A short Story about the unconditional love of a father

81 2 1
                                    

This short story may give you a lesson in life and in valuing the unconditional love of our father. ENJOY and reflect the essence of my story!


-----------

Ako nga pala si Narcelo,isang construction worker.Mababa lang ang sweldo ko kaya di sapat para magkasya para sa pamilya ko.Kaya minsan rumaraket ako para pandagdag sa pambili ng pagkain at gastusin namin.Hindi kami mayaman,hindi ako pinalad na magkaroon ng marangyang buhay ngunit sinisikap ko na makakain ng tatlong beses ang pamilya ko.Yung mahal ko nga palang asawa si Norminya,isang mananahi ng mga damit.Patak patak lang din ang kinikita niya dahil matumal magpatahi ang mga amo niya,yung iba nag alisan na rin dahil mabagal daw ang makinang pag-aari ng asawa ko.Wala naman kaming magagawa dun dahil wala naman kaming pambili ng bagong makina.Mas mahal pa iyon kaysa sa bahay na tinitirahan namin.Isang barong-barong lamang ang tinutuluyan namin ngunit sigurado akong matibay ang pagkakagawa nito dahil ilang malalakas na ang bagyong nagdaan ay di ito nasisira.Dahilan na rin siguro ng pagtutulungan namin sa tuwing may sakuna.May dalawa akong anak.Yung Panganay ko si Ninyo nakapag-asawa agad kaya masakit sa akin bilang isang ama ang talikuran ng isang anak,alam ko masakit din yun sa asawa ko ngunit di manlang iyon kumikibo.Matapos namin siya pag-aralin at buhayin ang isinukli sa amin ay puro hinanakit.Highschool palang siya ay nagloloko at nababarkada na.Nalulong din sa bisyo kaya pinahinto ko na dahil nasasayang lang ang perang inilalaan namin sa kanya.Tinitipid namin ang aming kita pangbaon lang nila pero wala eh natukso ang anak ko.Dumating nalang ang panahon na may dinala siyang babae sa bahay at sinabi "Tay,si Nina po.Buntis po siya dalawang buwan at pananagutan ko po iyon" Wala akong nagawa,nangyari na eh.Napagdesisyunan niyang lumayo sa amin dahil dagdag asikasuhin daw sila sa bahay.Iyak ng iyak si Norminya dahil umalis na ang panganay namin.Masakit sa akin ang pangyayaring iyon pero dahil ako ang tatay dito,kailangan ko magpakatatag para sa asawa ko at sa isa ko pang anak.Yung pangalawa ko nga pala si Natalia, limang taon siya noong kinuha siya sa amin ng tiyahin niya.Ipinaampon namin dahil malala ang sakit nito at di namin kaya ipagamot.Tinanggap namin ang kundisyong ibinigay ng kapatid kong babae na hindi magkaanak.Ipapagamot niya si Natalia ngunit siya na ang tatayong magulang nito.Sobrang sakit ng desisyong napili ko.Wala manlang ako magawa para sa anak ko.Alam ko naman na gaganda ang buhay niya kasama ang tiyahin niya.Pumunta sila sa ibang bansa dahil isang German ang napangasawa ng kapatid ko at doon na sila nakatira.Mahirap man saming mag-asawa ngunit wala kaming magawa.Di hamak na mahirap lang kami.Ngayon ay mahigit labinglimang taon na si Natalia,nagpapadala ng litrato yung kapatid ko at ipinaalam niya sa amin na hindi kami kilala ni Natalia bilang tunay na magulang,gustuhin man niya pero ayaw ng asawa niyang German.Ako bilang isang ama kapag may problemang dumadating sa aming mag-asawa responsibilidad kong solusyunan ito.Responsibilidad kong buhayin ang pamilya ko.Pinansyal ang pinakaproblema namin araw-araw kaya kahit na sobrang pagod na pagod na sa trabaho ay kailangan magpakatatag at dumiskarte para makauwi ako na may dalang ulam para sa aming mag-asawa.Noong una hindi ako sanay na sa tuwing uuwi ako ay walang makulit na anak.Palaging umiiyak ang asawa ko at iyon ang lalong nagpapakirot ng puso ko.Kaming mga lalaki,kapag nasasaktan kami di kami nagpapakita ng kahinaan kaya minsan idinadaan nalang namin sa alak kahit na gusto naming umiyak at mambugbog dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.Responsibilidad kong alagaan,mahalin at protektahan ang pamilya ko.Ang responsibilidad na panatilihing buo ang pamilya at bigyan sila ng maginhawang buhay ay ANG HINDI KO NAGAWA.Mahirap para sa akin na dalhin ang mga problemang iyon.Kahit na nahiwalay na ang dalawa kong anak sa amin ay gabi-gabi ko parin silang ipinagdarasal dahil hindi ko na magawang protektahan sila.Ang pagmamahal ko sa aking pamilya ay habambuhay na babunin ko sa aking hukay.Mahal na mahal ko kayo.


