Chapter Nineteen

3 1 0
                                    

***


"Girl talk"


Isang linggo narin ang nakalipas matapos ang pangyayaring iyon. Matapos namin manggaling sa ice cream shop ay umuwi na agad kami.




Buong linggo ko'y nasa loob lang ako ng dorm at gumawa lang ng kung ano-ano. Si Van naman ay laging nasa ospital dahil daw sa kanyang lola samantalang sina Austin at Vicky naman ay naging busy sa pag-aayos ng negosyo nila at sa issue na nangyare. Pag dating naman sa aming dalawa ni Kevin ay mas lalong naging close ang samahan namin. Hindi ko alam kung ano bang namamagitan talaga sa aming dalawa dahil hindi pa naman namin iyon napag uusapan pero ang alam ko'y masaya ako at pakiramdam ko'y ligtas ako pag andiyan siya.




Papunta na ako ngayon sa campus dahil ngayong araw ilalabas ni kuya George ang huling sahod namin para sa nakaraang school year, malapit nadin kasi uli ang pasukan. At isa pa'y balak nilang i-report ngayon kay Dean ang lahat-lahat, sa totoo lang ay hindi naman na kailangan. Oo, nasaktan at nabatos ako sa ginawang iyon ni Bianca at ayoko sa nangyareng issue na kumalat pa sa University pero ayoko nang palakihin pa ang gulo at isa pa, masyadong malapit sa akin si Bianca na hindi ko ata kayang isumbong siya.




Ilang sandali pa'y lumabas na ako sa dorm at sakto namang nasa tapat na ng building si Kevin. Nakasanayan na namin na si Kevin ang nag hahatid-sundo sa amin ni Van dahil sina Austin at Vicky ang sabay na pumapasok. Bumaba siya sa kotse at may iniabot saakin.



"I don't know kung type mo ang mga ganto pero tanggapin mo nalang, baka sakaling mapagaan niyan ang iniisip mo", aniya sabay abot ng isang pirasong pulang rosas. Matawa-tawa ko itong tinanggap.




" 'San mo naman napitas 'to, aber?", sambit ko, hay nako Kevin, hindi mo na ako kailangang pilitin dahil tatanggapin ko naman ito basta galing sa'yo




"May bagong bukas na flower shop malapit saamin kaya naisipan kong dumaan",aniya at sabay kaming sumakay sa kotse.




"Asan nga pala si Vanilla?", tanong niya dahil kaming dalawa lang ngayon.



"Nasa ospital parin. Isang linggo na siyang andoon at isang beses lang ata siya umuwi sa dorm para kumuha lang ng gamit", sagot ko, naabutan ko kasi si Van noong isang araw na umuwi, ang sabi niya'y kukuha lang siya ng gamit at babalik din agad para sa lola niya. Mukha siyang pagod at puyat noon kaya hindi ko na kinulit pa, siguro'y todo talaga ang pag babantay niya sa kanyang lola.



"Ganoon ba? Enrolled na ba siya?" tanong muli ni Kevin


"Oo ata, sabay kaming nag pa-enroll last week. Agad nga lang siya nag paalam dahil maaga siya sa ospital noon."




Ilang saglit pa ay nasa campus na kami. Nag paalam si Kevin na mauna na daw ako sa club room dahil may kailangan pa siyang asikasuhin sa council. Sinunod ko ito at dumeretso sa kwarto ng grupo. Naabutan ko doon si Vicky na naka tutok na naman sa kanyang laptop.



"Magandang araw, ang seryoso mo namang tignan", bati ko at nagulat siya na nasa harap na niya ako, hindi niya siguro napansin ang pag pasok ko.




"Inaayos ko lang ang ipapasang report kay kuya para sa issue na ginawa ng kaibigan mo... What's her name again?", aniya habang binibigyang punto ang salitang "kaibigan" na may sarkastikong tono.



"Bianca...", mahinang tugon ko at tumango naman siya. "Vicky?..."



"Hmm..."




"Wag na natin siyang isumbong kay Dean...", agad na iniangat ni Vicky ang paningin niya sa akin.





"Why?", kunot-nuong tanong niya.



Chasing Freedom Where stories live. Discover now