CHAPTER 7 ♥

128 19 0
                                    

ANGEL POV

"Oi! Drake .. Saan ba tayo pupunta?? Saan mo ko dadalhin??"
"Hoy!! Magsalita ka nga!!"

Hayss .. Kasalukuyan akong hatak hatak ni Drake Sungit dito sa Mall .. Oo sa mall nga! Mukha tuloy akong aso dito ..

Nahuli niya kasi ako kanina nung nagtangka pa akong magtago sa isang coffee shop dito sa mall para lang hindi niya ako makita .. Pero wala eh , nakita niya pa rin ako .. aishh >_< ..

"Akala ko ba sa bahay ni Dora ka pupunta?? Dito na ba sa mall ang bahay niya??" Tanong sakin ni Drake sungit na patuloy pa rin sa paghatak sakin ..

Ngek! Hindi ba obvious sa kanya na joke lang yung pagpunta ko sa bahay ni Dora .. Tsk! Naniwala naman siya sakin ..

Pero nakakainis siya! Wala siyang awa .. Hindi ako ginagalang!! Porket ba boss ko siya dapat ginagalang niya rin ako bilang Babae !!

"Oo dito na yung bahay niya .. Hindi mo alam?! Pero Teka lang ah?!" Bahagya kaming tumigil at tumugil din siya "Saan mo ba kasi ako dadalhin?!!" Inis kong tanong .. Eh kasi naman , minsan na nga lang ako maggala , makapunta ng Mall ulit at makasama ang Bestie ko pinagbawalan pa ako ng Drake sungit na to!! Napaka naman niya! Nasaan ang Hustisya! XD

"Manahimik ka nalang diyan .. Ako Boss mo , kaya ako ang masusunod" sabi niya tapos hinatak na naman ako .. Walang katapusang hatakan >_<

Bahala na nga lang siya diyan! Bahala na kung saan dalhin!! Mapa-heaven man o pa-hell ..

----

Makalipas ang 10000000 years , choss!! .. Tumigil kami sa super market ng Mall ..

"Gagawin natin dito??" Bored kong tanong at the same time naiinis .. sino di kaya maiinis sa Drake Sungit na to na hinatak ka lang naman dito sa Mall sa loob ng 10000000 years .. Tapos sa Super market niya lang pala ako dadalhin , di paagad sinabi sakin edi sana ako nalang mismo nagpunta mag isa , hindi yung hinatak niya pa ako .. Hayss , akala naman niya walang akong alam sa mga ganitong lugar ..

"Kumuha ka ng Push Cart!" Sabi niya tapos naglakad na siya palayo sa akin .. Pumasok na siya sa Entrance ng super market ..

Kaya kumuha nalang ako ng Push Cart na iniutos niya sa akin ..

Napaka Gentleman talaga niya no?!!! Walang katulad sa ibang lalaki .. Namumukod tangi siya sa lahat!

Pagkakuha ko nung push cart , sinundan ko na siya .. kaso nung biglang susunod na sana ako sa kanya , hindi ko na siya nakita!

bwiset! Mukhang maghahanap pa ako sa kanya ng magdamag dito ahh .. laki pa naman nito! .. kainis talaga siya!! Kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay , pinatay ko na siya kanina pa nung time nung hinahatak niya ako!!

"No choice Angel! Kailangan mo siyang hanapin! AJA!" bulong ko sa sarili ko ..

Nagstart ako sa may mga frozen products kaso wala siya ..

Sa may Condiments , wala din ..

Sa may jackfoods , wala din ..

Sa mga can goods wala din siya ..

San ba siya nagpunta?!
Punta na kaya ako sa security guard ng supermarket na to?! At ireport na nawawala Ang boss sungit ko?! Sa tingin niyo?! Hayss .. hindi pwede , matanda na amo ko .. Nagmumukha lang talaga siyang bata dahil sa ugali niya ..

"ATTENTION! ANGEL PEREZ , Mr Drake is looking for you , you may come here at security guard place of supermarket!!?"

"Ako yun ahh!" Nasabi ko sa sarili ko ..

Tsk! Ni-report niya talaga na nawawala ako ah! Hayss >_<!

Pumunta nalang ako dun sa Lugar ng mga Guard .. Nandoon daw si Sungit eh ..

