"Jace!" Tawag niya pero 'di ko siya nilingon. Patuloy lamang ako sa pagtakbo dito sa kalsada kahit nababasa na ako ng ulan.
Ang sakit na! Ang sakit-sakit na! He's at it again! He's trying to get me with his cheesy phrases and then leave me again!
"Jace, umuulan!" Sigaw niya. Patuloy ako sa paglakad-takbo ko habang tumutulo ang mga luha ko. I'm trying not make a noise while crying. Naramdaman kong hinablot niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya. Tiningnan niya ako ng deretso sa mga mata ko. Ang kaninang nakakunot na noo niya ay biglang nawala at napalitan ng pag-aalala marahil nakita niya ang mga mata kong mamulamula na. "Why are you crying?" Kinalas ko ang braso ko.
"Because, you're at it again!" Sigaw ko sabay hampas sa dibdib. Wala akong panahon para icompliment yung dibdib niya ngayon. Umatras ako at tumalikod sa kaniya at naglakad takbo nanaman. Sa 'di kalayuan ay natanaw ko na ang palabas ng subdivision. Wala masiyadong taxi sa loob ng subdivision kaya hindi ako makatakas sa kaniya.
Pero dahil mabilis siya ay hindi ako nakatakas sa kaniya. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kaniya.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?!" Umiling ako at pilit na tinatanggal ang mga braso niya nasa balikat ko pero lalo niya lang itong hinigpitan.
"Wala kang gagawin!" Sigaw ko. "Kasi kahit anong gawin mo, hindi na matatanggal ang sakit na pinaramdam mo sa akin! You planted the pain in my heart and everyday I think of you it grows!"
"I'm sorry..." bulong niya sabay yuko. "I'm sorry for everything..."
"You can say sorry but you can't take away the pain..." matigas na sabi ko. "I can forgive you but expect me to be mad at you even though I forgive you."
"Does it hurt?" Wow! Tinatanong mo pa?!
Pero imbes na magalit ay yumuko ako. Tumingin siya sa akin pero hindi ko kayang labanan ang mga tingin niya.
Looking into his eyes makes me lose.
Talo ako kaagad. Baka nga mahalikan ko pa siya dito, eh. Pero sa likod ng mga pantasyang iyon ay mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko.
Hinawakan niya ang baba ko at iniangat iyon. Tumingin ako sa malayo. Hindi ko masiyadong makita ang mga tinatanaw ko dahil sa luhang humaharang sa paningin ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-luha ko.
"Hey..." pilit niyang pinagtatagpo ang aming mga mata kaya wala akong nagawa kundi ang tumingin sa kulay abo niyang mga mata.
"Its unbearable!" At the moment, I lose. Bigla akong napahagulhol at nawalan ng balanse kaya napaupo ako sa malamig at basang semento ng highway. Umupo siya para magkatapat kami. Unti-unti siyang lumapit sa akin at sa isang iglap ay dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.
Unti-unti siyang lumayo at nag-tama ang mga mata namin.
Niyakap ko siya at humagulhol ako sa balikat niya. Niyakap niya ako pabalik ng sobrang higpit.
Once again, I lose...
I'm such a loser...
YOU ARE READING
Loser (High School Series 1) ONGOING
RomanceJace, is a bitchy girl who's a queen in their school. Just like other stories, there's a queen and in her part, she's the queen. She has a cold heart but, when she met the cold hearted guy, Zerixon Bañez, they both melted with love.