Chapter Thirteen

5 1 0
                                    

***





"Don't drink"





Bumungad samin ang main gate na puno ng dekorasyon, may lights narin at naririnig narin namin ang music na nang gagaling sa loob ng campus, ilang araw kaya nila 'to inayos.


"San ang mismong party?", tanong ko kay Kevin, naging tahimik lang kasi kami sa byahe at hindi ko naman ugaling pumunta sa graduation party dahil wala naman akong rason dati.


"Sa Auditorium. Mas malakas ang music doon eh at mas maluwag", ni hindi man lang niya ako tinitignan kanina pa


Pag baba sa kotse ay sinundan ko lang siya at ilang saglit pa ay nakita ko na sila Vicky, dumeretso agad kami sa entrance ng auditorium.


Ipinakita lang namin ang club ID namin at pinapasok na kami ng isa sa membro ng council, si Kevin naman ay agad pinapasok dahil parte din siya ng council.

Pag pasok namin ay nakakabinging music agad ang bumungad sa amin. Ansakit sa tenga! Hindi lang normal na gathering party ito dahil nag mukha itong club. Mula sa nakaka binging music, iba't -ibang kulay na ilaw na parang disco lights, decorations, food catering at may mga alak pa!


"Woah! Antagal ko ng hindi nakaka party!", tili ni Vicky at agad hinatak si Van papunta sa gitna.


"Hoy! Teka, kayong dalawa, HOY!", sa sobrang bilis mawala ng dalawa ay hindi na nila narinig ang sigaw ni Austin. Marami na ang tao at ang gulo na ng paligid kaya paniguradong mahihirapan si Austin habulin ang dalawa.

Naiwan kaming dalawa ni Kevin at hinatak niya ang kamay ko "Bakit mo ba ko hinahatak?"


Natapat kami sa isang table na may mga pag kain. Binitawan niya ang kamay ko at nag simulang kumuha ng plato, "Kuha ka narin, hindi pa tayo kumakain kanina pa. Wag ka mag papalipas"


Dumeretso kami sa gilid kung saan may upuan at medyo hindi magulo, hindi ko alam kung anong oras na ngayon pero umiinit na ang party sa gitna.

"Tara", aniya at hinila nanaman ako papunta sa alon ng mga tao. Nang nasa gitna na kami ay humigpit ang hawak niya, mahigpit pero hindi masakit.

"Elle! 'come on, let's dance!", tawag ni Vicky habang patuloy ang pag sayaw niya kasabay ng tugtog.


Hindi ako mahilig sa parties kaya hindi ko alam kung anong dapat gawin sa gitna ng dance floor, buti nalang at hype na hype si Vicky at na papasabay nalang kami.


Ilang minuto na kaming lima na nag sasayawan at nag tatawanan sa gitna. Si Vicky ay walang tigil na sumasayaw, si Austin ay gumigiling-giling pa kaya naman hinahampas siya ni Kevin sa katatawa tapos mag hahampasan na sila. Minsan nga iniisip ko kung ano ba talagang meron sa dalawang 'to? Ano bang issue? Kung minsan kasi ay halos puno ng puot ang mga mata nila kapag nag tititigan pero kapag mga gantong panahon ay magugulat nalang ako na para silang matalik na mag kaibigan kung mag kulitan.


Umalis ako sa dance floor dahil nag sisimula na akong mapagod kaya nag hanap ako ng mauupuan, nakita ko naman sa 'di kalayuan si Van na nakaupo din kaya lumapit ako


"Van, are you okay?", pag lapit ko kasi 'ay kita kong nahihirapan na siyang huming at hawak-hawak niya ang dibdib niya

"I'm Okay... Medyo... Medyo napagod lang...", para siyang kinakapusan ng hininga kaya't lumapit ako at inalalayan siya


"May hika kaba, Van?", it took her seconds before having the strength of answering me

"Oo eh... Ano kaba... Okay lang ako", hawak-hawak niya ang dibdib niya na parang pinipiga ito


Chasing Freedom Where stories live. Discover now