Intro

247 11 1
                                    

"Mama kwentuhan nyo po ulit ako"sabi ng isang batang babae habang nakahiga sa kanyang kama at nakaupo naman sa tabi nito ang ina.

Hinimas ng ina ang ulo ng kanyang anak at binigyan ito ng isang mapait na ngiti"Sige anak,ano ba ang gusto mo?"

Natuwa naman ang batang babae sa sinabi ng kanyang ina"Gusto ko po yung tungkol ulit sa aso!"masiglang sagot ng bata.

Nag-alinlangan ang ina na iyon muli ang ikwento pero itinuloy nya parin dahil sa hiling ng kanyang anak"Sa ilalim ng isang magandang buwan naroroon ang mag-anak aso.Habang ang inang aso ay pinapanood kung paano nahihimbing ng tulog ang kanyang anak,Namumugto ang mata ng inang aso dahil inaalala nya ang kanyang anak--"natigil sa pagkwento ang ina dahil tulog na pala ang kanyang anak.

Tatayo na sana ang ina ngunit hinawakan ng anak nito ang kanyang kamay"Mama..ituloy nyo po"sabi ng bata habang nakangiti at nakapikit.

Itinuloy nga ng ina ang pagk-kwento.

"Iniisip nya kasi ang maaaring mangyari sa kanyang anak kung sakaling maiwan nya ito."natigil ang ina sa pagk-kwento at pinahiran ang nakawalang patak ng luha sa kanyang mata.

Nalulungkot syang isipin na kailangan na nyang umalis sa tabi ng kanyang anak.Dahil sa ayaw at sa gusto nya,mawawala rin naman sya sa tabi nito.Gumalaw ang kanyang anak kaya naman nagkwento syang muli.

"Gustuhin man nyang magpaalam sa anak habang gising ito,pero hindi pwede kasi alam nyang mahihirapan lang syang umalis." Sabi ng inang nagk-kwento habang pigil na naiyak.

"Naghahanda ng umalis ang inang aso--"naputol ang sinasabi ng nanay ng batang babae dahil bigla itong nagsalita.

"Hindi naman po umalis yung nanay ng aso sa kwento nyo dati"sagot ng batang babae habang nakapikit at ani mo'y nagsasalita ng tulog.

Napatakip ng bibig ang nanay ng batang babae dahil mas lalo syang naiyak sa sinabi ng anak.

"Masakit man para sa inang aso ang gagawin.Ay buong puso nya na lang tinanggap ang kanyang kapalaran,at tuluyan ng umalis sa piling ng kanyang pamilya." Pagtatapos ng kwento ng ina.

Tumayo ang ina ng batang babae at sumilip sa bintana ng kwarto ng anak.Doon ay natanaw nya ang tatlong aso.

Ang isang aso ay naglalakad papalayo sa dalawa pang aso na isang tuta na natutulog katabi ang isa pang aso.Na kung saan ay tulad na tulad sa tinuran nyang kwento.

Doon napagtanto nya na hanggang sa mga oras na iyon.Ay mayroon parin pala syang kakayahang magawa ang nga bagay na iyon.

Kaya't dali dali syang humanap ng isang papel at ballpen.Doon,ay isinulat nya ang mga katagang.

'Walang sino mang di pangkaraniwang tao o nilalang ang pwedeng makapasok sa pamamahay namin.Dahil ito ay may mahikang nagbibigay proteksyon sa mga nakatira dito.Habang sila ay nasa loob ng bahay na ito.Walang kahit na anong bagay o ano mang maaring magdulot sa kanila ng kapahamakan.Walang ano man ang pwedeng makapagtanggal ng proteksyon sa bahay na ito.Masusunog ang papel na ito matapos kong basahin.'

Pagkatapos na pagkatapos nyang isulat iyon ay agad nyang binasa.At sa isang iglap nagliyab ang papel na kanyang binasa at naging abo.

Alam nya sa kanyang sarili na kailangan na nyang magmadali dahil papalapit na ang oras na kanyang hinihintay.

Lumapit muli sya sa kanyang anak at
binigyan nya ito ng isang halik sa noo at inayos ang kumot,tsaka tuluyang tumayo at lumbas sa kwarto nito.


NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon