First time, First day

41 0 0
                                    

Hay.. Mabuti nalang at may isang maganda Nika Velarama ang magaaral sa SLA dahil kung hindi ay kawawa naman ang school na ito. Walang ka chena chena, maliit lamang, at nuknukan ng sipsip ang mga students na nagaaral dito.


At eto na nga habang papasok na ako sa gate ay agad kong nakita ang mga estudyanteng aligagang aligaga sa pag hahanap ng kanya kanya nilang seksyon. Samantalang ako, nandito, at pa easy easy lang dahil bakasyon pa lang, ay alam ko na kung saan ang section at classroom ko. Well, fortunatley, napunta ako sa Grade 7-Sword room 205 at sa second floor ang classroom ko kung saan nandun lahat ng mga highschool students na ang yayabang, feeling maganda, papogi, at higit sa lahat, mapangasar! Yun ang unang dahilan kung bakit ayaw ko dito sa SLA dahil nasagap ng radar ko ang paguugali ng mga estudyante dito.

Habang paakyat ako sa hagdaanan ay ang daming nakabangga saakin na parang multo ako sa paningin nila. Sus! nakakita na ba sila ng multo na ganito kaganda? haha chena lang. Hindi ko mapigil ang sarili ko na mag tanong kung saan ang classroom ng 7- sword para lang makasigurado. '' um ate saan po dito yung classroom ng grade 7-Sword?'' tanong ko sa isang babae na mukhang nasa Grade 8 na yata siya. Hindi ko alam kung natakot ba siya saakin o sadyang tanga lang siya para talikuran ang isang magandang dilag na katulad ko. IMPAKTANG babaeng yon! sineenzone ako! nag mukha tuloy akong tangengot sa harap ng maraming tao na nakatayo sa corridors. Di bale nalang, at least maganda ako. Pumunta na ako sa room 205 dahil nakakasigurado naman ako na yun talaga ang room ko.

Pag pasok ko ay nakita ko ang iba kong kaklase medyo kakaunti pa lamang sila marahil naghahanap pa ng room ang iba ko pang mga kaklase. At umupo naman ako sa upuan malapit sa may pintuan. Umupo ako ng parang prinsesa at nagsalukbaba. Hinihintay nalang namin ang pagdating ng teacher namin dahil kompleto na kami.
Ayan na! andyan na siya. pag bukas ng pinto ay agad agad na nanahimik ang mga nagchichismisang babae sa gawing kanan ko.   '' Good morning class. I will be your adviser for this school year 2014-2015. I would like to start our first meeting with a prayer. Who likes to volunteer?''. Diyosmiyo inday de bakekang! English spokening dollar itong adviser namin! mangangailangan ako ng maraming tissue nito. '' Okay. If no one will volunteer, I'll just pick a name from our 7-sword list'' dugtugdugtug nararamdaman ko na ang heart beat ko. grabe, kinakabahan ako at baka ako ang mabunit ni maam. ''okay, Nika Velarama will lead the prayer. whoever you are please stand up and go infront to start the prayer.''. Sabi ko na nga ba e! ko yan! bwisit naman oh sa dinadami dami namin 36 na estudyante dito ay ako pa! okay eto na, habang naglalakad ako papunta sa harap ay biglang sumabit ang palda ko sa isang upuan. Nakakahiya.

Pag lingon ko ay nakita ko si Robert, ang dating valedictorian na humahagikgik sa kinauupuan niya. At dahil sa ginawa niya, nalakasan ang self confidence ko para mag lead ng prayer. ''Lord, you know that we always adore and glorify you. We are very sorry for the sins that we committed. Thank you for all the blessings that you have given us, for our classmates and our teacher for this school year 2014-2015. May you bless this school year with your loving hands for us to fulfill the goals and promises that we want to have. This we ask through Christ our Lord, Amen.'' kabog! keri ko naman pala e.

Bago ako umupo sa upuan ko ay nakita ko si Michelle, ang long lost friend ko na nakaklase ko noong prep hanggang grade 1 akalain mo yun? magiging magkaklase pala kami ulit. Binigyan ko siya ng sweetest smile ko at tinugunan naman niya iyon. Pag ka upo ko ay tinawag ng adviser namin ang pangalan ko. Bigla tuloy akong kinabahan na parang tumatakbong kabayo ang puso ko. ''Ms.Velarama?'' oh shooks. dugtugdugtug. '' Yes mam?'' sana wag negative yung sasabihin ng teacher ko. Naririnig ko nanaman itong nakakalokong heartbeat ko. '' I just want to thank you for offering us a very nice and sincere prayer. I love your confidence. Good job.'' hay buti naman at pinuri lang pala niya ako. '' Thank you maam'' ani ko sakanya habang tinitingnan ko si Robert with my evil smile tsaka nako umupo.

Me and my superstarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon