Chapter 2 - Antipatikong Tukmol Na Unggoy

297 20 7
                                    

Kakalabas lang ni Roni ng gate nila nakita nyang magkasamang naglalakad ang magpinsang Borj at Tom. Tumingin sya sa oras dahil hinihintay nya na dumating ang pinsan nya na si Rina upang mamasyal silang dalawa sa Mall. Namiss niya ito ng sobra dahil ngayon lang ulit sila makakapag- bonding kaya excited sya.

Unang kita pa lang niya kay Tom ay nagka crush na sya agad dito, Matangkad kasi ito at ang cute ngumiti na para bang feeling nya ay magkakasundo sila nito at may kilig syang naramdaman  habang nakikita nya itong palapit.. ni hindi man lang niya pinansin ang kasama nito na si Borj.

Si Tom naman ay alanganing ngumiti kay Roni habang palapit sila.

"Ano kayang nangyayari sa babaeng ito.. tulala habang nakatingin kay Tom but infairness bagay sa kanya ang suot nya, dalaga na talaga ang kababata ko.. - tuwang tuwa sa isip ni Borj

Ehemm - Borj na nakangisi

Saka pa lang tiningnan ni Roni si Borj, ang kontrapelong kapitbahay at kababatang si Borj, ang tukmol na unggoy na dahilan kung bakit sa murang edad niya ay naranasan agad niyang makunsumi.

Simula kinder pa lang sila konsumido na sya sa lahat ng kalokohan ni Borj sa kanya, Ewan ba nya wala na lang itong nakitang asarin kundi siya. 

Lumakad na siya. She maintained a pleasant face trying to ignore Borj, unang una ayaw niya na kinakausap ito sa mismong harapan ni Tom, dahil sambakol na ang mukha niya ngayon pa lang.

Ngunit kagaya ng inaasahan niya, bago sila tumapat sa kanyang kinatatayuan ay nagsalita si Borj. 

Hi Ronibabe, Saan ba lakad natin ngayon at nakabihis ka ata? iirapan sana ito ni Roni pero ayaw niya na makita ito ni Tom, pangit na impresyon ika nga, hindi pa sila pormal na nagkakakilala ay ganun pa ang makikita sa kanya.

"Pinag-iisipan ko pa kung i-grant ko yung request mo? dagdag ni Borj. Huminto ang mga ito ng mapatapat sa kanya.

Nalito si Roni, "R-request ko?" Wala naman syang natatandaan request niya mula dito at lalong lalo malabong mangyari siya ang lumapit dito

"Oo, yung request mo na ako ang maging First Kiss mo?"

Dapat nagduda na siya sa hilatsa ng pagmumukha nito kanina. Ang kapal talaga ng lalaking tukmol na ito! "Antipatiko!"

"Thank you." Animo papuri ang sinabi niya dito at hindi tungayaw. Abot na ata hanggang sa magkabilang tainga ang ngiti nito. "Matagal ko na alam na simpatiko ako, salamat talaga. Kung hindi ba naman, magre-request ka ba sa akin na ako magbigay sa'yo ng first kiss mo?" hehe

Pinaningkitan ng mata ni Roni si Borj, gusto niya itong sigawan at pagsalitaan na magpapakita ng pagkainis niya dito ngunit nahiya sya kay Tom, hindi pa sila nagkakakilala ng lubusan tapos ganito pa, tingin niya kasi mas magkakasundo sila nito kaysa sa tukmol na si Borj. Umalis na lang si Roni at sya na lang para pumunta sa bahay ng pinsan niyang si Rina. Habang si Tom hindi alam kung paano magrereact.

Pinsan, ano ka ba naman bakit inasar mo si Ronalisa? mukha naman syang mabait -  naiiling na Tom 

Tinawanan lang siya ni Borj, ok lang yun pinsan - Borj



Nakasimangot na Roni ang nabungaran ni Rina, "O, anong nangyari sa'yo? bakit ganyan ang mukha mo? - Rina

"Ay kasi naman pinsan, may antipatikong tukmol akong nasalubong kanina bago ako pumunta dito, ang kapal ng mukha ng unggoy na yun!! "Kakainis!" - Roni

Natawa ang pinsan nya, sanay na sanay na siya pag ganyan si Roni, alam na alam na din nya kung sino ang tinutukoy nito.. Naiiling si Rina. "Bakit, ano na naman ba'ng ginawa sa'yo ni Borj? - Rina

"Sabi ba naman sa akin, pinag-iisipan pa daw niya kung ibibigay niya 'yong request kong first kiss sa kanya."

Lalong natawa ito, "Ano?"

"Kita mo naman diba kung gaano kakapal ang pagmumukha ng tukmol na yun, ako pa talaga ang magre-request sa kanya ng first kiss, heeehhhh never!!! napakaimposible niya talaga pinsan.. hindi ko na alam gagawin ko para lang tigilan na ako ng lalaking yun - Roni

"Ang dami mo naman tawag kay Borj, Antipatikong tukmol na Unggoy hahaha, ang gwapo namang Antipatikong tukmol na Unggoy nun - Rina

Pinsaaaaannnnnnn - Roni

Pinsaaaaannnnnnn - Roni

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

End of Chapter 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

End of Chapter 2

Hit the  🌟🌟

Comment din kayo 🤗

Follow nyo din ako para sipagin gumawa 

thank you.. 💕💕

Kailan pa ma'y IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon