'Ingatan mo siya...
Binalewala niya ako dahil SAYO!'
-Michael Dutchi Libranda*PAKKK!!!*
"WHAT THE HELL?!"
Gulat na gulat na sigaw ni Zack pati ang malandi niyang kasama ay napapasinghap at matalim na nakakatitig sa'kin. Nakapout lang ako at nagkunwaring naglinis ng kuko. Hinayaan ko pa silang makarecover sa nangyari bago pa ako puputok sa galit.
"SHIT, ARE YOU OKAY BABE?!"
Nag-aalalang tanong ng slut at hinawakan ang namumulang pisngi ng aking minamahal na si Zack. Sarap balian ng kamay ang slut na iyan na malayang nakahawak sa mahal ko. Kainis.
Well, para sa kaalaman niyo, sinampal ko lang naman ng napakalakas si Zack my loves sa gitna ng campus ng school para mag papansin at magdrama. Kunwari nahuli ko siyang may kasamang iba at ako naman ang syotang niloko niya. Nagsalubong ang mga kilay na hinarap ko silang dalawa. Ang lalandi ng dalawang 'to dito pa talaga sa harapan ko maglalampungan.
"HIYANG-HIYA NAMAN AKO SA PAGLALANDIAN NINYONG DALAWA! MGA WALA KAYONG HIYA! ANG KAPAL NG MGA MUKHA NIYO! NILOLOKO NIYO PA AKO NG PATAGO!" Sigaw ko sa kanilang dalawa at tinuro si Zack."AT IKAW ZACK? NAGAWA MO PA TALAGA ITO SA AKIN AT TINUTWO TIME MO AKO!"
Di ko napigilang umiyak at namula ang aking mukha sa galit. Remind me to get my crown of BEST ACTRESS at kukunin ko talaga iyon,swear. Haha!
Nagtataka si Zack at nangunot ang noo. Napataas naman ng isang kilay ang lintang babae na kung makakapit sa braso ng aking mahal ay para na siyang toko na hindi na makawala. Hinapit naman siya ni Zack sa bewang. Kaya alam kung nagdiwang na siya sa kaloob-looban,swear. What a flirty li'l bitch!
"Ano bang pinagsasabi mong babae ka?!Sino ka ba sa inaakala mo?I don't even know you!Fuck!"
Iritang singhal ni Zack sa'kin habang hinahaplos-haplos naman ni linta ang kanyang pisngi kung saan ko sinampal. Sakit naman ng view,'di ko alam kung saan ako titingin. Para akong sinampal sa katotohanang di niya ako mahal.
Kumirot ang puso ko bigla sa sinabi niya at nagtuloy tuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Nag balik-balik sa isip ko ang mga salitang 'I don't even know you!I don't even know you!I don't even know you!I don't even know you!I don't even know you!I don't even know you!'.Shit! Di ko mapigilang mapakuyom ang aking mga kamao. Sino nga ba ako sa inaakala ko?Ako lang naman ang babaeng matagal ng naghahabol sa kanya.Nagsmirk lang si linta sa kanyang nakitang nasasaktan ako.
Sobrang sakit talagang magsalita ng mga taong mahal mo ng todo pero WALA NAMANG PAKIALAM SAYO!
Si Janessa Klarenxhia ang kasama niya. Bestfriend ko noon pero hindi na ngayon. I know it's sounds cliche pero wala akong kaalam alam noon na may pagtingin rin pala siya ni Zack at huli na ang lahat nang malaman ko yun. Napansin siya kaagad ni Zack pero ako'y nakatulala lang sa malayo at walang magawa. Naging sila sa madaling panahon. Simula noong naging sila,naging parang anino na ang ang kanyang trato sakin. Parang madali lang sa kanya na itapon lahat ng aming mga pinagsamahan. Di ko alam kung totoo ba siya sakin noon o nagpapanggap lang. Kasi ako sobrang loyal ako sa kanya. Sinasabi ko pa lahat ng aking mga sekreto pero ganito lang pala ang iganti niya sakin,sa lahat ng mga mabuting bagay na ginawa ko para sa kanya.
Nakita kong pinalibutan kami ng maraming estudyante sa eksenang sinimulan ko kani-kanina lang. Yung iba pa nga 'y dali daling binunot ang kanilang mga cellphone sa bulsa para mag video. At magiging dahilan iyon para tuluyan akong masira sa lahat ng mga tao dito. I really love him that even my reputation,willing kong i-give up. Willing kong isugal basta lang mapansin niya ako. Pathetic ba? I know. Ganyan talaga pag magmahal,para kang tanga.
"GANUN?DI MO NA AGAD AKO KILALA?GANUN NALANG BA YUN?I-DENY MO AKO SA HARAP NG MARAMING TAO?WALA NA BA TALAGA AKONG KWENTA PARA IBALEWALA HA?!!ANG SAKIT ZACK!PARANG BINARIL MO NG PAULIT ULIT ANG AKING PUSO!"
Napahagulhol ako at parang nagdagsaang langaw ang mga estudyante sa binitawan kung salita. Sobrang ingay ng kanilang mga bulong at sigaw.
"Hoy,Rheina Zagrallane! Huwag ka ngang mangarap ng gising dyan. Alam naman natin na ako ang pinakamaganda at nag-iisang girlfriend ni Zack. Bakit ba ang epal-epal mo sa pagmamahalan naming dalawa?Di ba pwedeng maging masaya ka nalang dahil masaya na ang mahal mo sa piling ng iba?Di lang basta 'iba' kundi sa dating bestfriend mo pa!!"
Galit na sigaw ng pakrang Jane kaya mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao dahil doon,tila ba'y ilang libong langaw na nagtitipon tipon.
Walang hiyang Jane!Sinisira niya ang diskarte't plano ko. Hinila ko bigla si Zack sa kanya at diretsa ko itong hinalikan habang naka pulupot ang dalawa kong braso sa kanyang batok.
"OH MY GOD!!"
Napasinghap ang mga manonood sa ginawa ko pero wala na akong pakialam. Tinulak ako agad ni Zack at nagulat ako dahil dun at ako'y labis na nasaktan.Tinitigan ko siya ng mga nasasaktan kong mga mata. Hinawakan ko naman siya sa kanyang kaliwang kamay.
"Zack." I called out his name."Please be with me. I really love you. "
I just confess to him and I can't see any emotions to his eyes. Instead,he gave me this cold stare that makes my heart broken.
"Sorry but the feeling is not mutual." His gaze was on mine but his expression is blank and cold."Lumayo ka sa'kin!Di mo ba narinig ang sinabi ko kanina na hindi kita kilala at mas lalong HINDI RIN KITA MAHAL!?HA!!BAKIT BA ANG TANGA MO?!!!"
Malakas na inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Hindi ako nagpatinag dahil doon. Nilapitan ko siya at hinawakan sa pisngi. Puno ng pagmamahal na tinitigan ko siya pero nandidiring tingin lang ang sinukli niya sa akin.
"Zack please....."
Umiyak ako sa harap niya at nakikiusap. Nabigla naman ako nang pinaglayo kaming dalawa ni Zack sa isa't isa.-----
A/N:Thanks for reading. I really appreciate it. Just leave feedbacks and don't forget to vote if you love it. Thank you.
BINABASA MO ANG
😢Binalewala😢
Short StoryThis Short Story is all about sadness and pain. Craziness and betrayals. A girl whose name Rheina Zagrallane who's trying to be strong but still ended up crying alone. She experienced an one-sided love. Ang saklap diba? Kaya samahan niyo siya sa is...