Inimbitahan ako ni Michelle na sakanila mag lunch. Gusto pa daw niya kase akong makakuwentuhan ng mas matagal pa. Namiss na kase ako ni friendship e at wala din naman akong nasasamahan kung sa school ako mag lulunch, kaya pumayag nalang ako. Gusto ko rin nama nsiyang makasama noh.
Kumain lang kami ng kunain hanggang sa umalis na dahil may pasok pa kami. Nang makarating kami sa classroom ay pinaupo ko si Michelle sa tabi ko dahil gusto ko siyang makakuwentuhan siya. Bigla akong napatingin sa kanan ko, at doon, nakita ko yung kaklase ko na maputi at may pagkagwapo rin. Hala!ang pinakamagandang dilag sa balat ng lupa! nalove at first sight. Shocks! Crush ko na siya. '' Mich, look at the guy sitting near to Robert. Is he handsome?'' tanung ko kay Michelle habang nakatitig pa rin ako sa lalakeng iyon. ''Puwede na. Mapute e.'' Medyo matipid ang sagot ni Michelle may katext kase siya e. '' Mich, crush ko siya takte. ang wafu ni fafa.''
Hindi na nakasagot si besty dahil dumating na ang A.P teacher namin, si Maam De Guzman. Siya lang naman ang pinaka matanda, pinaka matagal, at higit sa lahat, ang pinaka terror sa lahat ng teachers dito sa SLA. Timing talaga si maam D.G, kase gusto niya ay magpakilala kami isa isa. Yes! bigla nalamang akong napasuntok sa hangin. Dahil sa wakas ay malalaman ko na ang panlan ni mr wafu. Nang dumating na sa akin, nagpakilala ako ng simpleng simple atchaka naman sumunod si Michelle. Ilang minuto lamang, ay si mr wafu na ang nagpakilala. Ang swave ng boses niya. Habang sinasabi niya ang pangalan niya na 'John Jayson' pala ay kinikilig ako. Panay ang kurot ko kay Mich noon.
Pero nang magsalita na muli si maam D.G ay nanahimik na kami. ''Ang gusto ko, kapag pumapasok ako dito ay nasa mga upuan na kayo, gagawa ako ng seating arrangement PERO para lamang sa subject ko, ang A.P . Ngayon, tatawag ako ng dalawang pangalan,ang mga pangalan na mababanggit ko ay ibig sabihin ay sila ang magpapalit na puwesto.'' At ayon, binigay ko kay Michelle ang pinaka cute kong mukha na para bang hindi na kami muli pang magkikita.
Si Michelle ay hindi nalipat ng puwesto pero ang mas nakakagulat ay noong sinabi ni maam D.G na ''Nika at Robert, mag palit na kayo.'' Iyon ay kinalungkot ko sapagkat malalayo na ako kay Michelle. Pero ang ikinasaya ko na may kasamang nginig ay ang makatabi ko si John Jayson. Kinikilig na naman ako. dugtugdugtug ayan na naman si heart beat, tingin ko tuloy ay naririnig din ni John Jayson ang heart beat ko.
Habang nag lelecture kami ay nagpahinga muna ako saglit dahil masakit na ang aking kamay at pinatong ko ang kamay ko sa arm chair ko. Nagulat ako nang pinatong din ni John Jayson ang siko niya sa arm chair ko ay syempre, hindi ko na iginalaw ang siko ko na naka dikit sa sakanya. Napatingin ako sa mga paa namin at nakita kong magkadikit din naman itong mga to. Sinukyapan ko iya habang busy na busy siyang nag susulat at doon lang ako nagising na may mahaba pa palang lecture na naghihintay.
BINABASA MO ANG
Me and my superstars
Teen FictionNika Velarama is a girl who hated every thing. Her heart remained frozen after her first heartbreak. After transferring to a new school, will she find the guy that will mend her heart? Roberto Buenaventura is a smart guy who doesn't even know a sin...