Chapter 1

2.7K 46 0
                                    

Bella

Lumabas ako ng aming tahanan para manguha ng gulay na iluluto ko mamayang tanghalian. Simple lang ang uri ng pamumuhay namin rito sa isla. Malayo man sa sibilisasyon ay masaya kaming namumuhay ng pamilya ko dito.

Ang mga ninuno ko ang may-ari ng maliit na islang ito. British expat ang ninuno ko na nakapangasawa ng isang Pilipina ayon sa kasaysayan ng mga ninuno namin. At dito na rin sila nagsalinlahi.

Nag-iisang anak lamang ako ng aking mga magulang. Ngunit kahit solong anak lamang ako ay hindi naman ako nalulungkot. May mga pinsan naman akong nandiyan lagi sa tabi ko simula nu'ng mga bata pa kami. Lahat kami ay dito isinilang at lumaki sa isla. Dito na rin kami nakapagtapos ng pag-aaral hanggang high school. Dahil may sariling eskuwelahan ang isla. Isang Christian community school at meron ding Christian church kung saan kami nagsisimba ng pamilya ko tuwing linggo. Kasali din ako sa choir na kumakanta every Sunday.

Pangarap kong makapag aral ng kolehiyo sa siyudad. Matagal ko ng pangarap yun. At gusto kong maging isang Flight Attendant balang-araw. Gusto ko kasing libutin ang buong mundo.
Kahit kelan kasi hindi ko pa naranasan ang makarating sa ibang lugar. Dito na sa isla umikot ang buhay ko.

Ang problema ay hanggang pangarap na lamang 'yon. Isang pangarap na malabong matupad kailanman. Hindi naman kami mayaman para makapag aral ako sa isang malayong lugar. Isa pa, malulungkot ang mga magulang ko kapag napalayo ako sa kanila.

Pumalaot sa dagat ang aking Itay at ang Tiyuhin ko ngayong araw para manghuli ng isda. Pangingisda kasi ang hanapbuhay ng karamihan sa mga taga rito sa isla. Pero ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay bumalik na sila agad dito sa 'min. Laking gulat ko ng makitang may buhat-buhat silang lalaki na walang malay-tao.

May mga pasa at sugat sa katawan nito. Nagkumpulan ang mga tao dito sa isla nang makita ang walang malay na lalaki. Sa tantya ko ay nasa twenties na ito.

Malaki ang kanyang pangangatawan, matangkad, maputi at matangos ang ilong. In short, gwapo ito. Pero ano kaya ang nangyari sakanya? Nakisali na rin ako sa kumpol ng mga taong curious sa nangyari sa lalaki.

Dinala na siya ng aking Itay at Tiyuhin dito sa medical clinic ng isla para mabigyan ng pangunang lunas. Hindi parin siya nagkakamalay. Mukhang malala ang tinamo niyang mga sugat sa katawan.

Ilang araw na rin ang lumipas pero wala pa ring malay-tao ang lalaki na nakahiga sa kama ng clinic. Si Itay ang madalas magbantay sakanya. Kung minsan ay ako kapag nangingisda na si Itay.

Humahangos na nagtungo si Itay sa bahay namin. Napatigil ako sa aking ginagawa. Abala kasi ako sa paglilinis ng aming tahanan.

"Bella, anak, nagising na ang lalaki," hinihingal na sabi ni Itay.

"Talaga po, Itay? natutuwang tanong ko at nabitawan ang hawak kong walis tambo. Mabuti naman at nagkaron na siya ng malay. Lahat kami ay nag alala sa kalagayan niya.

"Oo, 'nak, kaya lang wala siyang maalala kung bakit napadpad siya dito," malungkot ang tinig ni Itay. Nakakaawa naman ang sinapit ng isang estrangherong yun.

Base sa nangyari sakanya ay malamang naaksidente ito sakay ng eroplano. Milagrong nakaligtas siya sa tiyak na kamatayan. Pero wala siyang maalala kung sino siya at nasaan ang pamilya niya. Nagkaroon siya ng amnesia dahil sa tinamong head injury.

"Where the hell am I?" he shouted loudly. 

Pinuntahan ko kasi siya sa clinic upang makita ang kalagayan niya. Muntik na akong mapatalon sa gulat sa lakas ng kanyang boses. He scared the hell out of me.

"Who are you?" Nakakunot-noong tanong niya sa 'kin.

"I'm Bella...Bella Smith. Wala ka ba talagang naaalala sa nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ko.

Island Girl Meets City's Handsome BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon