Chapter 20 part 2

82.7K 1.7K 46
                                    

Chapter 20 part 2

"Jessie, si Emer ba ang kausap mo?" malumanay na tanong ni Lourdes sa anak.

Hindi namalayan ni Jesica na nakalapit na pala ang ina sa kinauupuan niya. "Yes mom, kumusta na ang pakiramdam mo?" may pag-aalalas a boses ni Jesica habang mataman niyang tinititigan ang ina. 

"Lalo lang akong magkakasakit kung nasa loob lang ng kwarto at isa pa naaalibadbaran ako sa ama mo." nakaingos na turan ng ginang. 

"Ang mommy talaga, if I know kinikilig ka kasi laging nasa tabi mo ang daddy ngayon." sabay kindat pa ni Jesica sa ina. 

"Tigilan mo ako sa kalokohan mo."saway ni Lourdes dito. "Bakit ayaw mong pasabi kay Dennis ang tungkol kay Venice? Nagkita na sila sa Singapore di ba?" umupo sa tabi ng anak si Lourdes.

"Mommy, alam naman ninyo yang si Emer masyadong taklesa baka masabi niya pa mismo sa asawa niya na kaharap si Vincent." umiiling na paliwanag ni Jesica. Kilalang kilala na niya ang kaibigan.  

"Anak, naisip ko lang naman.." hindi alam ni Lourdes kung paano sisimulan ang gustong sabihin kay Jesica. 

Tahimik na nakikinig si Jesica sa susunod na sasabihin ng ina. Nararamdaman niya ang pag-aatubili nito. 

"Jessie, parang unfair na yata kay Vincent ang mga nangyayari. Imagine hija, almost everybody knows about Venice pero siya na ama ay walang kaalam-alam." tinatantiya pa rin ni Lourdes ang anak. Sa ilang araw niyang pamamahinga ay nakapag-muni muni siya tungkol sa sitwasyon ng anak. 

Napakunot ang noo ni Jesica dahil hindi niya makuha ang pinupunto ng ina. "Mommy, ilang beses akong sumubok na kausapin siya noon para sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko pero pinagtabuyan niya ako. Sana naman maintindihan ninyo ang nararamdaman ko." nagpapaunawang paliwanag ni Jesica. 

"Iniisip ko lang naman si Venice." sabay hawak nito sa kamay ng anak. "Para kay Venice hija, naaawa ako sa apo ko. Lumalaki siyang walang kinikilalang ama."

"I'm scared mom." bumigay na rin si Jesica. 

"Ano ang kinatatakot mo? Nandito ako, lagi akong nasa tabi ninyong mag-ina." bilang isang ina nahihirapan din si Lourdes na nakikitang namomoroblema ang kaisa-isa niyang anak. 

"Paano kung kunin niya ang custody ng bata sa akin?" 

"He will not do that. Nakausap na namin ng daddy mo sina Francis at Divina." 

"Mommy, we're not sure yet. Alam naman natin na mas maimpluwensiya ang mga Almonte. Madali lang nilang makukuha si Venice sa akin." 

Napapailing na lamang si Lourdes. "Hindi naman namin papayagan na darating sa ganung sitwasyon." 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon