"Nakalimutan mo yatang nandito pa ang maganda niyang girlfriend,EX-BESTFRIEND!!Pinagbigyan lang kita kanina dahil nakakakaawa ka talaga. Parang kang batang hindi makuha kuha ang gusto niya. Ilusyonada ka talagang malanding babae ka! Hinalikan mo pa ang Zack ko! Pero ito lang tatandaan mo ha! Huwag na huwag mong hahawakan ulit ang baby ko kahit kailan!!"
Singhal ni Jane sa'kin. Ano daw? Baby ko? Damn.
"NO!Huwag ka ngang makisawsaw traydor na babae ka!!"
I shouted while glaring at her in a deadly way. Pero nabigla ako sa pag sigaw sa akin ni Zack at hinawakan ng mariin ang aking balikat habang niyugyug ng malakas.
"You BITCH!"
"ARAY! Nasasaktan a-ako,Z-Zack!"
"SHUT UP!!"
Natigilan ako sa pagsigaw niya at napatulala.
"Don’t you dare accuse and name something to my girl. You'll gonna regret everything in your life."
He menacingly said. Sinampal niya ako ng malakas at napaupo ako sa damuhan. Napaiyak ako sa sobrang sakit. Hinawakan ko ang puso ko at para itong pinipiga.It's killing me. DAMN IT!Napadaing ako sa sakit ng aking balakang. It hurts.
Napasigaw ang lahat ng mga estudyante sa ginawa ni Zack sa'kin.
"Huwag kang magkakamali ng kinakalaban mo,obsess bitch dahil kahit babae ay pinapatulan ko."
Nagdagsaan ang mga bulong bulongan sa paligid. Did he just push me? Di makapaniwalang napatitig ako sa kanya. I am hurt. Very.
"OH MY GOSH!!ANG GAGO NIYA PINAPATULAN NIYA ANG MGA BABAENG MAHINA ANG LOOB!!MASAMA BANG MAGMAHAL HA,MGA BOYS?!"
Napalingon ako sa nagsabi nun at nakita ko ang isa kong kaklase na si Jumaica Mepheoson na noon ay binalewala ko lang dahil ang pinagtuunan ko ng pansin noon ay si Jane the traitor. Dahil akala ko,totoo siya yun pala hindi.
"Serves her right. Masyado kasing mapapel at magaling mang imbento."
Sabi naman ni Jane at awang awa sa kalagayan ko. Binalik ko ang aking tingin kay Zack Judicial.
"Zack,I was trying to say that she's-----"
"OH JUST SHUT THE FUCK UP!I DON'T NEED YOUR USELESS ALIBI!"
He then hugged Jane tightly but gently and kiss her forehead. They are so sweet and romantic. 'Di ko maiwasang masaktan at magselos. Bakit ang bestfriend ko pa?!Sa lahat ng iba bakit siya pa?! Tumulo ang luha ko.
Tama na! Pagod na ako,Pagod na akong kakahabol sa isang taong may kasabay na tumakbo. Ayoko na!Sobra na akong nasasaktan. 'Di lang nila sinaktan ang puso ko. Sinaktan rin nila ako PHYSICALLY.
Siguro ito na ang oras para bitawan ang feelings na nararamdaman ko kay Zack. I waited for him. For almost 5 years pero kahit nagpapansin na ako sa kanya ng todo. Di niya parin ako kilala at talagang hindi siya nagkainteres sakin kundi sa bestfriend ko lamang.
Talong-talo na ako kahit saang anggulo. Ako lang mag-isa,eh dalawa sila. Lumalaban ako na walang makakapitan siguradong madadapa lang ako ng tuluyan.
Sinubukan kong tumayo pero parang na ipit rin pala ang ugat ng aking paa kanina. Ang malas ko talaga kaya napasalampak akong muli sa damuhan. Napayuko ako at nagsimulang mag salita. Nasasaktan ako. Please help me.