Nung malapit na ako , nakita ko na si Drake sungit .. Yung mga Guard naman , mukhang nagpipigil ng tawa nung makalapit na ako sa kanila .. Problema nila sakin? .. Upakan ko kayo eh?! Gusto niyo?! XD

"Sir , akala ko naman po bata ang pinapahanap niyo .. yun pala------ hahahahahahahaha!!" At yun nga hindi na napigilan ng mga guard dito tumawa ..

Tiningnan ko si Drake Sungit .. Ayun nagpipigil din ng tawa ..

"HAHAHAHA!" Tulad ng mga guard dito na hindi napigilan ang tawa .. Tumawa na rin si Drake Sungit ng malakas ..

Tsss >_<! Humanda ka sakin Drake Sungit .. Napahiya ako ngayong araw at dito pa talaga sa mall ha?! Tsk!!

"Salamat po pala sa tulong! Sige alis na po kami .. Hahaha" sabi ni Drake sungit dun sa mga security guard ..

"Walang anuman po iyon sir .. Hahahaha!" - Security Guard ..

HA.HA.HA.HA.HA.HA. >_< .. Sana kabagan kayo lalo ka na Drake Sungit ..

"Tara na weird Girl , mamimili pa tayo!" Sabay iwan niya na naman sakin .. Nangunguna na naman siya ..

Sumunod nalang ako sa kanya habang tulak tulak yung push Cart ..

Hayss! Si Bestie Fany , saan na kaya siya nagpunta .. Kasi naman eh , napaka wrong timing ng Drake Sungit na to .. Ngayon pa nagyaya mamimili .. Hindi man lang ako sinabihan .. Tsk! Bigla bigla nalang nagyaya .. edi sana nasabihan ko yung bestie ko ..

Bestie maggala ka nalang mag isa .. next time nalang siguro tayo magkikita .. kaso kung may next time pa .. Hayss

Nasabi ko sa Hangin ..

"Hoy! Nakatunganga ka na naman diyan!!" Sigaw ni Drake mula sa di kalayuan sa akin .. Ang dami niya ng dala na napili niyang bilhin ..

"Ahh-ehh Eto na .. susunod na!!"

Nagmadali akong puntahan yung kinaroroonan niya .. Para nga akong bata na tulak tulak yung push cart eh .. Hanggang sa hindi ko napansin na may lalaking dumaan sa harapan ko .. O__O

Kaya ang nangyari~

*BLA---G*

"Aray!"

"Ouch!"

Kapwa kami napaupo dito sa sahig ng supermarket .. Parehas na nagdadaing ng sakit sa tiyan .. Kasi yung tulakan tumama sa tiyan ko ..

"Arghh .. sakit ng tiyan ko!!" Pagdadaing ko .. para kasi akong sinuntok .. tapos sa sikmura ako natamaan ..

"Shit! Are you alright?" Tanong sakin ..

Tumingala ako para tingnan yung lalaking nagtatanong .. Akalain ko sana na si Drake siya dahil sa pagsabi niya ng 'shit' pero sa pagtanong niya ng 'Are you Alright' , imposible .. Napaka imposible ..

"Okey lang ako" sabi ko at tumayo na hawak parin yung tiyan ko .. Tinulungan naman niya ako tumayo .. "BTW , sorry kasalanan ko .. hindi ako tumungin sa dinadaanan ko" nakayuko kong sabi .. Nakakahiya kasi na siya pa nagtanong kung okey lang ako ..

"It's Okey :) .. No need to say Sorry" sabi niya .. "By the way , I'm Troy :) and You are??" pakilala niya , sabay abot ng kamay niya na means shake hands ..

"Bat ba ang tagal mo?! Kanina pa kita tinatawag!!" sino pa nga ba .. Epal talaga tong Drake sungit na to .. "Tara na!!" Sabay hatak na naman sakin ..

"I'M ANGEL!! NICE MEETING YOU TROY!!!" Sigaw ko! .. "Kahit kailan talaga , epal mo no?!"

"Anong sinabi mo?!"

"WALA!!"

-----------

a/n: Hello Guyz .. Sorry sa matagal na pag update .. BTW , yung mga gustong magpadedication sa story na to .. Follow niyo muna me , vote kayo and PM niyo ko .. Then madedecation ko na kayo sa iba pang Chapter .. Yun lang Thankz! .. Dont forget to VOTE , COMMENT and SUPPORT this Story ..

Saranghae <3

My Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon