CHAPTER TWO

1 1 0
                                    

It has been one week since I was welcomed by the branch company. Nagboluntaryo na rin akong mag plan ng ibang weddings. Right now, nasa isang Cafeteria kami ni Ladymayann, my partner on this wedding. Dito namin ime-meet ang isang couple client namin, Mr. Denry Cayatoc and Ms. Dianette Rose Pamolarco. Base sa profile na hawak namin, Mr. Denry is a politician, at isang midwife naman si Ms. Dianette Rose.

"I think they're here."- Kalabit sa akin ni Lady nang paparating ang couple. We introduced ourselves and ordered some snacks. Nabanggit na rin sa akin ng magsyota na kilala nila ang pangalan ko.

"We've already checked the Faustino Hotel for your venue. Tapos na rin namin ang wedding invitations niyo."- and I handed them the product. Namangha naman sila.

"Thank you! Ang ganda ng pagkagawa!"- Ms. Dianette Rose thanked us.

"Ang hindi pa tapos sa atin ay ang fitting ng dress."- Lady added.

"Oo. Sorry for making you wait, hinintay pa kasi namin iyong pari na magpapa seminar sa amin."- Mr. Denry apologized.

"Okay lang po iyon sir. We understand."- I replied. Matapos naming ubusin ang snack, we immediately headed at Rose's Boutique, kung saan konektado sa aming kompanya. They will be in charged of the dress. Dahil nga sa sabi-sabi na bawal daw isuot ng bride ang trahe de boda, I was the one who tried the dress. Manghang-mangha naman si Dianette Rose nang makita niya ang design.

"Perfect! Ito ang hinahanap ko. Simple yet elegant in appearance!"- Wika niya sa akin nang dalawa nalang kami sa dressing room.

"And I'm sure it will look good on you."- Sagot ko. She sighed.

"Alam mo, I'm really happy that this day has finally come. Alam mo ba, I didn't expect him to be my husband. Akala ko kasi, we're not meant for each other. Iniwan ko siya noon dahil kinailangan kong alagaan ang lolo ko sa ibang bansa. I sacrificed our love because I know my family needs me. Nag-iisa lang naman akong apo, so I had no choice." Naisip ko ang sitwasyon namin ni Bruno noon kaya hindi ko maiwasang mapaluha sa kuwento niya.

"You really are meant for each other. Congratulations in advance."

"Salamat. It has always been my dream. Nang mamatay si lolo, I settled everything and came back. Ayun, he was angry at first, pero naiintindihan ko naman eh. He said hurtful words, lahat iyon tinanggap ko. I just want him to forgive me that time."

"At naging kayo din naman. You know that's the power of love. Kahit siguro paglayuin kayo ng tadhana, love will always find a way for the both of you. At heto na nga, you're tying the knot of a lifetime." We hugged quickly.

"Alam mo pakiramdam ko nakakarelate ka din sa akin. Do you have a boyfriend too? O asawa?"- I laugh at her last question while changing my clothes. Nakatalikod siya.

"I really wish I have. Pero katulad mo, I also left someone a long time ago because of my love for my family."

"Talaga? Then what happened? Nagkabalikan ba kayo?"

"No. Masaya na siya ngayon. He has his own spotlight, kaya ayoko nang guluhin muli ang buhay niya. Just by seeing him happy and successful, kontento na ako."

"Awww, I wish you luck." Lumabas na kami ng dressing room pagkatapos dahil sakto ring tapos si Denry na magpasukat ng kanyang attire. We settled everything. Nagtungo na kami sa Faustino Hotel para ituro sa kanila ang mga tables ng bisita, where will they be sitting, kung saan lulugar ang banda, placement of foods, at mga iba pang importanteng bagay.

"By the way, kasya ba iyong espasyo para sa bandang tutugtog? That space is only good for 5 members."- Tanong ko kay Denry habang itinuro ang posisyon ng banda. He nodded.

SEVEN YEARSWhere stories live. Discover now