Chapter 1

23 5 1
                                    

Meet Again.

Yannah's POV

Nag-ring na ‘yong bell, hudyat ng first class.

Pumasok ako sa classroom. ‘Yong mga classmate ko, Ayun tahimik at nagbabasa lang naman ng mga libro. Ano pa bang bago? Syempre first section kaya ayun nagsisipag sila, nagpapasikatan at nagpapalamangan. samantalang eto ako pa-chill lang na para bang maning-mani na yung mga lesson pero ang totoo hindi.

“Good morning, class.”

‘yon na ang huling narinig ko mula sa teacher ko. Lumulutang na kasi ‘yong isip ko at baka nakarating na nga ko sa moon kakaisip. Hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kagabi at kung pa’no ko nakilala yung mga kupal na ‘yon. At kung ano ano yung mga ginawa ko kagabi.

Flashback…

Habang nag iinuman bigla nalang lumapit sakin yung naka leather jacket na may blue eyes. Dahan-dahan niya akong inakbayan at ayun...

Shoot! Naka akbay na ang kupal. Aalisin ko na sana kasi naiilang na ako ng biglang may nagsalita.

"Wag mo nang alisin minsan lang naman 'to. kaya mag enjoy nalang tayo." si kuya na brown eyes.

Tch!

Kanina pa kami umiinom dito at nag ku-kwentuhan pero wala man lang nagtatanong ng pangalan? Hayyys! ano ba naman 'to.

" Ako nga pala si Meikeir at ito naman si Ashiro kabigan ko" pagpapakilala nya at agad namang inabot ang isang kamay para makipag Shakehands.

Sa wakas nagpakilala na rin. Tch!

" I'm Yannah and this is my bestfriend Lani." pagpapakilala ko sabay abot din ng kamay para makipag-shakehands.

"Nice meeting you guys" nakangiting ani ni Ashiro. habang nakatingin kay lani.

Ay ganun? si lani lang?

" Nice meeting you too." Sabi ni lani nang nakangiti din---kay ashiro. |-_-|

I smell something. Huh!

Ayun na nga nag tuloy-tuloy na ang aming kwentuhan at the same time--- inuman--- syempre ano pa nga ba yun ang ipinunta e.
nagbibiruan pa sila. tapos ayun nahuli namin si Ashiro na nakatingin palagi kay Lani.

Ay iba din!

Ito namang isa panay ang akbay akala mo naman close kami. Sipain ko kaya 'to sa b*y*g? Tch!

Lasing na lasing na talaga ako diko na kaya nahihilo na ako. Lumapit sakin si Meikeir at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at...

Hinalikan ako. Hindi ko maigalaw ang katawan ko gusto ko siyang itulak at sapakin sa mukha dahil sa ginawa niya pero hindi ko magawa parang may Something na nagyari sakin. ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ayan inom pa Yannah!

Sinubukan kong tumayo at lumakad paalis nang bigla nalang akong natumba buti nalang nasalo ako ni Meikeir.

"Wag mo ng pilitin tumayo baka matumba ka nanaman." sabi nya habang hawak hawak parin ako.

"B-Bitiwan M-moko!" habang nanginginig ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Ihahatid na namin kayo." yun na yung last na narinig ko at bigla nalang akong nawalan ng malay.

...End of Flashback.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon