04

17 8 0
                                    

"Teka nga Ryle! May klase pa kaya ako!" Pumiglas ko sa pagkakahawak nito sa kamay nito.Grabe ang higpit nang pagkakahawak niya ah?


"I told you,pumasok ka man o hindi, pareho lang yun.Hindi ka kawalan sa klase niyo." Aniya tsaka ako hinila muli palabas ng LNU.Ouch lang ah? Edit niyo yan Miss A. Ayan nanaman tayo eh,exagge week ba ngayon?



"Hoy ano ka ba! Gusto ko kayang imentain yung grades ko!" Reklamo ko pa rito.Pero kahit anong pilit kong kumawala sa mga pagkakahawak niya sa braso ko ay wala paring magbabago.Sobrang higpit talaga!

Isang linggo naring akong pinipilit ni DG na dalhin sa ate niya.Lagi niya akong pinipilit na magcut ng klase.Pero dahil sineswerte ako nung mga nagdaang araw ay hindi natutuloy ang gusto niyang mangyari.

Isang linggo narin kaming pinagtitignan at pinagtsitsismisan ng buong Highschool department.Sa tingin ko nga ay kami na ang nasa latest news ng LNU Chixa's Page eh.

Isang linggo narin akong pinagdidiskitahan ng batalyon nila Maddie.Komo,sineduce ko raw si DG kaya naging boyfriend ko to.Hays kung alam niyo lang!? Personal Maid1 Personal maid! Alam niyo ba yon?! UGH!

Mas gugustuhin ko pang makapangasawa ng asong ulol mula sa kalye,kaysa sa lalaking to!

-Earlier that day-

"Dun ka na nga.Diba may klase ka pa!?" Pagtataboy ko rito.Paano ba naman kase ay kahit saan ako magpunta ay laging nakabuntot sa akin si DG.Tapos kapag siya naman ang may pupuntahan obligado pa akong sumama.

Eh ako naman tong si gaga,sumunod.Ewan ko ba,Nadadala na lang din yata ako kaya hindi ako nakakapagreklamo sa gusto niya! Aba naman,eh pano yung  mga kailangan ko pang tapusin at gawin? Wala pa kong naisismulan sa klase ni Miss Reyes!

Sabi ko na nga ba at napakaganda talaga ng plot ng storyang to.Kesyo,papagurin ako nung author tsaka ako ililibing ng pagod.Ang galing! HAHAHA charot lang! Baka mapaaga! 

Oh siya balik tayo sa storya.Masyado kayong nalilibang eh!

"I'll fetch you later Shifu,You have to come with me to ate.Doon nalang kayo kumain sa table namin.Isama mo na  Kenzie." Aniya sabay tinahak ang daan palayo sa room namin.

"Bye!" Pahabol ko rito.Saka tumalikod at inirapan siya sa ere.Sakto naman nung papaupo na ako ng hatakin ng kung sino man ang upuan ko."Aray,sakit nun ah.Hoy!" Inda ko tsaka hiniyawan yung pagmumukha ni Maddie.

"Hoy den!" Singit nung mukhang palakang kanang kamay ni Maddie.

"Hoy den sayong hindi main character ng storyang to!" Sigaw ko rito.Napamuwang ito at nagtaka sa sinabi ko.

"Storya? Pinagsasabi niya?" Tanong ni kanang palaka,este nung kanang kamay sa isa pa nilang pepetsuging alaga.

Kita niyo na? Hindi niya alam dahil hindi sila close nung author. HAHAHAH

"Ano bang kailangan niyo sakin?" Bulyaw ko sa kanilang lahat.Tinaasan naman nila ako ng kilay.

Yung iba naming mga kaklase ay wala namang pakialam,kesyo lagi naman nila kaming nadadatnan ng ganito dahil si Maddie lang naman tong lahat nalang tinutuunan ng pansin.Lahat nalang nahahagip niya.Yung totoo?

Cctv ka girl?

"Tell me." Panimula niya.Tinalikuran ko naman siya.Dahil rinding rindi na talaga ako sa kaniya.Paulit-ulit nalang ang mga tanong niya.Di ba siya nagsasawa?

Dinakip niya naman ang balikat ko kaya napaharap ako ulit sa kanya.Crush ba ko neto? Oh my! Di tayo talo!

"Kayo na ba ni DG?!" Bulyaw nito sa mukha ko.Ay bahala ka na nga diyan! Paulit ulit ka.Jusme!

Strings of Melody.(Teen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon