Prologue

22 2 1
                                    

"AAAAH!" sigaw ng isang duguang lalaking nakalupasay sa sahig. Nakakadena ang dalawang kamay sa likuran. Hinahabol ang kanyang hininga. Sinusubukang labanan ang sakit na nadarama.

At isa pang hampas ng latigo ang pinakawalan ng isang taong nakatago ang katauhan sa likod ng itim na maskara. Makikita mo sa kanyang nakasilip na mga mata ang kasiyahan sa pagpaparusa sa kanyang biktima.

Isang hampas pa, nasundan ng pangalawa, at walang tigil na ang pagpitik ng latigo sa katawan ng pobreng biktima. Wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng latigong humahampas sa isang katawang konti nalang ay malalagotan na ng hininga, ungol at sigaw ng lalaking namimilipit sa parusang mapanakit , at, ala demonyong tawa ng isang walang awang nilalang.

Tumigil ang nakamaskara. Marami ng bahid ng dugo ang kanyang damit na suot. Tinitigan nya ang kanyang biktimang konti nalang ay bibitaw na.

"Ta-tama na. maawa ka." lumuluha at nagmamakaawang sambit ng lalaking nakalupasay.

"Hahahahaha. Wala kang karapatang magmakaawa at kaawaan! "

"Si-sino ka ba? Sino ka't pinaparusahan mo'ko ng gan'to?" Bakas sa mukha ng lalaki ang galit at pagtataka na sa kabila ng sakit, ay nagtyatyagang makapagbitaw ng mga salita.

"Sino ako?" Tanong ng taong nakamaskara at unti unting tinanggal ang tila ba harang na tumatago sa kanyang mukha.

Nang tuluyang mahubad ang maskara ay naaninag ng biktima ang anyo ng kanyang tagaparusa. Napadilat sya nang mapagtanto nya kung sino ang tao sa likod ng itim na maskara. Bakat sa kanyang mukha ang pagkabigla. Di s'ya makapaniwala. Hindi.

"I-i-ikaaaw?" puno ng galit at pagtataka.

Hindi na sumagot ang taong ngayo'y wala ng maskara. Muli ay hinigpitan niya ang hawak sa kanyang latigo, may nakasungaw na malademonyong ngiti sa gilid ng kanyang mga labi. Handa ng tuluyan ang kanyang kaawa-awang biktima.

Naghanda s'ya at binitawan na ang panghuling hampas.

"HUWAAAAAAAAAG!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The SleuthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon