Panimula

33 0 0
                                    

DISCLAIMER!!

This book is work of fiction. The names, places, scenes and incidents are made by the Author's mind, experiences and imagination.

All Rights Reserved.


Third Person's POV

“Hermyn, hindi na sila ligtas dito” sabi ng isang Reyna.

“Nasisiguro akong susugod sa ano mang oras ang kapatid ko si Sera” dagdag muli nito.

“Kung ganoon ay kailangan natin silang ilayo, Muriel” sagot ng Hari sa kaniyang Reyna.

“Kung kinakailangan ilayo sila at mailigtas sila ay gagawin ko, napakabata pa nila upang ilayo ko sila saatin ngunit ito ay kinakailangan.” sagot ng Reynang si Muriel.

“ang kapatid mong si Milan ay nais patayin ang mga anak natin, ang kapatid mong si Sera ay nais kang patayin at makuha ang trono mo, asawa ko”  sabi ng Haring si Hermyn.

“Nais karin niyang maagaw sakin” sabi nito “Mahal ko ang mga kapatid ko, bilang nakakatanda sakanila kaya kong magsakripisiyo maayos lang ang aming pagsasama muli. Kung ninanais niya ang trono ay hindi ko maaaring ibigay sakaniya dahil may sinusunod tayong patakaran. Hermyn, asawa ko, kung ikaw ang kaila--”

“Muriel, kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na ipagpapalit kita, hindi rin sumagi sa isip ko ang saktan ka. Patawarin mo ako ngunit hindi ko maaaring sundin ang kagustuhan mo” sabi ni Hermyn.

“Ngunit hindi na ligtas ang mga anak natin, wala nakong maisip na paraan para magkaayos pa kami ng mga kapatid ko”

“Muriel, ikinasal tayo sa harap ng iyong bathala na sinasamba konarin, nangako ka na mamahalin mo ako, pero anong nangyari at ganiyan ang iyong naiisip?. Isa kang Reyna, ginawa kang Reyna ng iyong ina dahil may angkin kang talino, lakas, katapangan, na may tiwala sa sarili, at mapagmahal sa iyong kapwa. Maraming paraan, Muriel. Idadala ko sila sa aking mundo mas ligtas sila doon” sabi nito at lumabas sakanilang silid ng asawa.

Natigil at naiyak si Muriel dahil sakaniyang mga sinabi naisip niya na labis niyang nasaktan ang asawang si Hermyn. Kinagabihan ay lumabas ito at hinanap si Hermyn sa palasiyo at na tagpuan ito sa hardin ng kaniyang ina.

Dahan dahan itong lumapit at inakap ito mula sa likod.

“Hermyn, patawarin mo ako sa mga nasabi ko kanina. Iniisip ko lamang sarili ko. Hindi ko na naisip ang labis mong mararamdaman patawarin mo ako. Sobrang naging makasarili ako.” at naiyak itong si Muriel.

Humarap si Hermyn at tinignan sa mukha ang asawa at pinunasan ang mga luha sa kaniyang mukha.

“Shh...tahan na, mahal ko. Alam kong nasabi mo iyon dahil nais mo lamang ang kaligtasan ng mga anak natin, hindi ka naging makasarili, at sa oras na iyon ay hindi lang sarili at kapatid mo ang iniisip mo kundi ang mga anak mo, at ang magiging kaligtasan ng palasyo. Mahal na mahal kita”

“mahal na mahal din kita” saka hinalikan ang asawa ang inakap ang isa't isa.

Ilang sandali ay muli silang pumasok sakanilang silid at ipinatawag si Ames ang lalaking kapatid ni Muriel. Ang ikatlong nakatatanda sa magkakapatid.

“Ames, ipinatawag kita dahil may hihilingin akong pabor.” sabi ni Muriel.

“Magandang gabi, Ames. Maupo ka” bati ni Hermyn.

“Magandang gabi, Hermyn.”

“nagpadala ng sulat ang kanang kamay ni Sera. Binibigyan niya ako ng ilang pang mga panahon para maghanda at magisip” sabi ni Muriel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isa Kang MahikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon