Chapter 1: First Day

12 1 0
                                    

Jack's POV

Nasa bahay ako ngayon at naghahanda ng pumasok sa school. Mag-isa lang ako sa bahay dahil nasa trabaho si Papa at Mama.

"Oy Jack, bilisan mo malelate na tayo." sabi ng kabigan kong si Kein na nasa labas ngayon at naghihintay sakin.

"Oo, wait lang Mr. Keino Kairy, malapit na ako matapos dito."

"Sige, basta bilisan mo hintayin nalang kita sa kotse"

Nagmamadali na tong kaibigan ko kasi first day namin sa highschool at ang maswerte pa ay magkaklase kami.

Tumatakbo na ako papuntang kotse nya. "Napakatagal mo naman pre" sabi ni Kein.

"Uso kasi maghintay, tsaka antagal pa bago magsimula ang klase. Hiningal tuloy ako." sabi ko habang nakahawak sa dibdib at naghahabol ng hininga.

"Ano kaba pre, the earlier the better. Tara na nga"

Pumasok na ako ng kotse at nagsimula na sya magmaneho.

~~~~~~~~~

Nandito na kami sa school at mukhang onti palang ang tao dito. Tinignan namin ang bulletin board para hanapin kung saan ang room namin.

"Kein dito pala tayo sa 7C."

"Tara punta na tayo dun."

Pagkapasok namin sa room, tatatlo palang ang tao dito. Dalawang babae at isang lalaki. Yung dalawang babae ay nagkekwentuhan at yung isang lalaki naman, nakasalpak yung mukha nya sa armchair at syempre yung tatlo na yun nasa likod. As usual naman ganyan naman lagi ang mga bago pa sa school, laging sa likod umuupo.

Kami naman ni Kein pumwesto na kami sa bandang likuran rin at tinanggal yung nakasabit saming bag. Naisip naming mapagkwentuhan yung alamat na Phoenix Sage.

"Oy pre diba marami kang alam tungkol dyan sa Phoenix Sage na yan? Naguguluhan parin ako dyan sa Phoenix Sage na yan, ano ba talaga yun?" sabi ni Kein.

"Ano kaba pre? Ilang beses ko na sinabi sayo kung ano yung Phoenix Sage ah." Paano kasi nung elementary napagkwentuhan namin yun ng paulit ulit pero lagi nyang nakakalimutan.

"Paano kasi, hindi naman talaga ako interesado dyan sa Phoenix Sage dati kaya di ako nakikinig pag kinikwento mo, di ko nga alam kung bakit naging interesado ako ngayon eh."

"Yung Phoenix Sage, isa 'yung pinaka malakas na kapangyarihan, kaya nya kontrolin ang 5 main elements."

"Eh ano naman yung 5 main elements na yun."

"Fire, Water, Earth, Air, tsaka Thunder. Malalaman mo na Phoenix Sage ka kung kaya mo yung limang elementong iyon tsaka kulay asul yung mga kinacast mong elements."

"Ahh ganun pala yun." sabi ni Kein na halatang naguguluhan parin hanggang ngayon.

Ewan ko ba dito kay Kein, matalinong tao naman to pero napakaslow.

"Umm, Jack? Panong kulay asul?"

"Ano bayan Kein. Napakaslow mo talaga."

"Sorry naman, pano ba kasing kulay asul? Yung parang may liwanag sa kamay na asul tapos magtitira ng kahit anong elemento?"

"Yung apoy kulay blue, yung thunder kulay blue rin tapos yung iba kulay blue rin."

"Eh pano naman sa earth, yung bato kulay blue".

"Di ko nga rin alam eh, basta ayun lang alam ko. Nihindi panga ako nakakakita non eh."

Isang oras nalang klase na kaya madami dami na ang tao dito sa klase. Yung iba nagkekwentuhan, yung iba naman nag ce-cellphone at yung iba nagbabasa ng libro.

Dahil naboring kami ay nag punta muna kami sa cafeteria para kumain at tumambay. Madami dami narin ang mga tao dito kasi nga isang oras nalang magsimula ang klase.

~~~~~~~~~

Pumunta na agad kami sa room pagkatapos naming magkwentuhan mukhang kumpleto na kami dito. Pumwesto na kami sa upuan namin kasabay ng pagdating ng guro namin.

"Ako nga pala si Mrs. Nora Montes at ako ang magiging inyong adviser at MAPEH teacher ako rin ang tutulong upang malaman ninyo ang inyong kapangyarihan"

Naexcite naman ako dahil dito ko na malalaman ang kapangyarihan ko. Nung bata palang ako ay gustong gusto ko na malaman agad ang kapangyarihan ko.

"Bago nyo malaman ang inyong kapangyarihan ay syempre kailangan natin palakasin ang pisikal nyong katawan at mental nyong kaisipan. "

Nagdiscuss lang si Mrs. Nora kung anong mangyayari samin sa mga susunod na araw dito sa school namin. Sinabi nya rin na hindi na magiging normal katulad nung mga bata kami ang buhay namin once na magkaroon na kami ng kapangyarihan. Dito na magsisimula ang extraordinary adventure ko bilang isang taong may kapangyarihan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Phoenix SageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon