chapter 2

3 0 0
                                    

Chapter 2

East hallway

Dahil kaunti palang ang pumasok na estudyante, hindi na nagbigay ng task si prof. Nagpakilala lang kami individually at ipinaliwang niya ang grading system ng subject.

Hindi naman nakakapagod ang araw ito, pero naninibago lang ako dahil ni isa wala akong kakilala sa kanila.

I'm totally alone!

Hindi na kagaya dati na maingay ako sa klase. Dahil ngayon halos wala akong makausap sa kanila. Naiinggit ako sa iba na may kakilala dito, mabuti pa sila at may nakakausap samantalang ako nakaupo lang sa isang tabi habang nakamasid sa paligid.

Mapapanis ata ang laway ko dito.!
Pagkatapos ng unang subject ko ay nagmamadali na kaming lumabas para sa susunod pang klase. Habang nagliligpit ng gamit ay nasulyapan ko iyong babae sa dormitory.Nagmamadali akong lumabas para sundan siya pero bigla nalang nawala.

" dito lang iyon dumaan diba? Nasaan na siya?" Nakapagtataka ang bilis niyang maglakad. Mabilis naman akong lumabas pero bakit hindi ko siya naabutan. Tumingin ako sa paligid pero wala na iyong babae.
Napailing nalang ako sa pagtataka.!
Habang naglalakad papuntang next subject hindi pa din nawala sa isip ko ang babaeng iyon.I'm sure dito din siya nag aaral, pero anong year na kaya siya?. Dahil sa paghahanap sa babaeng iyon nahuli tuloy ako sa second subject mabuti nalang ay hindi masungit iyong professor namin.

Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa huling pintuan. Habang nagtatake note sa mga rules and regulations ay nasagi ng tingin ko iyong babae sa hallway.

Kaklase ko siya?

Nakaupo siya malapit sa bintana at malayo ang tingin. Hindi din siya nagsusulat at nagkikinig sa mga pinagsasabi ni prof. Nakatukod ang kanyang mga kamay habang gumagalaw ang mga paa sa ilalim ng upuan. Busy Lahat ng mga kaklase ko kaya walang nakakapansin sa ingay ng kanyang paa. Ang mumunti nitong galaw ay lumilikha ng kaunting ingay na umaagaw sa atensiyon ko.

Pagkatapos ng klase ay agad ng nagsilabasan ang mga kaklase ko.I checked the class schedule at mamayang 3 pm pa ang next class so may time pa para umuwi sa dorm.

After kong magligpit ng mga gamit ay tumingin ako sa tabi ng bintana at nakita ko na nandoon pa din ang kaklase kong babae.Ganoon parin ang posisyon habang nakatingin sa malayo.

I walk toward her!.

Wala naman sigurong masama kong kakausapin ko siya, pareho naman kaming loner. I shrugged and take a deep sigh before walking. Habang papalapit sa kanya ay bigla nalang akong kinabahan.Paano kong ireject niya ang friend request ko? Baka hopia ako dito!.Bago ko siya tuluyang kausapin ay tumingin mo na ako sa paligid.Baka kasi bigla nalang niya akong tinalikuran at mabokya pa tayo. Luckily kami nalang ang naiwan sa loob ng class room, kaya good timing din ang lahat.

"Hi! I'm Ellaine Forte. Classmate tayo sa GEC105!"  Nakangiti kong lahad ng kamay sa kanya. Wala naman akong masamang intention sa kanya. I just want to make a friends.Pero nangangalay na ang kamay ko at hindi pa rin niya tinatanggap ito.Kaya dahan dahan ko nalang na binawi at ngumiti.

Bumaling siya sa direksiyon ko at tumingin sa mga mata ko, gumuhit na naman ang nakakakilabot niyang ngisi. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa tuwing tumitingin siya sa akin ng ganoon.

It's so creepy!

Bigla na lang siyang tumayo at iniwan akong nakatulala.Bakit napaka sungit niya? Kaya siguro siya loner dahil sa ugali niyang kasing pait ng amapalaya. Padabog akong lumabas ng classroom habang nakasimangot. Hindi pa rin mawala ang inis ko sa babae, nakaka high blood ang attitude niya!.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Room 52Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon