Everything in this story are fictional, from, characters,places,objects,situations and events. If there are errors or my grammars are wrong, care to message or correct me.😁Happy Reading!
CHAPTER 2: DREAM
Masakit isipin na hindi talaga kami tunay na magkapatid ni Jean.
Oo, hindi kami tunay na kambal. Akala ng iba ay in non-identical twins kami. Ang ibig sabihin ng non-identical twins ay kambal na hindi magkamukha. Iyon ang akala nila.
Ang totoo ay, ang nanay ko ay sekretarya ng daddy namin ni Jean noon nung hindi pa kami pinapanganak. Nabuntis ni daddy ang nanay ko, kasabay non ay buntis din ang mama ni Jean. Nauna akong ipanganak, pero hindi dumating ang daddy ko hanggang sa sabihin sa kaniya ng kapatid ng nanay ko na namatay si nanay dahil hindi niya kinaya nong ipanganak ako. Namatay siya habang pinapanganak ako.
Makalipas ang ilang linggo ay si Jean naman ang ipinanganak.
Nilabas nila na kambal kami ni Jean para hindi masira ang pangalan na binuo ni Daddy.
Inamin nila ito sa amin nung nag-sampung taong gulang na kami. Dahil nasanay ako na akala ko birthday rin ni Jean ang birthday ko ay hindi na namin ito pina-iba.
Salamat at tinanggap pa rin ako ng pamilya ni Daddy.
"Jace?" Natigil ako sa pag-iisip ng tinawag ako ni Jean. Nandito kami ngayon sa kotse at papauwi na kami. Kanina pa pala ako tulala at nakatingin lang sa bintana.
"Yes?" Sagot ko at pilit na ngumiti.
"May problema ba?" Mabilis akong umiling. Tumango-tango lang siya at patuloy na nagbasa ng libro. Napansin niya sigurong kanina pa ako tulala. Halos hindi na kasi ako nagsalita kanina simula nong nangyari kanina.
Diba nakuha ko ang attention ng mga estudante kanina? Bakit hindi ako masaya?
Attention seeker!
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko kaya agad kong hinalukay ang bag ko para mag-hanap ng panyo. Nang makakita ako ng panyo ay palihim kong pinunasan ang mata ko para hindi mahalata ni Jean.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay. Bumukas ang gate at pumasok na ang kotse.
Naunang bumaba si Jean at hinintay muna ako bago kami pumasok sa loob ng bahay.
Sinalubong kami ng mga katulong namin sa bahay. Tiningnan ko ang buong bahay.
Dito, wala na akong aasahang attention.
"Jean!" Tawag ni mommy at Daddy sa kaniya. Agad namang tumakbo si Jean papunta sa kanila na ngayon ay pababa na ng hagdan. Tumingin ako sa paa ko. Hinintay kong tawagin nila ako ngunit lumipas ang ilang minutong pagbabati nila kay Jean ay hindi pa rin nila ako pinapansin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luha ko.
Dahan-dahan akong nag-lakad papuntang hagdan.
"Jace?" Natataranta akong lumingon kina Mommy at Daddy ng marinig ko ang boses ni Daddy.
Automatiko akong ngumiti.
"Yes po?" Nilawakan ko ang pag-ngiti ko.
"Nag-quiz daw kayo kanina?"
"O-Opo..." nauutal at pahina kong sabi.
"Ilan ang score mo?"kinakabahan na ako.
"T-Twenty-seven po...." sagot ko.
"Over?"
"Thirty...."
"Bakit hindi mo nalang pinerfect?" Alam kong disappointed si Daddy dahil sa tono ng pananalita niya. Nilingon niya si Jean.
YOU ARE READING
Loser (High School Series 1) ONGOING
RomanceJace, is a bitchy girl who's a queen in their school. Just like other stories, there's a queen and in her part, she's the queen. She has a cold heart but, when she met the cold hearted guy, Zerixon Bañez, they both melted with love.