Chapter One

178 11 1
                                    

"Happy birthday to you~"

" Happy birthday to you~Happy birthday~Happy birthday~Happy birthday to youuu~"

Awkward akong napangiti sa mga tao sa paligid ko pagkatapos nila akong kantahan ng Happy Birthday.

Hinipan ko na ang sindi ng kandila sa cake ko.

"Happy 18th birthday JM!"

Binigyan ko ng isang pilit na ngiti si Shaina--kababata at best friend ko--sa pagbati nya.

"Salamat" na lang ang nasabi ko.

Hanggang sa sunod sunod na ang bumati sakin at kung suswertihin pa ako,yung iba may regalo.

Eighteen na ako.Grabe ang bilis ng panahon.Naalala ko na naman tuloy si Mama.

'Sampung taon na pala ang nakakalipas.'

Tanda ko pa non sya ang unang-unang bumabati sakin.Wala syang palya sa paghalik sa pisngi ko tuwing birthday ko,way nya din kasi yon para gisingin ako.

"Hoy!"

Napalingon naman ako sa kumulbit sakin.

'Si Caloy pala.'

"Jes?may problema ka ba?"tanong sakin ni Caloy--best friend at kababata ko din--dahil di ko sya agad nasagot.

Umiling ako bilang pagsagot.

"Sus!wala daw?nako kung alam mo lang Caloy.Nagw-wish lang ng lovelife yang babaeng yan." Pagbibiro ni Shaina.

Natawa na lang si Caloy sa sinabi ni Shaina.

"Baliw ka talaga!kumain na nga lang kayo,tara." Sabi ko kay Shaina at Caloy at tinungo namin ang sala.

Pagkarating namin don nakita ko si Papa na abalang abala sa paghahanda ng mga makakain ng bisita namin.

Siguro di na lalagpas ng 30 katao ang nasa loob bahay ngayon.Malapit kasi si Papa sa mga kapit bahay namin.Kilala nga sya sa buong baranggay namin e.

Simpleng handaan lang naman ang birthday ko.Di naman kasi kami mayaman at di ko na kailagan ng isang engrandeng birthday party.

Pinaupo ko muna sila Caloy at pumunta akong kusina para ikuha sila ng makakain.

Kumuha ako ng dalawang pinggan at nilagyan ng lahat ng klase ng handa ko.Tulad ng spaghetti,pansit,puto,at Kalamay.

Pabalik na ako sa sala at napukaw na naman ang atensyon ko sa tarpaulin na pinagawa nila para sakin.

'Happy 18th Birthday Jesusa Margeritta'

Natawa na naman ako nang mabasa ko ang pangalan ko at may picture ko pa sa baba.Nakakatuwa din na kahit papaano pina-tarpaulin pa nila.

'Nakakahiya siguro dun sa pinagpagawaan nila.'

"Ang tagal mo naman gutom na gutom na ako e!"reklamo ni Shaina.

"Ayan na nga diba?"sagot naman bigla ni Caloy.

Tinawanan ko na lang silang dalawa.Lagi naman silang ganyan.Magkakontra.Minsan nga iniisip ko baka sila ang magkatuluyan.

"Ano yang ngiting yan ha?" Sabay na sabi ni Shaina at Caloy at nagkatinginan pa sila.

"Wala,kumain na nga lang kayo."

Matapos namin kumain ay hinatid ko na sila sa labas ng bahay.

"Sige na,mag-iingat kayo ah?"sabi ko sa kanila pagkalabas namin sa compound namin.

"Kita na lang tayo bukas sa school.Happy birthday ulit Jes."sabi ni Caloy.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon