CROSSDRESSER #21: Angel

5.9K 337 21
                                    

Typo and grammatical error ahead!


# 21_Angel




"Damn it." Napamura ako. Gusto ko sanang kunin sa mga bisig ni Finn si Denden pero hindi ko na nagawa dahil agad nitong binuhat at mabilis na inilabas ng stage kasunod na sina Tito Dylan at tito Frank.

Naiwan na lang ako at hinarap ang mga tao na nandoon at ipinatigil ko na ng tuluyan ang buong programa.

Haharapin ko ang mga taong nakatoka sa mga pagsasaayos ng stage at bakit may ganun na nangyari. At sadya bang ang prinsesa ko lang ang pontirya ng mga iyon. At sino ang may pakana ng lahat. At iyon ang aalamin ko.

"Sino ang incharge sa pagsasaayos ng stage?" galit na tanong ko ng tinipon ko na lahat ng mga gumawa ng preperasyon.

"Kami po Master Angel. Pero hindi po namin ginawa ang bagay na iyon." Sabi ng isa na humakbang pa paharap sa akin.

"Then who the hell done this? Don't make me repeat my self. May mga mata ako kaya huwag niyong hintayin na ako mismo ang makakaalam kung sino dahil lahat kayo ay sangkot na dito kahit wala kayong kinalaman." Pasigaw na sabi ko sa kanila.

Ngayon na lang na naman ako nagalit ng ganito. Kahit na gustong gusto kong punatahan na ngayon si Denden ay kailangan ko munang tapusin ito.

"M-master Angel." Isang babae ang naglakad naman palapit sa akin at awtomatikong lumuhod na ito sa harapan ko.

"Say it."

"H-hindi po ako abg may gawa. Pero nakita ko po kung sino ang may pakana."

Tinignan ko lang ito ng matalim na tingin at hindi na ako nagsalita.

"Sina Carla po. Ang minsan nang gumawa din ng masama sa kanila noon. May inutusan sila para paghigantihan siya dahil sa pagpaparusa niyo noon sa kanila."mahabang paliwanag nito. "Ipagpatawad niyo master Angel dahil hindi ako agad nagsabi."

"Damn them. Hindi pa ba sapat ang naging parusa ko sa kanila noon. At nagawa pa nilang ulitin." Sabi ko saka ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan sina Jasper na abala sa kanya kanyang buhay at hindi nagawang dumalo sa programang isinagawa sa school.

"Gather some people in MC then tell them to catch Carla in no time."

"Carla?"

"No more question. Just do what I say."

"Okay." binabaan ko na ito at muli silang binalingan. "Just make sure that no one of you here na kakuntsaba si Carla dahil alam niyo ang mga parusang naghihintay sa inyo."

Mabilis pa sa kilos ko ang ginawa kong pagtalikod na muling hawak ang cellphone at si tito Dylan naman ngayon ang tinawagan ko.

"Tito, nasaan po kayo?"

"We are here in the house hijo."

"Papunta na po ako." Hindi tinanong kumusta na siya dahil ayaw kong mas mag alala ngayon dahil kanina pa ako nanginginig sa pag aalala ko sa kanya at takot na kung ano ang kalagayan niya.

Mabilis na pinasibad ko ang kotse ko patungo sa kanila at walang pag aalinlangan na deretsong pumasok sa bahay nila ng agad akong pagbuksan ng gate ng katulong nila.

"Kumusta na siya tito?" Agad na tanong ko ng marating ko agad anh silid niya na ngayon ay binabantayan siya ni tito Dylan at si Finn na ngayon ay masama na naman ang tingin na ipinukol sa akin.

"This is your fault. Kung dinoble check mo sana hindi siya magbibigla ng ganito." Si Finn na galit na galit.

"Tama na Finn, hijo. Wala namang may gustong mangyari ito sa kapatid mo."

✅MC2 ANGEL: I'm InLove With... The CrossDresser (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon