Chaper1 : Enchanted ♕

8 0 0
                                    

"Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face."
-Taylor Swift (Enchanted)

"Jam Veronica Perez" tawag ng teacher slash instructor slash trainor namin.

"Present sir." Sabi ni Jam at tinaas ang kanang kamay.

Second day na, at hindi na ako late!

"Acapella Harmony Montgomery" narinig ko ang pangalan ko na tinawag, kaya nagtaas din ako ng kamay. "Here Sir!" Sabi ko.

Yes, you read it right, I am Acapella Harmony Montgomery. My friends call me Ella. Di naman siguro obvious na mahilig sa music ang pamilya namin. Isang DJ ang papa ko dati bago siya nag negosyo at vocalista naman sa isang banda si mama. Wala akong kapatid kasi nahihirapan si mama magbuntis. Mayroon akong first degree cousin na itinuturing kong kapatid. Siya ay si kuya Rix, Lyrix ang totoo nyang pangalan. Siya ay isa sa mga nakaimpluwensya sa akin na mag guitara. Idol ko talaga siya, ang galing nya kasi lalo na yung finger style.

Kakagraduate lang pala namin ng high school last April.

"Okay guys, I'm not planning to be so formal in this class." Panimula ni Sir. "I just need your respect. I am Jerone Monticello. I am your trainor." Pakilala niya. "And he is Ryan Monroe, he is my assistant." Pagpakilala niya sa kasama niya, at kumaway naman yung pinakilala niyang si Ryan. "You can call us Kuya Ron2x and Kuya Yan2x" sina kuya Ron2x at kuya Yan2x ay mga nasa early 20's pa lamang.

Pagkatapos ng "getting to know you" or GTKY session ay nag simula na kami sa aming first lesson. Yun ay ang getting to know with the chords. Madali ko naman siyang na gets kasi nga alam ko naman yung iba sa kanila.

Breaktime.

Wala akong magawa, kaya nagplay nalang ako nung simpleng kantang itinuro sa akin ni Mez noon, ang Hawak Kamay.

"Hindi ka ba nagugutom Ella? Tara kain tayo, tas puntahan natin sila." Pagyaya ni Jam , na bored na siguro sa pagbabasa.

"Sige tara." Tinabi ko muna ang guitara ko, at tumayo.

Papunta kami ngayon sa area nina Mez, Key at Tune. Hindi naman ito gaano kalayo, mga 20 meters lang. We are half way na, at parang bumagal ang pag galaw ng mga bagay sa paligid. Nakatuon lang ang mga mata ko sa isang lalaking papalapit. Masaya siyang nakikipag usap sa kasama niya. Sa kanyang pag tawa, kitang kita ko ang dimples niya kahit 20 meters pa and distansya namin sa isa't isa. Ang kanyang mga mata ay parang mga bituin na kumikinang. Isa lang masasabi ko, gwapo siya. At parang nakita ko na siya, hindi ko maalala kung saan. Baka sa panaginip ko siguro. Sa isip ko ako ay napakanta.

This was the the very first page, not where the storyline ends
My thoughts will echo your name until I see you again
These are the words I held back as I was leaving too soon
I was enchanted to meet you.

I was back to reality when I heard a snap in front of my face. Nakita ko sa harap sina Key, Mez at Tune. Nasalubong nila kami nang hindi ko namalayan. "O-oy...nandyan na pala kayo." Sabi ko at ngumiti sa kanila. I glanced at their back, tinignan ko kung nandun pa ba siya.

"Sino ba nakita mo at nakatulala ka dyan? Parang nakakita ka ng multo." Sabi ni Tune at lumingon sa direksyon na tinignan ko.

"Ahh wala..hehe" sagot ko. 'San kaya yun napunta? Ba't siya nawala?

"Tara na kain na tayo." Sabi ni Key.

Siguro nga multo yung nakita ko. Marami pa naman akong naririnig na ghost stories sa paaralang ito.

"Tara na!" Sabi ni Mez. Nauna na silang maglakad. Bago ako sumunod sa kanila, lumingon muna ako.

"Kung hindi ka man multo, sana ay makilala kita."

Unsung MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon