Chapter 1
'The mystery girl'
Mahigpit kong hawak ang travel bag ko, habang naka sakay sa pambublikong tricycle, papasok sa malubak na daan ng dormitory. Hindi pa kasi ito sementado kaya pahirapan ang pagpasok ng mga malalaking sasakyan.
Hinatid ako ni papa pero hanggang labasan lang dahil hindi kaya ng sasakyan niya ang makipot na daan.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa paligid.
Perpektong nakalatag ang mga bulalak sa damuhan habang ang mga naglalakihang mga puno ay maayos ang pagkakahanay.Malalago ang mga puno at may kataasan ang mga damo ngunit malinis ang paligid.
May kalumaan na din ang ibang gusali ngunit hindi ito naging hadlang para maging pangit ang lugar. Para kang nasa kakaibang dimension ng panahon.
Mabango ang simo'y ng hangin at payapa ang paligid, malayong malayo ito sa dati kong paaralan na halos mapuno na ng basura ang paligid.
Hindi nagtagal ay tumigil ang sinasakyan kong tricycle sa harap ng may kalumaang gusali.
Tinulungan ako ng driver na ibaba lahat ng gamit at pagkatapos ay iniabot ko na sa kanya ang napag kasunduan naming bayad.
“ maraming salamat po manong, ingat po kayo”nakangiti kong kaway sa may katandaan ng tricycle driver. Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na.
Dahil hindi naman ganoon karami ang dala kong gamit ay isang buhatan lang ang ginawa ko.
Pinagmasdan ko ang harapan ng dormitory building na may nakapaskil na “ WELCOME TO GIRLS DORMITORY”… may kalumaan na din ang signage kaya medyo burado na ang ibang letra at may mga ligaw na damo ang nakakapit sa pader nito.
Tahimik akong naglakad papasok sa building at may mga iilang estudyante akong nakasasalubong palabas mula sa dormitory.
Maraming tao sa loob, may kanya kanya silang ginagawa. May mga estudyante busy sa pagfifill up ng form, habang ang iba naman ay nakikipag kuwentuhan sa mga kakilala. Pinagmasdan ako sa paligid baka sakaling may kakilala akong nandito ngunit wala ni isa sa kanila ang pamilyar ang mukha.
" excuse me miss!. Saan ang registrar office?" Nakangiti kong tanong sa babaeng nakaupo sa malapit sa exit area. Tahimik siyang nakaupo doon habang nakatingin sa iba pang mga estudyante.
" dumaretso kalang, pagdating mo sa dulo lumiko ka pakanan. Nandoon ang opisina ng registrar malapit sa drinking water." Sagot niya sakin pero nakatingin parin sa ibang direksiyon. Tumango ako sa kanya at mabilis na umalis.
Pagdating ko sa dulo ay agad akong lumiko pakanan. Tama siya nandoon nga ang opisina ng registrar.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa ng opisina. May nakalagay naman naman na open kaya siguro may tao sa loob.
“ pasok" boses ng matandang babae galing sa loob ng opisina. Dahan dahan kong pinihit ang pintuan at nagmamadaling pumasok.
Sinalubong ako ang babaeng naka sout ng malaking salamin. Nakakatakot ang mukha niya dahil dahil para siyang balyenang masungit....“ ikaw ba ang anak ni susan forte?” nakataas kilay niyang tanong sa akin.... “ opo maam, ako po si Ellaine Forte" nakangiti kong sagot, pero sa totoo lang sobrang kinakabahan ako sa mukha niya.
“ heto ang susi mo, at room number. Wala kana ng dapat pirmahan dahil na settled na ng mama mo lahat. Welcome to girls dormitory”. Nakangiti na niyang sagot. Nakahinga ako ng maluwang dahil sa ngiti niya,bigla kasing nagbago ang awra niya.
BINABASA MO ANG
Room 52
Mystery / ThrillerEllaine Forte is a freshmen agricultural engineering who live in school dormitory. One night, her peaceful life is become nightmare when she witnessed the horrifying incident. And worst she became a primary suspect. 'Malilinis pa kaya niya ang...