"Cora, haven't you eaten your breakfast? Focus, Ms. Watson. Focus! You are posing for a huge magazine. 'Di pwedeng papatay-patay," sermon ng photographer.

"Sorry po," iyon lang ang naisagot ko.

Matunog syang bumuntong-hininga't dagling binagsak ang mga balikat. "Okay, 10 minutes break," usal nya na halatang dismayado.

Agad na lumapit sa akin si Melanie, assistant ko. "Okay lang po ba kayo, Ms. Cora? Lately po kasi parang sobrang tamlay nyo po," she said full of concern. Nginitian ko sya saka nag-thumbs up.

Bumuntong-hininga sya. Halatang 'di kumbinsido.

"Sya nga po pala, may appointment po kayo with Ms. Ruby Ann Rocco ng FlipRocs Footwear mamayang 12PM. Tapos, with your cousin po, Ms. Chelsea Watson ng The Closet around 3PM and with Mr. Claro Casas ng GloC around 5PM po. Regarding po yon pareho sa endorsements nyo sa bagong nilang products. Then, dinner po with your dad, Mr. Oliver Watson ng 7PM," habol nya.

"Wala na bang ibibigat yan, Mel?" umiirap kong sabi sa kanya. Nakakawala ng lakas marinig ang nilalaman ng busog na busog kong schedule.

Bahagya syang natawa, "Actually, miss, may gym session ka po today with Ms. Anj ng 8:30."

Ugh! Dapat pala hindi na ko nagtanong.

Melanie excused herself after discussing the to-dos for today. May kailangan daw syang tawagan.

Ang paghakbang nya palayo ay sya namang lapit ng mga stylist upang i-retouch ang aking kolorete sa mukha at ayusin ang aking buhok.

"Madam, parang ang haggard-haggard mo naman lately," komento ng make up artist kong si Mikey.

"At least ako, lately lang. Ikaw every single day," balik ko sa kanya sabay irap kunwari. Umakto naman itong nagulat at nasaktan. Pigil naman ang tawa ni Abby na syang hairstylist.

"At least, madam, kahit napaka-haggard nitong mukhang 'to, may fafa yan. E ikaw? Fresh nga always ang feslak, tagtuyot naman ang perlas," bwelta nya.

Hay naku, Mikey! Kung alam mo lang, bakla.

Hindi na ko nakasagot sa kanya ng tumikhim mula sa gilid naman ang photographer, si Neli.

"Cora, kung hindi mo aayusin pwede ka namang mag-quit na lang habang maaga pa. H'wag mong sayangin ang oras ko at ng team ko sa pagpapabebe mo," hataw ni Neli sa harap mismo ng style team ko, saka walang pakundangang lumakad paalis.

Salamat sa effort mong mag-'ehem' at sirain lalo ang mood ko.

Mabilis akong ginapangan ng hiya. Ito ang unang pagkakataong nagkalat ako sa shoot.

Hindi ko naman ginustong sumama ang pakiramdam ko't magkaganito. Duh!

Binalot na ng katahimikan sina Mikey at Abby, tila nakaramdam din sila ng hiya at awa para sa'kin matapos akong pagsalitaan ng gano'n ng photographer.

Maya-maya pa'y nangibabaw na ang boses ni Neli. Hudyat na magsisimula ng muli ang shoot.

Pinilit kong ayusin ang trabaho ko nang hindi na mahataw muli ng mga salita ni Neli.

Kaibigan ko sya, sa totoo lang. Ngunit kapag nasa studio kami ay wala syang kinikilalang kaibigan o kahit kamag-anak.

She's a real professional.

"Kaya mo naman palang ayusin, e. Kailangan mo pang masampal," usal ni Neli matapos ang shoot. Nginitian ko sya't humingi ng dispensa sa pagkakalat ko. Nginitian nya lang ako pabalik saka tumulong na sa kanyang team sa pagliligpit.

Argh! Nakakahiya talaga iyon.

"Ms. Cora, tayo na po? May meeting pa po kayo," si Melanie.

Naglalakad na kami palabas ng studio ng makaramdam ako ng hilo. Napatigil ako sandali, maging si Melanie at ang bodyguards.

"Ma'am!"

"Kuya Rico, pakikuha na po yung sasakyan, bilis po!"

Ang natataranta nilang mga boses ang huli kong narinig bago ako hilahin ng dilim.

The Sun's ReflectionWhere stories live. Discover now