"Niki! Gising na! Kanina pa may natawag sa phone mo, gosh. Naririndi na ako and can't you see nagaaral ako?" Gising sa akin ng maarte kong bestfriend slash condomate na si Sabrina.
Sasagutin ko na sana ang natawag sa phone ko pero pag sagot ko naman ay saktong baba naman nito sa pag tawag.
"Shet naman, tatawag-tawag tapos pag sinagot naman papatayin. Kitang kulang sa tulog yung tao." Reklamo ko. Tumayo na ako at lumabas sa kwarto ko.
Nasa lamesa si Sab nag uumagahan at mukhang nagaaral. May nakahain na ditong pagkain na bacon, corned beef at fried rice. Si Sab ang mahilig magluto sa amin at obviously, maagang magising kaya siya palagi ang nagluluto ng breakfast namin.
"Duh, ang tagal mo kayang sagutin." Sabat naman ni Sab. Naks, rhyming.
"Sagutin mo ha, kapag tumawag ulit. Maghilamos lang ako." Nag thumbs up nalang ito dahil nagcramming na naman sa pagrereview ang lokaret.
"Ayan napapala ng mga inom ng inom after class. Cramming, huwag ka kokopya sa akin mamaya ha!" Natatawang puna ko sa kanya dahil wala naman talagang quiz mamaya. Ginawa ko lang itong alibi kagabi para makauwi na kaagad ako.
"Che! Wala ka naman magagawa kung tumingin ako sa papel mo no, quiz lang naman 'to. Kaya pa habulin."
Pumasok na ako sa common bathroom namin dito sa condo. Mamayang alas nuebe pa ang pasok namin sadyang maaga lang kami nagising ni Sab palagi. Naka sanayan na dahil nung mga first-to-second year namin in college ay halos kamuntikan na palagi kaming malate.
Pareho kaming student ng Business Management sa Celestine University here in Manila. Rich kid si Sab and may mamanahin na business ng kanilang pamilya. Habang ako naman, I still have my dad with me but unti-unti ng nawawala ang mga business niya. First, tinakas ng business partner niya ang pera na ilalaan sana ng nila sa bagong project nila and the rest is history since nawalan daw ng tiwala ang mga shareholders niya.
Hindi na muling tumawag yung caller kanina kaya sinaluhan ko nalang si Sab sa pagkain.
"Taray, mukhang aral na aral ka na ha." Lingon sa akin ni Sab.
"Wala eh, basic lang naman yan. Huwag ka na magaral!" Kibit balikat ko dito.
"Anong 'wag eh last time di ako nakapagtake ng quiz gawa sa order mo sa starbucks! Nagpabili ka pa, kakainis ka talaga! Naalala ko na naman. Maligo ka na after mong kumain para maaga tayong makarating sa school." Sermon nito sa akin. Hahaha, paano kaya reaction nito mamaya pag nalaman na wala naman talaga.
Naligo na ako at nagayos muna habang hinihintay ko si Sab. I put some tinted sunscreen dahil ayoko ng sobrang mabigat na feeling sa mukha tulad ng foundation. I consider myself na maarte kahit sabi nila medyo walang poise raw ako gumalaw. Nag lagay ako ng kaunting blush gamit ang lipstick na maganda ang shade at syempre hindi mawawala ang brown eyeliner, mascara and my favorite liptint.
I have this mental note na don't forget na mag ayos dahil magmumukha akong katulong sa school. Ayoko naman na hahayaan ko ang sarili kong ma-down at ma-insecure sa kanila. Putting make-up somehow boosts my confidence and also enhances my beauty. Mayroon itong therapeutic effect sa akin. Actually, si Sab talaga ang nagturo sa akin ng mga kikay stuffs.
BINABASA MO ANG
Brazen and Buff
Comédie"You should act like your name, feminine and gentle, and not being brazen." He said. "Wow, always acting almighty. Sabagay, ganyan ka naman palagi. Acting cool and.." "And what?" "..Buff."