Ingatan mo siya

6 1 0
                                    

       Napatigil sila nung naglakas loob akong tumayo at hinarap silang dalawa ng nakangiti. Nanlaki ang mata ni Jane na makitang parang hindi ako apektado.

"Kung yan talaga ang gusto mo,Jane.Wala na akong magagawa. Malakas ka sakin eh,mahal na mahal kita,kaibigan ko. Pero sana ay ingatan mo siya binalewala niya ako dahil sayo. Nawalan na ng saysay ang pagmamahal. Na kay tagal ko ring binubuo. Na kay tagal ko ring hindi sinuko. Pasensiya na kung masyado akong papansin,alam mo naman ako na sobrang makulit at hindi madaling sumuko lalo na't mahal ko ang gusto kong maabot. Pero para sayo,gagawin ko ang lahat na kalimutan at bitawan ang aking nararamdaman."

      Ngumiti ako ng boung puso pero ang aking mga mata naman ay lumuluha. Diko alam kung saan ako huhugot pa ng lakas. Sobrang sakit talaga! Wala na akong makakapitan pa.
"BE HAPPY. I LOVE YOU BOTH!"

      Tumalikod ako kasabay ng pagtakip ng aking kamay sa aking bibig para pigilan ang paghikbi.
"Zack,before I let you go. I want to say I Love You. Ingatan mo si Jane palagi. Alam mo bang mas gusto niya ng Coke kaysa tubig. Mas gusto niyang pumunta sa beach kaysa sa swimming pool. Mas gusto niyang magsaya kaysa ang gawin lahat ng assignments. Mas gusto niya ng sampaguita kaysa rosas. Mas gusto niya ng hug kaysa kiss. Mas gusto niyang kumain ng apple kaysa orange at mas gusto niyang makita ang bituin sa langit kaysa ang manood ng sine. Hehe." Pinahiran ko ang aking mga luha sa aking pisngi at bumuntong hininga. "Zack......Bibitawan na kita,malaya na kayo. Maraming salamat sa mga bagay bagay na natutunan ko. Dahil sa inyo,natutunan kong mag let go ng nararamdaman ko sa isang tao na binalewala lang ako at natutunan kong kahit matalik mo pa yang kaibigan ay kaya ka rin pala nitong iwan."
     
       Nag simula na akong magalakad at humawi naman ang daan. Kasabay nun ang mga iyak at sip-on na naririnig ko sa buong paligid. Ginawa nilang sinehan ang eksena kanina. Haha! Hahayyyystt....ang sakit talaga.

       Alam kong ngayon ay nasasaktan ako pero darating ang tamang panahon na may taong hindi bibitawan ang puso ko.
"Hanggang sa muli,Paalam."
     
        Alam kong mahirap mag move on. Pero alam naman nating,"Kapag gusto maraming paraan ,Kapag ayaw maraming dahilan."

~Heto na ang huling awit na kanyang maririnig,
Heto na ang huling tingin na dati siyang kinikilig,
Heto na ang huling araw ng mga yakap ko't halik.
Heto na.....Heto na....Ingatan mo siya~

THE END

😢Binalewala😢Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon