My Best Friend

32 0 0
                                    

RingRingRing. Sa wakas at dumating na din ang pinaka paborito kong subject, ang RECESS. Pero hindi ko man nga lang alam kung kanino ko sasama e wala naman akong kakilala dito maliban kay michelle at ang mas masaklap ay hindi ko pa alam kung na saan at paano bumili sa canteen. Ang malas naman ng first day ko, Hindi ko alam kung sinong kakapitan ko, kung sinong mamahalin ko, kung anong gagawin ko, at kung bakit pa kita minahal! haha. drama lang. Pero sa totoo lang hindi yata talaga ako makakakain sa first day of school ko.

''Nika! kamusta ka na? ang tagal na kitang hindi nakikita ah!'' ani ni Michelle sa akin habang inaalog alog ang mga balikat ko. ''Ayus lang naman. Ikaw? kamusta ka na? Oo nga grade 1 palang tayo nung huli tayong mag kita'' sagot ko naman sakanya habang pinpalopalo ng likuran niya.

Sabay kaming kumain sa maliit na canteen ng SLA. Habangbkumakain kami ay nananitili ang katahimikan sa aming dalawa at nadama kong nahihiya pa siya saakin dahil sa ginawa niyang pag aalog kanina.

At para mabasag ang katahimikan sa amin ay ako na ang unang nag salita '' So how's your elementary life?'' ani ko sakanya pagkatapos kong uminom ng juice na walang lasa. ''It went good. How bout yours?'' wika niya. ''It went good. E yung love life mo?nag katuluyan na ba kayo ni Evan?'' tanung ko naman sakanya habang nakikita kong namumula ang mga matatambok niyang pisngi. ''ha? ang love life ko? ay pabayaan mo yung walang kuwentang bwisit na mapanakit na amosyon nayon. Si Evan naman kase,umm, kakabreak lang namin last month''.

Nakita ko ang panlulumo sa mga mata niya, yung tipong, parang kaka break lang kahapon? At upang maiwasan nalang ang pagiging malungkot ng masiyahin kong kaibigan ay pinalitan ko nalang ang topic namin. '' Ay oo nga pala, uy oh daming fafa. mag spot tayo, tara?'' at dahil doon, napalitan na ng ngiti ang kaninang nanlulumongbsi michelle. ''Hahaha. Ikaw talaga, sigina nga. tara.'' Nagpaikot ikot ang aming mga mata sa buong campus, pero dahi nag bell na ay bumalik nakami sa aming clasroom.

Habang paakyat kami sa hagdanan ay bigla nalang siyang bumulong sa akin na '' Ano ba yan. walang gwpong fafa dito. Mas guwapo pa ata si Robert sa mga lalake dito e'' at dahil sa sinabi niyang iyon ay kamuntik muntikan ko na siyang maitulak at masukahan. ''Eww! Yuck! yung lalaking kumag na yon na ang talino pero walang kaalam alam sa love? Yung bwisit na yon na pinagtawanan ako kanina? NEVER! over my sexy dead body!''

At tawang tawa siya sa mga sinabi ko. Pero hindi man lang namin napansin na nandito na pala kami sa tapat ng classroom. Ang saya talaga pag kasama ko itong kaibigan kong baliw tulad ko.

Me and my superstarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon