"Bilisan mo nga Kuya" iritableng ani ni Elvie ang nakakabata kong kapatid.
"Wag masyadong excited at baka hindi pa matuloy."
Sa araw na ito ay bibisitahin namin ang puntod ng mga magulang namin.
Enero 16, 1997 ang taon na sabay namatay ang magulang namin dahil sa hindi pang karaniwang trahedya.
Nagulat ako sa busina. "Elvie!" Sigaw ko upang marinig niya. Inirapan lamang ako nito at nakasandal sa sasakyan.
"Tara na nga."
"Yehey!" Masigla nitong ani ng sumakay at nilagay na ang seatbelt.
Napailing na lamang ako sa sobrang saya nito sa biyahe.
Kinse anyos na siya ngayon at sobrang kulit nito. Hindi na niya na kasama mga magulang namin dahil tatlong taon pa lang siya ng mawala sila.
"Andito na tayo." Mahina kong ani at niyugyug ang balikat nito.
Nagising naman at mabilis na bumaba. Sumilay sa kanya ang kasiyahan. At tumakbo papunta sa kung saan ang puntod nila mama.
Nilapag ko ang mga bulaklak at sabay namin sinindihan ang kandila.
"Pasensya na Mama, Papa ngayon lang kami ni Kuya nakabisita dito sa inyo. Masyado kasi si kuya busy sa kung ano ano at sa studies ko na din."
Napangiti ako at tahimik na nakinig kay Elvie.
Kinuha nito ang mga medalyang nakuha niya sa mga napanalunan na patimpalak sa paaralan.
"Ang dami ko pong achievements. Nanalo ako sa Maraming Quiz bee at sa Scrabbles. Sana maging Proud po kayo saakin at kay Kuya." napipiyok na boses ng kapatid ko. I hugged her.
" Proud naman talaga sila saiyu lalo na matalino kapatid ko."
"Talaga Kuya? Safe at Masaya na din sila sa Heaven kapiling ni God diba kuya."
Tumango tango ako. Kinurot ko ang pisnge nito. "Oo naman. Kaya pag butihin mo pa yan lalo. Para may regalo ulit ako."
Tinitigan ako nito ng nakanguso at saka ngumiti.
"Lagi ka naman may regalo saakin ah"
Napaisip ako. "Ano ba iyun?"
"Syempre pag alaga sa cute at matalino mong kapatid. Okay na iyun na gift mo"
Natawa ako. " sus nang bola pa."
" totoo kaya. Promise" ani nito na parang nag papanata.
Ginulo ko buhok nito saka kami nag tawanan.
Mahigit dalawang oras din kami nandoon dahil na rin sa kagustuhan ni Elvie. At minsan lang naman kami makapunta dito kaya hinayaan ko na.
Napaka Presko ng hangin at sumasabay ang magulo kong buhok sa daloy ng hangin kaya isinuklay ko ito gamit ang kaliwa kong kamay.
"Kuya kailan ulit balik mo?" Banggit nito.
"Hindi ko pa alam." ani ko at binuhay na ang makina ng sasakyan dahil aalis na kami.
"Matagal ba ulit? Ingat ka ah" ani nito. Binaling ko madalian tingin ko sa kanya para tumango.
"Wag mo bibigyan ng sakit sa ulo si Nana Josefa. At matanda na iyun baka ano pa mangyari." Paalala ko dito.
"Opo. Hindi naman kaya at tsaka ang bait bait ko kaya."
Napailing na lamang ako.
"Lukas! Mabuti nalang nandito ka na at kanina ka pa hinahanap ni pinuno."
YOU ARE READING
Astrid
VampireHave you ever know your purpose in life? Did you ever ask yourself why are you born in this world? Me? ... All I know is to live a happy and contented life. What papa always tells me is that when the time comes, When the moon above says whether I li...