"Ito ang huling sulat ng kuwaderno na laging bitbit at kasama ng asawa ko kahit saan siya pumunta.Hindi man ordinaryo sa isang lalaki ang magkaroon ng ganitong bagay ngunit sa paraang ito lamang maaaring maglabas ng hinanakit ang isang tao.Sa mga unang pahina naroon ang litrato naming lahat.Napakamahalaga ng kuwadernong ito para sa kanya,ni hindi ko manlang ito nahawakan at nahalungkat noong buhay pa siya.Nung naghihingalo na siya sa bahay at wala akong mahingian ng tulong sinabi niya sa akin "Malala na ang sakit ko,mas lalaki ang gastos kung magtatagal pa ako.Mahal kong asawa sa iyo ko na iiwan ang kuwaderno ko.Mahal na mahal kita pati ang ating dalawang anak.Huwag ka mag-alala babantayan ko parin kayo" at matapos noon ay marahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata.Walang tigil ang pag-agos ng luha ko sa mga oras na iyon.Niyakap ko siya ng sobrang higpit.Humingi ako ng tulong sa mga kapit-bahay namin.Napaka mapagmahal ng asawa ko,laking pasasalamat ko parin sa Diyos na siya ang ibinigay niya sa akin.Maraming salamat sa lahat ng nakiramay at tumulong sa amin."

Bumaba na si Aling Norminya sa lugar ng pinagsasalitaan ng pari sa simbahan.Isa isa nilang pinatakan ng holy water ang kabaong ni Mang Narcelo.Naagaw ng atensyon nila ang pagdating ni Ninyo kasama si Nina at ang anak nila.May hawak na laptop si Ninyo at naroon ang isang video call ni Natalia na umiiyak.Alam na rin niya ang lahat dahil ipinaliwanag na ito ng tiyahin niya ang naging sitwasyon.Nakakapagsalita ito ng Tagalog dahil may katulong silang isang Pinay.Gulat na gulat si Aling Norminya at lalong bumuhos ang mga luha nito.Niyakap niya si Ninyo at lumapit ito sa kabaong ni Mang Narcelo"Ama,patawarin niyo po ako,imbis na ako ang tutulong sa inyo ako pa ang nagbigay problema sa inyo.Kung.. kung maibabalik.. ko lang a.ang lahat.Di ko manlang kayo nayakap at napasalamatan noong buhay ka pa.Mahal..na..mahal ki po kayo ama huwag po kayong mag-alala aalagaan ko si..si ina" niyakap naman ito ng asawang si Nina.Inilapit naman ni Manang Norminya ang laptop sa kabaong ni Mang Narcelo sapat lang na makita ni Natalia ang mukha ng ama "Daddy Narcelo,uhmm Mah..haal na mahaa.a.al ko po kayo" Nailibing ng maayos si Mang Narcelo.Magaan ang pakiramdam ni Manang Norminya dahil kasama niya na sina Ninyo at ang pamilya nito.Si Natalia ay uuwi sa katapusan ng buwan upang bumisita sa ina.Ngunit doon parin ito sa tiyahin niya titira dahil may kontratang pinirmahan sila.Tanggap na nya ang naganap na pagpapaampon sa knya lubusan niya nang naintindihan ang lahat at siya ay nakasurvive sa malubhang sakit matapos ang mahigit isang taong treatment sa kanya.Ang kuwaderno ni Mang Narcelo ay nakalagay sa altar ng bahay nila katabi ng isang Bibliya.Isang katanyagan bilang isang tunay na ama ang ipinakita ni Mang Narcelo.Kaya kayo,na kasama niyo pa o buhay pa ang inyong AMA,TATAY,PAPA,DADDY,DAD,PUDRA,FATHER o kung anu man ang tawag ninyo sa kanya,IPARAMDAM NA MAHAL NIYO SILA HANGGAT MAY PAG-ASA PA.

To motivate me to make more stories just comment! I hope you like it and after reading this story you've learned and realized alot! :* Mwamwa!
-kareninay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unconditional Love of a Father (Ang Kuwaderno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon