malay.

Biglang may nag pahid ng kung ano sa mukha ko at sinundan naman ng pag pahid nito sa aking braso at binti, nakaramdam ako ng mga kirot sa ilang bahagi ng aking mga katawan na para bang puno ako ng galos, pero dahil sa pag pahid ng kung anong bagay sa aking katawan tila ba parang munting mahika na nag papagaang ng aking pakiramdam.

Marahan kong dinilat ang aking mga mata para makita kung sino ang nag pahid saakin.

"Gising kana." Sabi ng babae saking harap na para bang nabunutan ng tinik sa kanyang lalamunan. Nakailang kurap ako dahil hindi ako makapaniwala.

Siya yung magandang babae na palagi kong nakikita sa tubig, si Aerwyna.

"N-nasan ako?" Marahang tanong ko habang pinipilit na bumangon sa pag kakahiga sa buhangin.

"Wag mong pwersahin ang sarili mo, ligtas ka." Sabi niya habang pilit akong pinababalik sa pag kakahiga.  Marahan akong pumikit dahil nasisilaw ako sa sobrang liwanag.

"Nasaan ang mga kasama ko? sila Kenzo?" Tanong ko habang nakapikit.

"H-hindi ko alam." Medjo nag aalinlangan pa niyang sagot sa tanong ko.

Napadilat ako at biglang nakaramdam ng kaba, nilibot ko ang paningin ko.

Bigla akong nag taka dahil hindi naman ganto ang itsura ng beach kung nasaan ako kanina. Mas payapa ito dahil walang kahit anong stall, tanging gubat lang ang nakikita ko at ilang ibon na nakadapo sa sanga ng mga puno at ang dagat na nasa harap ko.

"Wag kang mag- alala, ligtas ka dito hindi ka nila masasaktan dito." sabi ni
Aerwyna na para bang pinagagang ang pakiramdam ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko dahil iba ang dating ng pag kakasabi niya saakin. Para akong nasa bingit ng panganib.

"May gustong pumatay sayo, hindi ko alam kung sino pero isa lang ang dahilan na alam ko." Sabi niya habang daretsong nakatitig sa dalawa kong mga mata.

"Sabibin mo ano ang dahilan? bakit? b-bakit may  gustong pumatay s-sakin?" Naluluha kong tanong, hindi ako makapaniwala anong dahilan nila? bakit gusto nila akong patayin?

"Saka ko na sasabihin basta ang mahalaga mag pahinga ka muna." Sabi niya habang pilit na pinikit ang mga mata ko gamit ang kanyang mga kamay pero inalis ko yon at umupo.

"S-sandali.."

Mas hindi ako makapaniwala sa nakita ko ngayon! si Aerwyna may buntot!

"Tama ka isa akong sirena. Alam kong hindi ka makapaniwala sumula nung nag pakita ako sayo. pero ito ang totoo, ikaw at ako kailangan natin ang isa't isa para maprotektahan natin ang bawat isa." Sabi nito saka tuluyang lumangoy palayo mula saakin, naiwan akong mag isa dito.

Gusto kong tumayo at mag hanap ng makakain pero hindi kaya ng katawan ko, masyado akong nanghihina.

Pero mas lalo akong nanghihina kapag inaalala ko ang mga sinasabi ni Aerwyna. Ayaw pang pumasok sa utak ko ang mga nangyayari masyadong magulo.

-
"Miyaka.."

"Miyaka, gising."

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata dahil sa munting tinig na narinig ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Kaunti na lang ang oras natin, kailangan mo nang gumaling sa susunod na gabi ay kabilugan na ng buwan." Sabi ni Aerwyna hangang kinukusot ko ang aking mga mata.

"Anong ibig mong sabihin?" Inosenteng tanong ko kaya naman napatingin siya saakin at napabuntong hininga.

"Sa susunod pang mga linggo ay lilitaw na ang full moon, kailangan na nating mag madali para pumunta sa Lañora."

"Hindi ko maintindihan? ipaliwanag mo lahat" Naguguluhang tanong ko kay
Aerwyna na para bang nag aalanganan na sabihin saakin.

"Ang Oceana ay nanganganib sa kamay ni Barboza, balak niyang sakupin ang Oceana sa pamamagitan ng Ocean midst ring na matatagpuan sa Lañora. Kapag natuklasan niya kung saan ito nakalagay sasakupin niya ang Oceana. At ikaw nasa panganib ka rin." Seryosong sabi ni Aerwyna na para bang ito ang pinaka importanteng bagay sa mundo. Pero bigla akong kinabahan, bakit ako? bakit kasama ako?

"B-bakit pati ako?" Kabadong tanong ko.

"Dahil nalaman na niya na ikaw ang napiling taga lupa para matulungan ang Oceana, Yung mga malalaki at malalakas na alon nung isang araw? siya ang may kagagawan non, kaya kita binabantayan dahil ikaw na lang ang pag-asa namin na naninirahan sa Oceana." Paliwanag pa niya.

Ngayon malinaw na sakin ang lahat. Pero kailangan ko ng oras para makapag isip, masyadong maraming nangyayari.

"Alam kong mahirap intindihin pero bibigyan kita ng panahon, pag isipan mong mabuti ang gagawin mong desisyon." Marahan niya akong hinawakan sa aking balikat at tuluyan na siyang nakipag sabayan sa mga alon.

Pinilit kong tumayo kahit naginginig ang buong katawan ko dahil sa mga galos, pero mag didilim na kung hindi ko pa ito titiisin baka may masamang mangyare saakin.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay pabigat ng pabigat ang aking puso, hindi ako matinag hanggang hindi ko nalalaman kung nasaan o kamusta na si Kenzo. Pero sa tingin ko ay nakaligtas naman siya sa malalakas na alon dahil alam kong hindi niya hahayaan na mamatay siya o may mangyaring masama sakanya.

Pinag patuloy ko ang pag-iisip hanggang sa makarating ako sa ilalim ng puno ng buko. Dito ko naisipan na mag palibas ng gabi para meron akong masasandalan.

Gusto kong matulog at mag pahinga na dahil pagod na pagod na ako ng kakaisip, pero bawat pag pikit na ginagawa ko ay naisip ko nanaman ang mga nangyari Saakin.

Kaya siguro ako binigyan ng pagkakataon na mabuhay pa ay para makatulong. Hindi ko sasayangin ang pag kakataon na binigay saakin.

Nakapg desisyon na ako, at buo na ito.

Tutulong ako hanggang sa maubos ako.

Ocean's ChumWhere stories live. Discover now