Chapter 25

963 21 1
                                    

Kahit nakabalik na sila ng Manila, hindi pa rin nawawala ang excitement na nararamdaman ni Leigh. Even Nicole was thrilled after knowing everything that had happened in Cebu. Naalala pa nga ni Leigh ang sinabi ng kaibigan.

"Gosh. Sana nag-yes kana lang Leigh! Sa kasalan din naman kayo hahantong. Pinatatagal mo pa diyos ko."

She smiled while recalling Nicole's words.

"You must be remembering something funny," sabi ni Stella kay Leigh.

Kasalukuyang nasa apartment ni Stella si Leigh. After knowing the truth, she decided to pay Stella a visit. Kailangan niya humingi ng paumanhin sa inasta niya noon. God knows how rude she was.

"Hindi naman. Sana hindi ako nakakaabala sa'yo Stella." Umiling at ngumiti lang si Stella sa gawi niya.

"Ang totoo niyan masaya ako para sa inyong dalawa ni sir Phil. Alam kong kayo talaga sa huli ang para sa isa't isa."

"Gusto ko ngang humingi ng pasensya sa'yo Stella. The last time, I said mean words to you. I was very jealous and insecure kaya patawad talaga."

Tinanggap naman ni Stella ang paumanhin ni Leigh. Leigh totally misunderstood the whole situation. Phil explained to her everything. And for the record, he's not the father of Stella's child. Nalaman lang ni Phil at naawa sa sitwasyon ni Stella kaya sinamahan niya ito sa hospital para magpacheck-up one time nung sumakit ang tiyan nito.

Even the snowglobe. May explanation din sa Phil about it. Nakakatawa nga dahil it turned out na christmas gift pala 'yon ni Phil sa secretary bilang siya ang naging secret santa nito. Late na nga ito naibigay ni Phil dahil nakalimutan niya.

Stella gently rubbed her growing tummy. "Nanghimasok din naman ako sa relasyon niyo ni sir. Pinangunahan ko kayo. Ang gusto kasi mangyari ni sir Phil noon na tapusin na ninyong dalawa ang pekeng relasyon ninyo para makapagsimula kayo ng bago. Yet my question came out wrong kaya ayon."

Pareho silang napangiti. Looking back, nagpadala talaga sa emosyon si Leigh. Nag-assume agad siya. Ngayon lang din niya narealized na tinalo pa niya si Phil sa pagiging manhid. Ibang level ang pagka-dense niya. She misunderstood a lot of things from the past. Nadamay pa ang inosenteng si Stella na tumulong lang naman kay Phil. Pero curious si Leigh kung bakit umiyak ito one time during the dinner date.

"If you don't mind me asking... back then, doon sa restaurant. Why did you get teary eyed?"

"Ah 'yong time na 'yon?" natatawang sambit ni Stella. "Na touch lang ako nang sobra. Habang pinagmamasdan ko kasi kayo ni sir sa malayo para kayong nasa fairytale. Even a girl like me is hoping to experience that kind of moment even once in my life... Ang drama ko no? Must be the pregnancy hormones."

They talked about random things and Leigh gained a new perspective towards Stella. Sobrang positive ng outlook nito sa buhay. Kaya kung sinong ungas man ang nang-iwan kay Stella sana malunod ito sa kanal!

After a while, Phil arrived. Sinusundo nito si Leigh. May movie date kasi silang dalawa. And Leigh was elated. Nagagawa na nila ang typical na ginagawa ng mga couple na nagde-date. Normal na lang sa kanilang dalawa na gawin ito at hindi na pakitang tao.

"So how did it go?" Phil asked after greeting Leigh with a kiss. Ito pa ang nagkabit ng seatbelt niya. May romantic bone yata na biglang tumubo sa katawan ni Phil.

"It was fine actually, and...." she prolonged the last word. "It's a surprise na hindi ka nagkagusto kay Stella. I mean, she's such a nice girl at masipag sa trabaho."

Phil glanced at her quickly before frowning. "Are you weaving something weird in your head right now? Your wild imagination seems to be really improving these days you know."

Let's Fake this for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon