Sa lolo kong pinakamamahal
na ang ibinabalik rin ay pagmamahal
kusang loob na tumutulong gaya ng banal
laging dala ay biyaya galing sa may kapal
Sa lungkot na aming nadama ng sya ay bawian ng buhay
labis ang hinagpis ng bawat nabubuhay,
kamag-anak at lalo na ang kanyang minamahal
Sa pagsapit ng panibagong araw
palaging nasa aming isip na naroon lang sya sa kanyang kinauupuan at kumakaway.
sa tuwing nakikita nya na kami'y papalapit
kinukuha nya kaagad ang susi sa likod ng pintuan
at ibinabato sa amin para buksan ang nakasaradong gate o harang
Sa katunayan ang araw ng kaniyang kamatayan
ay ika-10 ng Disyembre
malunkot naming sinalubong ang pasko, maski ang bagong taon
sa unang pagkakataon na hindi namin sya kapiling
walang oras na hindi namin sya iniisip
at ngayon malapit nanaman ang kapaskuhan
siguro nama'y ang lahat ay napawi na ang kalungkutan
at hinagpis sa aming kapusuan
pero hinding hindi mabubura ang lolo naming mahal sa kaibuturan ng aming puso at isipan
kung nasan man ang lolo naming pinakamamahal
hiling namin na payapa sya at maligaya sa piling ng banal
at kaming naiwang nagmamahal
ipagpapatuloy namin ang kanyang nasimulan na pagtulong at pagmamahal
sa bawat isa....
A Grandfather who deserves a second life and a Long life..
but still we are happy because we all know that our lolo daddy is safe now w/ God . and he never get tired of pains and arrive to doctor every week..
To God Be The Glory

BINABASA MO ANG
Elehiya para sa Sumakabilang buhay na aming pinakamamahal na Lolo
Storie breviA man who Love his family for the rest of his life