CHAPTER 1

1 0 0
                                    


"Hoy boba! Gumising kana dyan at tanghali na!" pagsisigaw at pagsisipa ni Laura sakin.

"T*ngina ang aga-aga!" iritadong sigaw ko sakanya. Kinuha ko yung unan at tinakpan ang mukha ko.

Aga-aga naman ng sermon netong bobita ito bwesit! Kulang pa nga yung tulog ko dahil uminom ako kagabi, may party kasi dun sa isang kaibigan ni Mama kaya sumama ako dun. Di ko naman alam na nandun din pala tong si Laura kaya ayun napainom tuloy ako tsaka nandun naman din yung ibang kakilala namin so okay lang.

"Di ka talaga gigising ah, kukuha talaga ako ng tubig" iritadong sabi ni Laura

"Oo eto na gigising na" singhal ko sakanya. Nag peace sign ang kumag. I just roll my eyes at tumayo papuntang cr.

Nagmumog ako at naghilamos na din bago lumabas. Inayos ko na din yung higaan ko, paglabas ko ng kwarto sakto din at lumabas si Luara na naka panglakad. Napataas ang kilay ko habang nakatingin sakanya.

She's wearing a Pink crop top na may tali sa waist area, paired  it with her highwaist  jeans, naka lugay lang din ang maiksi nyang buhok tapos naka heels pa and Gucci sling bag.

Maganda si Laura maputi, maiksi ang kanyang ash gray na buhok, singkit ang mata, matangkad at friendly, halata din sakanya na mayayamanin dahil sa mga gamit niya. Madaming nagsasabi na may lahi ba siyang Chinese o  kung ano-ano dahil sakanyang singkit at maputi, pero wala po talaga siyang lahi sadyang mana lang talaga siya sa Mama niyang singkit


At iba naman ako  hindi ako masyadong maputi tama lang, mahaba ang aking dark brown na buhok na hanggang bewang, mas matangkad ako kaunti kay Laura, heart shape naman ang lips ko kaya ito yung asset ko Haha! Hindi naman ako gaano ka yaman tama lang.

"I'm just gonna meet someone, okay?"  i just smirk and rolled my eyes, at pumunta na ng kusina para kumain.


"At sino naman ang kikitain mo aber? Aga-aga Laura landi agad ang nasa isip mo"  she just gave me a soft glare before getting her car keys


"You know Yamm Nalyse Vidalle, you should date some guys na. Hindi tayo palaging teenage no!" pag kukumbinsi niya sakin.



Napatigil ako sa pag prepare ng pagkain ko at napatutok ako sa mukha nya habang nakataas ang kilay ko dahil sinabi nya yung buong pangalan ko.






"Teenage? Are you serious? 19 kana oy at mag bbirthday kana next month! Anong teenagers dyan. Tsaka Maria Laura Gonsalez mahiya ka naman sa  Maria mo oy!" sigaw ko sakanya.

"Whatever Yana, aalis nako bye mwua ingat ka dito Love you!" pagpapaalam nya, i just smiled at her before nya sinarado ang pintuan.



Tinapos ko yung kinain ko at nilagay sa sink para maghugas pagkatapos nun, dumiretso nako sa Bathroom para Maligo.  Anong araw na pala ngayon? I check my phone kung anong oras at date ngayon.

             12:46
       March 20,20**
           Saturday
       

"Oh, pupunta pala ako ng Library ngayon"

Naligo na ako at ginawa yung skin care ko bago pumunta sa walk in closet namin ni Laura. Well naka Condo kami para hindi na hassle pag papuntang school tsaka ang traffic masyado dito sa Manila, ang layo kasi nung samin dito sa school ko at ganun din si Laura; kaya napagisipian namin na mag Condo nalang.

"Umm... Anong magandang soutin ngayon?"

Nilabas ko ang white crop top tapos highwaist jeans At over size na t-shirt tapos high waist din na short.Gusto ko kasing simple lang ang sosoutin dahil sa Lib. Lang naman ako pupunta.

Cross Our PathsWhere stories live. Discover now