"Zack,honestly the reason why I am doing this just for you, Simply because I love you. I am always expressing my love for you but you keep ignoring me na para bang wala kang nakikita. Na para bang wala akong kwenta. Shit--"
'Di ki mapigilang mapahikbi habang nagsasalita. Tiningnan ko silang dalawa at mapait na ngumiti.
~Ngumiti kahit na napipilitan. Kahit na sinasadya mo akong masaktan pa minsan minsan. Bawat sandali nalang...~
Tumahimik ang buong paligid at may biglang kumanta ng Nobela. Lumingon naman ako kay Jane at binigyan ko siya ng matamis na ngiti pero pinawi ko ito at tinitigan siya ng nasasaktang mga mata.
"Jane,bestfriend pa naman kita.......NOON! Lahat ng sikreto at nararamdaman ko sinasabi ko sayo pero ikaw? Naglihim ka sakin sa loob ng mahabang panahon. Kaya pala this past few days parang nagiging malamig ang trato mo sakin at palagi mo na akong iniiwasan. Ganun mo ba talaga siya kamahal para mas piliin mo ang nararamdaman mo sa kanya kaysa sa akin na marami ng pinagsamahan?Dahil kung ako ang nasa posisyon mo ay magsasabi ako ng totoo. Magsasabi ako pero pagkatapos nun ay hahayaan ko kayong dalawa dahil mas mahal kita kaysa sa kanya. Di ko ipagpalit ang bestfriend ko since Daycare until College ,sa isang 5 years na lalake na makakasakit sa bawat sarili natin. Pero nagpaka selfish ka kaya nasira ang matagal nating pagkakaibigan. Kaya pala kahit anong pa fall na gagawin ko kay Zack ay walang epekto. Binalewala niya ako Jane sa loob ng mahabang panahon nandahil SAYO!!Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung maaga palang binitawan ko na ang feelings ko para sa kanya at kung sinabi mo na mahal mo rin siya!!"
Panunumbat ko sakanya pero habang sinasabi ko ang bawat linya parang sinusunog ang kalooban ko. Ang sakit. Di ko kayang magalit at kamuhian siya dahil para ko na rin siyang kapatid na gusto kong protektahan habang buhay. Napayuko ako at malakas na nagbunot ng damo sa lupa. Umiiyak ako sa harap ng maraming tao pero wala na akong pakialam dahil sobra na akong nasasaktan.
"Oo Rheina!Nagpakaselfish ako dahil labis ko rin siyang mahal. Inunahan na kita dahil ayokong makita ko ang lalakeng mahal ko since Grade 6 na kasama ang mahal kong bestfriend. Inunahan na kita dahil akin lang siya. Akin lang siya,Rheina. Huwag kang epal, alam ko kasing patay na patay karin sakanya. Di na kita pinakilos ng una dahil alam kong kaya mo siyang paibigin sa madaling panahon. Ngayon, binalewala ka niya di dahil lamang sakin kundi dahil mahal na rin niya ako. Kaya pwede ba!!Hayaan mo na kami. Kung talagang mahal mo talaga kaming dalawa, hayaan mo nalang kaming maging masaya!!"
Napaangat ang tingin ko sa kanya dahil sa mga sinasabi niya. Ang babaw niya! Ang babaw niya talaga. Pero biglang huminto ang aking mundo nang ngumisi sakin si Jane at kwenelyuhan niya si Zack sabay hinalikan ng napaka-aggressive. Napasinghap ang lahat ng tao at di makaget over. Ang masaklap pa nun ay yung nakita ko ring nag respond si Zack kaya silang dalawa ngayon ay naghahalikan sa harap ng iba. SA HARAP KO PA TALAGA!!!
BINABASA MO ANG
😢Binalewala😢
Short StoryThis Short Story is all about sadness and pain. Craziness and betrayals. A girl whose name Rheina Zagrallane who's trying to be strong but still ended up crying alone. She experienced an one-sided love. Ang saklap diba? Kaya samahan niyo siya sa is...